MANANATILI sa Full Alert Status ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas-12:01 ng madaling-araw ng Nobyembre 3, kahit natapos na ang paggunita ng Undas. Iniulat ng PNP na tinaasan nito ang bilang ng mga naka-deploy na tauhan mula 141,172 hanggang 166,365 upang matiyak ang seguridad ng publiko sa panahon ng Undas. Binubuo ang kabuuang deployment ng 78,952 pulis, 20,837 personnel mula sa iba pang yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya, gayundin ng…
Read MoreCategory: BALITA
U.S. President Trump inaasahang dadalo PNP PINAPLANTSA SEGURIDAD SA 49TH ASEAN SUMMIT
MATAPOS ang paghahanda ng Philippine National Police sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa All Saints Day at All Souls Day, nakatutok naman ngayon ang pambansang pulisya sa nakatakdang 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas bilang host at chair. Partikular na naatasan ng pamunuan ng PNP ang National Capital Region Police Office para maglatag ng security blanket sa kalakhang Maynila na inaasahang magaganap ang maraming aktibidad sa idaraos na pagtitipon ng mga lider sa Asya. Ayon kay PNP-NCRPO Spokesperson Lt. Col. Hazel Asilo, kasalukuyang isinasapinal ang preparasyon ng kanilang puwersa…
Read MoreMGA KORTE PINAALALAHANAN NG CA SA ORAS NG TRABAHO
BAGAMA’T walang tuntunin na nag-uutos ng patakarang walang pahinga sa tanghali sa hudikatura, pinaalalahanan ng isang associate justice ng Court of Appeals (CA) ang mga korte na tiyaking available ang mga ito sa publiko sa panahon ng kanilang itinalagang iskedyul ng trabaho. Dalawang sirkular mula sa Court Administration Office ng Korte Suprema ang nagtakda ng mga iskedyul ng trabaho para sa mga korte tuwing karaniwang araw mula 8 a.m. hanggang tanghali at mula 1 p.m. hanggang 5 p.m. sa Rehiyon 1 hanggang 12, at mula 8 a.m. hanggang tanghali at…
Read MorePRICE FREEZE SA MGA NASA STATE OF CALAMITY PINATITIYAK
NANAWAGAN si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity. Hinimok din niya ang mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng crackdown laban sa mga hoarder, profiteer at cartel sa gitna ng paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño sa produksyon ng pagkain at presyo ng mga bilihin. Ayon kay Pangilinan, dapat palakasin ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH) at Price Coordinating…
Read MorePET SERVICE PROVIDERS SA BANSA PINAIINSPEKSYON
IGINIIT ni Senate President Sherwin Gatchalian na dapat panagutin ang may-ari ng pet crematorium na umano’y nagtapon ng mga patay na alagang hayop sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte, Bulacan. Ayon kay Gatchalian, malinaw na paglabag sa mga batas pangkapaligiran at sanitation regulations ang insidente. Mas nakababahala aniya na nagbayad ang mga pet owner para mabigyan ng maayos na huling pagpupugay ang kanilang mga alaga, ngunit itinapon lamang ang mga ito na parang basura. Tinawag ng senador na panloloko ang insidente at hinimok ang…
Read MoreP555.75 MILYONG MULTA, IPINATAW NG LTFRB SA MOVE IT DAHIL SA SOBRANG BILANG NG RIDERS
QUEZON CITY — Humigit-kumulang P555.75 milyon ang ipinataw na multa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa motorcycle taxi platform na Move It, dahil sa pagpapanatili ng libo-libong rider-partners na lampas sa pinahihintulutang bilang ng pamahalaan. Sa desisyong inilabas noong Oktubre 9, 2026, idineklarang administratibong responsable ang WE-LOAD TRANSCARGO CORPORATION na nag-ooperate bilang Move It PH. Pinahihintulutan lamang ang kumpanya na magkaroon ng 17,746 na rider-partners sa Metro Manila, Cebu City, at Cagayan de Oro, ngunit natuklasan na umabot umano sa 73,321 ang aktibong riders nito —…
Read MorePAKIKIRAMAY BUMUHOS SA PAGPANAW NI ATE GAY
BUMUHOS ang pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na komedyante at impersonator na si Gil Aducal Morales, na mas kilala bilang Ate Gay, mula sa mga kasamahan nito sa showbiz. Isa sa mga agad nagbigay-pugay ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa pamamagitan ng isang madamdaming social media post. Kinumpirma ng pamilya ni Ate Gay ang kanyang pagpanaw noong Linggo, Nobyembre 1, 2026, matapos ang matagal na pakikipaglaban sa karamdaman. Ayon sa pamilya, pumanaw siya habang napalilibutan ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 2, binalikan ni…
Read MoreLCSP sa anti-colorum campaign SINDIKATO HINDI PRIBADONG MOTORISTA PAGDISKITAHAN
SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang kampanya laban sa mga kolorum na sasakyan, ngunit iginiit na dapat ituon ng mga awtoridad ang operasyon sa mga sindikato na talagang ginagawang negosyo ang ilegal na pamamasada. Kasabay nito, nagpaalala ang LCSP sa mga motorista kung paano maiiwasang mapagkamalang kolorum ang kanilang pribadong sasakyan, lalo na nitong Undas. Ayon kay LCSP Founder Atty. Ariel Inton, maituturing na kolorum ang isang sasakyan kapag ginagamit itong pampasada o for hire nang walang prangkisa, expired ang prangkisa, o ginagamit sa rutang hindi…
Read More22 DRIVER NAGPOSITIBO SA DRUG TEST; 1,213 SUMAILALIM SA PAGSUSURI
UMABOT sa 22 public utility vehicle (PUV) driver ang nagpositibo sa paunang resulta ng sorpresang drug testing na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 1,213 driver at konduktor sa Zamboanga Peninsula bilang bahagi ng paghahanda sa paggunita ng Undas. Kabilang sa mga sumailalim sa pagsusuri ang mga tricycle driver, jeepney driver, bus driver, van driver at konduktor sa ilalim ng Oplan Harabas ng PDEA Regional Office IX (PDEA-RO9). Sa kabuuang 22 nagpositibo, 17 ang tricycle driver, tatlo ang jeepney driver, isa ang bus driver at isa ang van…
Read More