KAWING NG 2 BONDI SHOOTERS SA TERROR GROUPS SA PINAS INAALAM PA NG AFP

HINDI pa batid ng Armed Forces of the Philippine kung may kawing sa local extremist group sa Pilipinas ang mag-amang nagsagawa ng shooting spree sa Bondi Beach sa Australia na kumitil ng labinglimang katao sa isang Jewish events. Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP, nakarating sa kanilang kaalaman ang lumabas na media report hinggil sa biyahe umano ng foreign individuals sa Pilipinas at sa posibleng link sa terrorist groups. Ang mag-amang shooter na kinilalang si Sajid Akram, 50-anyos, at anak nitong si Naveed Akram, 24-taong gulang, ay…

Read More

BUCANA BRIDGE, PASSABLE NA! MOTORISTA PUWEDE MULA 6 A.M. HANGGANG 5 P.M.

MAY initial agreement na maaaring magamit ng mga motorista ang 1.3-km Bucana Bridge araw-araw mula 6 a.m. hanggang 5 p.m., ayon sa MalacaΓ±ang. “At ang sinasabi po dito, ang initial agreement ay maaari pong buksan, passable ang two lanes at maaari pong magamit sa umaga – 6 a.m. hanggang 5pm,” pahayag ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Ang pahayag ni Castro ay tugon sa pagpuna ni Acting Davao City Mayor Sebastian Duterte sa napaulat na “premature” opening ng Davao City Coastal Road Segment B nitong Lunes. Ayon…

Read More

SEC. GIBO UMALMA SA PAMBOBOMBA NG CHINA SA MGA MANGINGISDANG PINOY

PINALAGAN ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Martes ang “mapanganib” at “di-makataong” kilos ng China laban sa mga Pilipinong mangingisdang naghahanapbuhay malapit sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay Teodoro, nasira ang ilang bangkang pangisda bunsod ng water cannon at pagputol ng anchor lines, habang tatlong mangingisda ang nasugatan at nangangailangan ng lunas. “Mahigpit na kinokondena ng Department of National Defense ang mapanganib at di-makataong aksyon ng Chinese maritime forces… Ang paggamit ng water cannon, agresibong manobra, at pagputol ng anchor lines na nagdulot ng pinsala sa…

Read More

P.3-M CASH TINANGAY SA FOOD SHOP

CAVITE – Halos kalahating milyong pisong cash ang natangay ng dalawang kalalakihan na nanloob ng isang tindahan ng karne sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang suspek na pumasok sa Sustamina Food Shop sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite bandang alas-4:50 ng madaling araw. Ayon sa ulat, pinasok ang dalawang suspek ang nasabing tindahan ng karne sa pamamagitan ng pagputol sa shutter ng roll-up door saka binasag ang salaming bintana nito. Nang nakapasok, tinangay ng mga suspek ang laman ng…

Read More

Anti-Hospital Detention Law pinaaamyendahan ‘PAG-DETAIN’ SA PASYENTE, BANGKAY TULOY SA ILANG OSPITAL

PINAAAMYENDAHAN ng isang grupo ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang batas na nagbabawal sa mga ospital na magdetine ng pasyente o mga labi dahil, sa kabila ng umiiral na batas, patuloy pa rin umano ang ilegal na gawain ng ilang pagamutan lalo na ang mga pribado. Sa House Bill (HB) 6832 na inakda ng mga kongresista ng Akbayan party-list, layong amyendahan ang Republic Act (RA) 9439 o Anti-Hospital Detention Law upang pabigatin ang parusa sa mga hospital officials na ayaw palabasin ang pasyente o ibigay ang labi…

Read More

P17.8 BILYON ‘PORK’ NG SENADO IBINUKO

IBINUKING ng Makabayan bloc sa Kamara ang halos P18 bilyong pork barrel umano ng mga senador sa 2026 national budget na inilaan sa local government units (LGUs). Sa isang pahayag kahapon, kinondena ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang hakbang ng Senado na umano’y nagbawas sa benepisyo ng government employees upang pondohan ang tinawag niyang “LGU pork” ng mga senador. Ayon kay Tinio, nakasaad sa National Expenditure Program (NEP) na P111.5 bilyon ang panukalang pondo para sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) ng mga kawani ng gobyerno, ngunit binawasan…

Read More

MARCOS: HOUSING DAPAT MALAPIT SA TRABAHO AT SERBISYO

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na iprayoridad ang paghahatid ng de-kalidad na housing projects na matatagpuan malapit sa workplace, transport terminals, at mahahalagang serbisyong pampamahalaan. Sa press briefing sa MalacaΓ±ang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagpulong sina Pangulong Marcos at DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, kasama ang iba pang opisyal ng ahensiya, nitong Lunes ng umaga upang repasuhin ang mga nagawa ng departamento at ang mga nagpapatuloy na pipeline programs.…

Read More

ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL IDUDULOG SA SC

NAKATAKDANG dumulog sa Korte Suprema si Caloocan City Rep. Edgar Erice upang igiit na tuparin ng Kongreso ang konstitusyonal na mandato na magpasa ng anti-political dynasty law, sa kabila ng pagsasama nito sa apat na reform bills na inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iprayoridad. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Erice na bagama’t muling nabuhay ang pag-asa sa panukala matapos itong isama ng Pangulo sa priority bills, hindi pa rin aniya sapat ito upang matiyak ang pagpapatupad ng probisyon ng Saligang Batas. “Para sa akin, ito ang…

Read More

HERBOSA ‘KASABWAT’ SA PHILHEALTH FUND TRANSFER

NANAWAGAN ng pagbibitiw ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang ilang manggagawa sa sektor ng kalusugan sa kanilang inilunsad na kilos-protesta kahapon sa harap ng tanggapan ng DOH sa Tayuman, Maynila. Ayon sa mga nagprotesta, may pananagutan si Herbosa sa paglipat ng halos β‚±90 bilyong pondo ng PhilHealth patungo sa National Treasuryβ€”isang hakbang na idineklarang ilegal ng Korte Suprema. Binatikos din nila ang umano’y kabiguan ng kalihim na tutukan ang kalagayan ng mga super health center at tiyaking hindi nagiging pulitikal ang paggamit ng pondo para sa serbisyong…

Read More