Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga β Nasa kabuuang 870 bagong talagang pulis ang pormal na nanumpa sa Philippine National Police (PNP) sa isinagawang Panunumpa sa Tungkulin sa PRO3 Post Grandstand, Camp Captain Julian Olivas nitong Miyerkoles ng umaga ng Disyembre 17. Sa mahigit 3,000 aplikante na naghahangad na magsuot ng uniporme ng PNP, 870 lamang ang nakapasa sa mahigpit na proseso ng recruitment, na kinabibilangan ng masusing screening, medical at psychological evaluations, at background validation. Ang mga matagumpay na aplikante ay nakapuno ng 550 attrition quota slots at…
Read MoreCategory: BALITA
MMDA: 24-ORAS NA EDSA REHAB KASADO NA SA CHRISTMAS EVE
GAGAWING 24-oras ang rehabilitasyon sa kahabaan ng EDSA, ayon sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, sisimulan ang Phase 1 ng rehabilitasyon sa bisperas ng Pasko, Disyembre 24. Inanunsyo ito ng MMDA sa isang press briefing na isinagawa kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Sinabi ni Artes na tuluy-tuloy ang pagkukumpuni at 24 oras ang trabaho, na magsisimula ganap na alas-11:00 ng gabi ng Disyembre 24 at tatagal hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Enero 5, 2026. Binigyang-diin ni…
Read MoreSC: KASO NI SARAH DISCAYA, DPWH ENGINEERS NILIPAT SA LAPU-LAPU CITY
KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nailipat na sa Regional Trial Court (RTC) ng Lungsod ng Lapu-Lapu ang dalawang kasong kriminal laban kay contractor Sarah Discaya at sa ilang inhinyero ng DPWH. Ayon kay Atty. Camille Sue Mae Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema mula Davao Occidental, ang paglilipat ng kaso ay alinsunod sa guidelines na nagsasaad na ang mga kasong may kaugnayan sa katiwalian sa proyekto ng gobyerno ay dapat ihain sa pinakamalapit na anti-graft court ng judicial region, na itinatakda ng presiding o executive judge. Ani Justice Spokesperson Atty. Polo…
Read MoreQC REP. PM VARGAS ‘DI PA SAFE SA DISCAYA PROJECT?
SA kabila ng patuloy na pagtanggi ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” Vargas na may proyekto sa kanyang distrito ang mga kumpanyang iniuugnay sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, naglabas ng mga dokumento ang isang dating konsehal na pinasisinungalingan ang pahayag ng mambabatas.. Ayon kay former Quezon City Councilor Allan Butch Francisco, hawak niya ang mga opisyal na dokumento mula mismo sa Department of Public Works and HighwaysβNational Capital Region, Quezon City First District Engineering Office (DPWH-NCR-QC1DEO) na nagpapakita ng isang proyekto sa QC District 5. Kabilang…
Read MoreAraw-araw may ‘carmageddon’ LCSP SA MOTORISTA: MAGBAON NG PASENSYA
QUEZON CITY β Nagpaalala ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mga motorista na asahan ang mas matinding pagsisikip ng trapiko ngayong kaliwa’t kanan na ang Christmas parties at dagsa ang pamimili ng mga tao. Kasabay nito, nanawagan ang LCSP sa mga taxi at TNVS driver na kung maaari ay huwag tumanggi sa mga pasahero at iwasan ang pagkansela ng bookings, dahil malinaw umanong franchise violations ang mga ito. Aminado ang LCSP na nauunawaan nila ang kalagayan ng mga driver na nais kumita nang mas malaki para sa…
Read MoreDATING DPWH OFFICIAL NAGSOLI NG P40-M KICKBACK SA DOJ
ISA pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsoli sa Department of Justice (DOJ) ng bahagi ng umano’y kickback na nagkakahalaga ng P40 milyon kaugnay ng flood control scam. Ipinrisinta ni Acting Justice Secretary Frederick Vida sa media ang nasabing halaga na isinauli ni dating DPWHβNational Capital Region Regional Director Gerard Opulencia bilang bahagi ng restitution process at ng memorandum of agreement para sa kanyang provisional admission sa Witness Protection Program (WPP). Ayon kay Vida, bahagi pa lamang ang P40 milyon sa kabuuang P150 milyong…
Read MoreNATIONAL SECURITY THREAT SA KASO NI JOSEPH SY, HINDI NAPATUNAYAN SA SENATE PROBE
WALANG napatunayang banta sa pambansang seguridad kaugnay ng kaso ng mining executive na si Joseph Sy, sa pagdinig ng Senate Justice and Human Rights Subcommittee. Ito ay makaraang kumpirmahin ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na ang isyu laban kay Sy ay may kinalaman sa mga usaping legal at citizenship, at hindi sa seguridad ng bansa. Sa pagdinig na ginanap noong Lunes, Disyembre 15, sinabi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na nagsagawa sila ng imbestigasyon at monitoring sa kaso ni Sy. Gayunman, wala umanong natuklasang…
Read MoreP748-M BUDGET NG NAVOTAS HINDI INSERTION – TIANGCO
NILINAW ni Navotas Rep. Toby Tiangco na hindi resulta ng anomang budget insertion ang mahigit P700 milyong halaga ng mga proyektong nakalaan sa kanyang distrito sa susunod na taon, kundi ibinalik lamang ang pondong nauna umanong ibinawas. “I could not have made any insertion because I am not even a member of the Committee on Appropriations,” paliwanag ni Tiangco matapos kuwestiyunin ang karagdagang P748 milyon na inilaan sa Navotas City. Ayon sa mambabatas, nakasaad sa 2026 National Expenditure Program (NEP) na P1.410 bilyon ang panukalang pondo para sa Navotas City.…
Read MoreMPD PRESS CORPS NAGSAGAWA NG CHRISTMAS GIFT-GIVING
NAGSAGAWA ng Christmas gift-giving activity ang MPD Press Corps katuwang ang Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni District Director PBGen. Arnold Abad. Halos 200 ang benepisyaryo na pawang street dwellers, homeless individuals at street sweepers na nasa paligid ng lungsod ng Maynila. Ilan sa mga ipinamahagi o laman ng Christmas gift packs ay 3 kilong bigas, canned goods, noodles at mga bundle ng snacks. Isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng simpleng tulong ang mga taong nasa lansangan ngayong kapaskuhan. Ayon sa pahayag ng MPD Press Corps, ang…
Read More