DOJ TULOY ANG CIVIL FORFEITURE KAY USEC CABRAL; CIDG PASOK SA DEATH PROBE

ITUTULOY pa rin ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng civil forfeiture cases laban sa mga ari-arian ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, sa kabila ng kanyang pagkamatay matapos mahulog sa bangin sa Benguet. Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, bagama’t napapawalang-bisa na ang anumang posibleng criminal liability ni Cabral dahil sa kanyang pagpanaw, maaari pa ring habulin ang kanyang civil liability. Ibig sabihin, maaari pa ring bawiin ng gobyerno ang mga ari-arian ni Cabral kung mapatutunayang nagmula ang mga ito…

Read More

LEVISTE INAKUSAHAN NG PANGHA-HARASS KAY DPWH USEC CABRAL

INAKUSAHAN si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng pangha-harass sa noo’y Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral sa isang insidenteng sinasabing naganap sa loob ng kanyang opisina, ayon sa isang post na kumakalat sa social media. Sa isang Reddit post na ibinahagi sa forum na r/DPWHEngineersPH, sinabi ng user na si u/Unlucky-Love5132 na pumasok si Leviste sa opisina ni Cabral noong gabi bago ang isang congressional hearing at sapilitang inagaw ang mga dokumento mula sa kanyang mga kamay. Muling lumutang ang naturang post…

Read More

β‚±15M Pondo sa Krisis sa Tubig ng Brgy. Tumana, Ipinamadali ni Mayor Teodoro

PINAGTIBAY bilang urgent ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng isang panukalang ordinansa na maglalaan ng pondo upang matugunan ang krisis sa tubig sa Barangay Tumana, matapos putulin ng Manila Water ang suplay ng tubig sa lugar. Sa isang pormal na liham na ipinadala sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, iginiit ni Teodoro ang agarang pangangailangan na maipasa ang ordinansang naglalayong maglaan ng β‚±15,000,000 upang bahagyang mabayaran ang obligasyon ng Barangay Tumana sa Manila Water. Ayon sa ulat, umano’y nabigo si Barangay Captain Akiko Centeno na maipasa sa…

Read More

GOMA, BINIRA SA PANANAKIT SA SENIOR CITIZEN NA SPORTS OFFICIAL

BINANATAN ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pananakit ni Leyte Representative Richard “Goma” Gomez sa isang nakatatandang opisyal ng sports official sa SEA Games sa Thailand. Para kay Ordanes, hindi tama ang ginawa ni Gomez kay Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gamuca. Base sa mga ulat, sinaktan at minura umano ni Gomez si Gamuca dahil hindi nagustuhan ang pagpapalit ng atleta na sasabak sa fencing competition. Nabatid na kababayan ni Gomez sa Ormoc City si Alexa Larrazabal at nakatikim din diumano ang atleta ng pambu-bully sa mga…

Read More

Para magpaliwanag sa maanomalyang flood control projects BELGICA: STELLA QUIMBO DAPAT HUMARAP SA IMBESTIGASYON

IGINIIT ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica na dapat humarap at magpaliwanag si dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa mga imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects. Ipinunto ni Belgica na mahalaga ang boses ni Quimbo sa imbestigasyon dahil miyembro siya ng bicameral conference committee at nagsilbing vice chairperson ng House Committee on Appropriations sa deliberasyon ng 2025 national budget. Tumayo rin siya bilang committee chairperson kasunod ng pagbibitiw ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Bahagi rin si Quimbo ng tinatawag na small committee,…

Read More

LCSP: BENEPISYO HINDI INTRIGA SA LIBRENG SAKAY SA LGBTQ

PARA sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), mas dapat pagtuunan ng pansin ang benepisyo ng libreng sakay sa iba’t ibang sektor kaysa gawing isyu ang pagsama ng LGBTQ community sa programa. Naging kontrobersyal ang pagsasama ng LGBTQ sa “12 Days of Christmas” libreng sakay sa MRT at LRT, kung saan may ilang nagtatanong kung kailangan bang ideklara ng pasahero ang kanilang SOGIE o magpakita ng patunay. Nilinaw naman ng Department of Transportation (DOTr) na walang kailangang ideklara o ipakitang dokumentoβ€”sapat na sabihin ng pasahero na sasakay siya sa…

Read More

Sa gitna ng PhilHealth payment issues HOSPITAL CLAIMS PINALAWIG NG 120 ARAW

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng filing period para sa hospital reimbursement claims hanggang 120 araw, bilang hakbang upang mabawasan ang pagkaantala sa PhilHealth payments at matulungan ang mga health facility na makarekober mula sa mga denied claims. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa MalacaΓ±ang na napagpasyahan ang hakbang matapos ang konsultasyon ng Pangulo sa Department of Health (DOH) at PhilHealth, kasunod ng ulat na mahigit P1 bilyon na halaga ng return-to-hospital (RTH) claims at iba…

Read More

TNVS COMMUNITY PH NAGPASALAMAT SA LTFRB MATAPOS PAGBIGYAN SA HILING SA SURGE CUT

MANILA β€” Nagpasalamat ang TNVS Community Philippines (TCP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos pagbigyan ng ahensya ang kanilang hiling kaugnay ng ipinatutupad na surge pricing cut para sa transport network vehicle services (TNVS). Sa inilabas na pahayag ngayong araw sa pamamagitan ng spokesperson na si Lisza Redulla, sinabi ng TCP na positibong hakbang ang naging desisyon ng LTFRB na i-defer ang implementasyon ng surge pricing cap at magpatupad ng “compensatory adjustment” sa pick-up fares, bilang tugon sa mga alalahanin ng mga TNVS driver lalo na ngayong…

Read More

‘SSS members ginigisa sa sariling mantika’ SOLON BINANATAN EMERGENCY LOAN NI PBBM

(BERNARD TAGUINOD) BINANATAN ni Kamanggagawa party-list Rep. Ei San Fernando ang inanunsyong Emergency Loan Program ng Social Security System (SSS), sabay sabing “niluluto sa sariling mantika” ang mga manggagawang gipit. Reaksyon ito ng mambabatas sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maaari nang umutang ng hanggang P20,000 ang mga kwalipikadong SSS member sa ilalim ng emergency loan na may 7 porsiyentong interes. Dismayado si San Fernando dahil sariling kontribusyon ng mga miyembro ang uutangin ngunit papatawan pa rin ng interes. “Niloloko na naman tayong mga manggagawa. Sabi ng…

Read More