KINUMPIRMA ni Region 8 Public Information Office chief, Police Lt. Col. Analiza Catilago-Armeza na sinibak sa pwesto ang 16 pulis mula sa Dolores, Eastern Samar Police Station. Sa isinagawang phone interview ng mga reporter sa Camp Crame, 16 na pulis ang sinibak kabilang ang kanilang hepe, na may ranggong Police Captain, matapos na mag-inuman sa loob ng presinto noong Disyembre 15. Ayon kay Armeza, Christmas Party ng mga pulis noong Disyembre 15 at nagkaroon ng inuman habang naka-duty at napag-alaman na naroon din mismo ang kanilang hepe. Sa ngayon, nasa…
Read MoreCategory: BALITA
5 TULAK ARESTADO SA P.4-M SHABU SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) at street level individuals (SLIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Hawak ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Amo”, “Sherry”, kapwa nasa listahan ng HVIs; alyas “Joel”, “Nervin” at “Carla”, pawang nasa listahan ng SLIs. Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial…
Read MoreWALANG SAPLOT NA BANGKAY NG DALAGITA NATAGPUAN SA CREEK SA BATANGAS
BATANGAS – Bumungad sa isang ama ang pinakamasakit na tanawin sa kanyang buhay nang matagpuan ang bangkay ng kanyang dalagitang anak sa isang creek sa Barangay Maugat, sa Tanauan City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Tanauan City Police Station, bandang alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ng ama ang walang buhay at walang saplot na katawan ng biktima matapos ang magdamag na paghahanap, nang hindi makauwi ang anak mula noong Martes ng gabi, Disyembre 16. Agad namang ini-report ng tiyahin ng biktima ang insidente sa pulisya bandang…
Read MoreIMBAKAN NG MGA ARMAS NADISKUBRE NG PNP AT AFP SA CAMARINES NORTE
CAMARINES NORTE β Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang matataas na kalibre ng baril sa isinagawang intelligence driven operation sa Brgy. Exciban, sa bayan ng Labo sa lalawigan. Nakuha sa lugar ang 15 units ng M16A1 rifle, 1 unit ng M14 rifle, 2 pirasong M653, 1 unit ng shotgun, at 3 piraso ng improvised explosive devices. Ayon kay PNP Acting Chief, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kasabay ng paghahanda ng mga kasong kriminal laban…
Read MoreDAGDAG NA MGA ISTASYON PLANO NG PCG CENTRAL VISAYAS
PLANO ng Philippine Coast Guard sa Central Visayas (PCG-7) na magtatag ng karagdagang mga istasyon sa baybayin sa buong lalawigan upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa panahon ng mga emerhensiya. Nakipagpulong si Commander Rear Admiral Agapito Bibat, direktor ng PCG-7, kay Gov. Pamela Baricuatro noong Miyerkoles, Disyembre 17, sa isinagawang courtesy visit. Kabilang sa mga tinalakay nila ang mga plano ng ahensya sa pagpapalawak ng presensya nito sa lalawigan ng Cebu, partikular ang pagtatayo ng mga sub-station sa lahat ng mga munisipalidad sa baybayin, lalo na sa mga islang…
Read MoreBAG NG PILOT STUDENT NILIMAS SA PITX; MUKHA NG SUSPEK NAHAGIP SA CCTV
PUSPUSAN na ang pagtugis ng pulisya sa kawatan na nagnakaw ng bag ng isang 22-anyos na pilot student sa loob ng isang restaurant sa ParaΓ±aque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa ParaΓ±aque City. Batay sa ulat na inilabas Huwebes ng umaga ng tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, malinaw na nakunan ng CCTV ang mukha ng suspek na tumangay sa bag ng biktimang kinilalang si alyas “Mhicko.” Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente noong Lunes bandang alas-2:16 ng hapon habang kumakain ang biktima sa isang restaurant sa…
Read MoreLalo ngayong holiday season KAHALAGAHAN NG LIFESAVING SKILLS IPINAALALA NG MGA DOKTOR
IPINAALALA ng grupo ng mga doktor ang kahalagahan ng kaalaman sa basic lifesaving skills lalo na sa mga emerhensiya na maaaring mangyari sa loob ng tahanan ngayong Kapaskuhan. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Dr. James Cayetano ng Bell-Kenz Pharma, na 8 sa 10 indibidwal ang namamatay sa loob ng bahay dahil hindi agad nalalapatan ng paunang lunas o first aid tulad ng CPR, sa mga biktima ng stroke. Ayon kay Dr. Cayetano, kadalasang pagkain ang sanhi ng mga karamdaman na nauuwi sa stroke. Ngayong holiday season na…
Read MorePAGLOBO NG PONDO NG AYUDA AT UA PINALAGAN SA KAMARA
PINALAGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang umano’y pinalobong pondo sa ayuda at Unprogrammed Appropriations (UA) sa Bicameral Conference Committee, sa kabila ng kawalan pa rin ng napapanagot na umano’y mastermind sa mahigit β±1 trilyong korapsyon sa flood control projects. Batay sa resulta ng bicameral deliberations, itinakda sa β±63.9 bilyon ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa susunod na taon, matapos dagdagan ng β±37 bilyon ng mga miyembro ng bicam committee. Mariing kinondena ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang hakbang, iginiit na…
Read MorePAHAYAG NI REMULLA PINALAGAN NG ABOGADO NI ATONG ANG
BINATIKOS ng abogado ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang naging pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng umano’y nalalapit na pag-aresto sa kanyang kliyente sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, ang mga pahayag ni Remulla ay “walang-ingat” at “iresponsable” at maituturing umanong isang publicity stunt. Binigyang-diin ng abogado na delikado ang ganitong mga pahayag, lalo na’t nagmumula ito sa isang Cabinet member at itinuturing na alter ego ng Pangulo, dahil maaari umanong ilagay sa panganib ang buhay ni Ang. Partikular na tinutulan ni…
Read More