Dahil sa kabiguan ng barangay captain na magbayad: MGA RESIDENTE NG TUMANA NAWALAN NG WATER SUPPLY

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos putulin ng Manila Water ang kanilang suplay noong Huwebes dahil sa kabiguang magbayad ng mga kasalukuyan at nakaraang mga kapitan ng barangay sa mga natitirang bayarin. Ang mga residente ng Tumana ay tumatanggap ng kanilang suplay ng tubig sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan sa pagitan ng barangay at ng Manila Water Company, Inc., na tinatawag na “Patubig sa Tumana.” Sa ilalim nito, nagbabayad ang mga residente ng kanilang mga water…

Read More

Pero tahimik sa ethics complaint laban kay Sen. Chiz? SEN. JV EJERCITO NAKADALO SA BIR HEARING

HABANG naka-confine sa ospital dahil sa isang hindi isiniwalat na karamdaman, dumalo sa pamamagitan ng virtual si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y iregularidad sa Letters of Authority (LOAs) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Huwebes, Disyembre 11, 2025. Sa naturang pagdinig, inilatag ni Ejercito ang mga detalye ng umano’y modus sa paglalabas ng LOAs at pinalobong tax assessments sa BIR, batay sa mga reklamong natanggap ng kanyang tanggapan ilang araw bago ang pagdinig. Kasabay nito, muling ibinato ng isang abogado ang…

Read More

CASHLESS QR PAYMENT INILUNSAD SA PITX

PINANGUNAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), katuwang ang Department of Transportation (DoTr), ang paglulunsad ng cashless QR payment sa ParaΓ±aque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng modernisasyon ng pampublikong transportasyon. Ayon sa BSP, ang paggamit ng scan-to-pay o QR-based system sa Edsa busway ay optional at hindi sapilitan para sa mga commuter. Layunin ng bagong sistema na magbigay ng mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagbabayad, lalo na sa mga pasaherong mas komportable sa modernong transaksyon. Nilinaw ng DoTr na mananatili ang tradisyonal na paraan ng pagbabayad…

Read More

QUAD COMM PINABUBUHAY PARA BUSISIIN EXPOSE NI MADRIAGA

IGINIIT ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na buhayin ang Quad Committee upang imbestigahan ang mga rebelasyon ni Ramil Lagunoy Madriaga laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa grupo, naisumite na sa Office of the Ombudsman ang sworn affidavit ni Madriaga na naglalaman ng mga alegasyon hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad ng Pangalawang Pangulo na may kaugnayan sa confidential funds, Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at sindikato ng ilegal na droga. “Mahalaga ang rebelasyon ni Madriaga dahil nabanggit niya ang mga sumusunod: Oplan Double Barrel support…

Read More

VILLAR PANAGUTIN PA RIN SA PALPAK NA PRIMEWATER

HINDI umano dapat absuweltuhin ang pamilyang Villar sa mga pananagutan nito sa mga consumer ng PrimeWater kahit pa ibinenta na nila ang kumpanya sa gitna ng mga reklamo hinggil sa mataas na singil at palpak na serbisyo. Ito ang iginiit ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos mabatid na ibinenta ng mga Villar ang PrimeWater sa grupo ng business tycoon na si Lucio Co, habang patuloy ang imbestigasyon ng Senado laban sa naturang water utility firm. “The Villars cannot simply wash their hands clean by selling PrimeWater. They…

Read More

2 bansa na lang bibisitahin BIYAHE NI POLONG INIURONG SA ENERO

NAUDLOT ang planong biyahe ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte matapos hingan ng karagdagang detalye ng House of Representatives sa 17 bansa na balak niyang bisitahin sa loob ng dalawang buwan. Ayon kay Atty. Jose Marmoi F. Salonga, executive director ng Office of the Secretary General, natanggap ng Kamara ang sulat ni Duterte para humingi ng pahintulot bumiyahe mula December 15, 2025 hanggang Pebrero 20, 2026. “In line with this, the House sent a letter to Representative Duterte requesting additional details and a revised submission to facilitate proper evaluation,…

Read More

PALASYO SA ULAT NA ISIS TRAINING HOTSPOT ANG PH: MISLEADING

KINONTRA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtawag sa Pilipinas bilang isang “ISIS training hotspot” kasunod ng ulat na ang mga suspek sa pamamaril sa Bondi Beach sa Australia ay bumisita umano sa bansa. Sa isang press briefing sa MalacaΓ±ang, hiningan ng reaksyon si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro hinggil sa naturang ulat. Ayon kay Castro, mahigpit na tinatanggihan ng Pangulo ang umano’y sweeping statement at maling paglalarawan sa Pilipinas bilang sentro ng pagsasanay ng ISIS. “Of course, the President strongly rejects this sweeping…

Read More

NSC AT AFP PINAKAKALMA ISYU SA BONDI BEACH SHOOTING

PINAKAKALMA ng National Security Council (NSC) at maging ng pamunuan ang Armed Forces of the Philippines ang pangamba sa seguridad matapos kumpirmahin na nanatili sa Pilipinas nang halos isang buwan ang mag-amang gunmen na nasa likod ng mass shooting sa Bondi Beach sa Sydney, bago lumipad patungong Australia. “The Philippines strongly rejects the sweeping and misleading insinuations that the 2 gunmen who went on a killing spree in Bondi Beach earlier this week had traveled to the Philippines to train with groups linked to the Islamic State of Iraq and…

Read More

P49-M NA JACKPOT SA LOTTO 6/42 NASOLO NG RIZALEΓ‘O

INSTANT milyonaryo ang isang residente ng Rizal matapos mahulaan ang winning combination ng Lotto 6/42. Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng maswerteng mananaya ang kumbinasyon na 15-19-24-41-42-04, na nagkakahalaga ng P48,195,100.40. Nabili ang tiket sa isang outlet sa Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal. Nasa 81 indibidwal naman ang makakatanggap ng tig-P24,000 matapos makakuha ng limang tamang numero. Ang Lotto 6/42 ay nagkakaroon ng draw tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. (TOTO NABAJA) 200

Read More