WALA pang kumpirmadong impormasyon na nakalabas na ng Pilipinas ang negosyanteng si Atong Ang, na itinuturing na most wanted kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa silang natatanggap na opisyal na ulat na umalis na ng bansa si Ang, sa kabila ng mga kumakalat na balita na umano’y nakatakas na ito. “Sa ngayon, wala pa kaming kumpirmasyon na nakalabas na ng Pilipinas si Atong Ang,” ani Martinez. Ang pahayag ay kasunod ng alegasyon ng isang whistleblower na naniniwala…
Read MoreCategory: BALITA
MGA ARMAS NG NPA NADISKUBRE SA SIERRA MADRE
QUEZON – Nadiskubre ng mga sundalo ang isang cache ng armas na umano’y pagmamay-ari ng New People’s Army (NPA), sa bahagi ng Sierra Madre malapit sa boundary ng mga lalawigan ng Quezon at Rizal noong Linggo, Enero 18. Ayon sa militar, nahukay ng mga ng tropa ng 80th Infantry Battalion sa ilalim ng 202nd Infantry Brigade, ang mga armas sa Barangay Tanauan, Real, Quezon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen. Narekober sa lugar ang isang M1 Carbine rifle, isang improvised M16 rifle, isang hand grenade, 616 na…
Read MorePINAKAMALAKING ACE HARDWARE SA ASYA PINASINAYAAN
OPISYAL na binuksan ng ACE Builders ang pinakamalaking tindahan nito sa Asya sa SM City Baliwag noong Enero 16, 2026. Dumalo sa ribbon-cutting ceremony sina (mula kaliwa pakanan): SM City Baliwag Mall Manager Rodora Tolentino; SM Retail Inc. President Jonathan Ng; Baliwag City Mayor Sonia Estrella; Ace Hardware Philippines Inc. Director JV Cobankiat; AHPI Business Unit Head Alvin So; Ace International Sales Director Calvin Kim; at AHPI Vice President for Supply Chain Alex Kho. PORMAL nang binuksan sa publiko ang pinakamalaking ACE Hardware hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong…
Read MoreGUWARDIYA BINARIL SA ESKWELAHAN
CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaking sakay ng isang itim na Mitsubishi Mirage na suspek sa pamamaril sa isang guwardiya sa guardhouse ng isang eskuwelahan sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa isang ospital si alyas “Rener” habang kinilala ang suspek na si alyas “Romeo”. Ayon sa ulat, bandang alas-10:40 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang guardhouse sa loob ng Rosario Institute sa Brgy. Sapa 1, Rosario, Cavite. Ayon sa salaysay ng isang saksi, magpapahinga na sana siya nang…
Read MoreOCTA: BILANG NG PAMILYANG PINOY NA NAGSASABING MAHIRAP, BUMABA NG 17%
BUMABA ng 17 porsyento, o katumbas ng tinatayang 4.5 milyong pamilya, ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap, ayon sa inilabas na pag-aaral ng OCTA Research nitong Martes. Batay sa Tugon ng Masa survey, 37 porsyento o humigit-kumulang 9.8 milyong pamilya ang nagpakilalang mahirap noong Disyembre 2025, mula sa 54 porsyento o 14.3 milyong pamilya noong Setyembre 2025. Ayon sa OCTA, ito ang pinakamalaking single-quarter drop sa kasaysayan ng kanilang survey. Sa food poverty rating, bumaba rin ito mula 49 porsyento noong Setyembre 2025 tungo sa 30 porsyento…
Read MoreDAR, NCIP PINAGTIBAY ANG UGNAYAN PARA SA KARAPATAN NG ARBs at IPs SA ZAMBOANGA DEL NORTE
PINAGTIBAY ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang kanilang koordinasyon upang matiyak ang proteksyon ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) habang tinutugunan ang mga usapin sa pag-angkin ng lupa ng mga indigenous peoples (IPs) sa Barangay Delucot, Godod, Zamboanga del Norte. Isinagawa ang dayalogo bilang tugon sa mga aplikasyon sa pagmamay-ari ng lupa ng mga IPs na may mga bahaging sumasaklaw sa mga lupang sakop ng agrarian reform. Layunin nitong maiwasan ang sigalot sa lupa, mapanatili ang seguridad sa paninirahan at pagsasaka…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY SA MAYNILA, INIHARAP KAY ISKO
INIHARAP kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang suspek sa pagkamatay ng isang dalagang dayo sa Maynila na naganap noong Disyembre 2025. Kinilala ng alkalde ang suspek na si alyas “Kyle,” 24 anyos, miyembro umano ng Batang City Jail gang, na naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District–Station 1 (Raxabago Police Station) matapos mahulihan ng baril nitong Lunes ng gabi. Ayon kay Mayor Isko, dumalaw lamang ang biktima sa kanyang mga kakilala sa Tondo nang mangyari ang insidente. “Pinagpapasalamat ko ang Manila Police District, ang mga kababaihan at kalalakihan…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS PROBE HINDI PINAUULIT NI PBBM – MALAKANYANG
NILINAW ng Malakanyang na walang direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-redo o ulitin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects. Ito ay kasunod ng ulat na sinadyang magsumite umano si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan ng maling grid coordinates ng mga flood control project sa Pangulo. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi totoo ang naturang alegasyon at ang kailangan lamang ay itama ang mga naging pagkukulang sa proseso ng imbestigasyon.…
Read MorePORTUGAL KUMBINSIHIN PARA ‘DI MAGING KANLUNGAN NI ZALDY CO
KAILANGANG kumbinsihin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Portugal na huwag payagang maging kanlungan sila ng mga wanted na Pilipino tulad ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ito ang payo ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa DFA na tanging ahensya na may karapatang makipag-negosasyon sa Portugal kung saan pinaniniwalang nagtatago si Co. “It is highly doubtful if Zaldy Co even understands Portuguese. These factual circumstances on how a fugitive Filipino official is using Portugal as a safe haven to escape grave crimes should…
Read More