WALANG balak ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na suspindihin ang kanilang operasyon sa kabila ng idineklarang unilateral yuletide ceasefire ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ayon sa DND at AFP, tuloy-tuloy ang mandato ng militar at mananatili ang kanilang close coordination sa Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang mapayapa at maayos na holiday season. “The CPP statement should be taken as it is β a sad propaganda stunt of a terrorist organization,” ani DND Spokesperson Assistant Secretary Arsenio R. Andolong.…
Read MoreCategory: BALITA
RISA, ROMUALDEZ SUPPORTERS TUMITINDI ATAKE KAY TOBY TIANGCO SA SOCIAL MEDIA
PINAIGTING ng mga tagasuporta ni Senador Risa Hontiveros at Leyte Rep. Martin Romualdez ang pag-atake laban kay Navotas Rep. Toby Tiangco, sa pagsasabing wala siyang moral na posisyon para magsalita laban sa korapsyon at binansagan pa bilang traydor. Sa isang post sa social media, hinamon ni Jam Magno, isang kilalang tagasuporta ni Rep. Romualdez at endorser ng Tingog Partylist, si Tiangco na patunayan ang kanyang mga pahayag at ipinagtanggol ang rekord ng mga inisyatibang sinuportahan ni Romualdez. Kinuwestiyon din niya kung may maipapakitang kaparehong programa ang Navotas, sa pagsasabing nananatiling…
Read MoreFPJ LEGACY, PATULOY NA IPINAPAALALA NG MGA ORIHINAL NA TAGASUPORTA
MULING nagsama-sama ang mga orihinal na tagasuporta ni Fernando Poe Jr. (FPJ) upang ipagdiwang ang kanyang buhay at alaalaβpatunay na kahit 21 taon na ang nakalipas mula sa kanyang pagpanaw, nananatiling buhay ang pagmamahal at paninindigan ng mga taong unang naniwala at tumindig sa kanya. Pinangunahan ni Raymond “Manolo” Mercedes, matagal nang tagasuporta ni FPJ, ang pagtitipon ng mga dating miyembro ng FPJPM. Sa ilalim ng Bagong Umaga Movement, patuloy nilang isinasabuhay ang diwa ng serbisyo at paninindigan na itinanim ni FPJ. Dumalo rin sina Rez Cortez at Don Remo,…
Read MorePAGTATATAG NG NATIONAL GUARD IKINASA NG ARMY
PINASIMULAN na ng Philippine Army 2nd Infantry Division (2ID) ang pagtatatag ng National Guard, na itinuturing na hudyat ng pagwawakas ng CAFGU era, kasunod ng ginanap na Donning of Ranks and Patch Ceremony sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal. Ayon sa 2ID, ang hakbang ay tanda ng isang makasaysayang pagbabago sa auxiliary force ng dibisyon, matapos opisyal na ilunsad ng Army 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang kanilang National Guard. Sa ilalim ng kapangyarihan ng 2ID, maaari umanong i-redesignate ang mga personnel hanggang company-sized units, kabilang ang mga dating kabilang…
Read MoreDOT NAKIPAGTULUNGAN PARA SA FLIGHT INCENTIVES SA CEBU
NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism sa Cebu Pacific at Hotel, Resort, and Restaurant Association of Cebu Inc., (HRRACI) upang mag-alok ng flight incentives at accommodations promos upang makaakit ng mas maraming bisita sa Cebu matapos ang mga nagdaang kalamidad. Ang pagtutulungan ay isinapormal noong Biyernes sa pamamagitan ng memorandum of understanding na nilagdaan sa paglulunsad ng “Visit Cebu” campaign. Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, ang inisyatibo ay layon na makatulong na ma-revive ang tourism activities at suportahan ang local businesses at mga manggagawa. Sa ilalim ng kasunduan, ang foreign…
Read MoreTumitinding bangayan ‘SCRIPT’ NI TINIO BINIRA NI POLONG
UMIINIT ang bangayan nina Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio matapos resbakan ng una ang militanteng mambabatas na kumuwestiyon sa kanyang pag-iikot sa 17 bansa. “Tinio, ano ba talaga ang ipinaglalaban mo? Kasi sa nakikita ng tao, hindi prinsipyo ang hawak mo kundi script na iniabot sa’yo,” pahayag ni Duterte, kung saan inakusahan niya si Tinio ng pagbubulag-bulagan umano sa mga katiwalian ng administrasyong Marcos habang mariing binabatikos ang pamilyang Duterte. Tinanong din ni Duterte kung si Tinio umano ang nakaatas na manguna…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS NG BRENTMIN ROOFING PINAIIMBESTIGAHAN
LUMITAW ang isa na namang kumpanya na nakakopo umano ng maraming proyekto sa flood control projects sa bansa. Inaasahang mapapabilang sa mga bubusisiin ng Senado sa pagpapatuloy na imbestigasyon ang mga nakuhang proyekto ng Brentmin Roofing Enterprise. Batay sa datos mula 2022 hanggang 2024, nakakuha ang Brentmin Roofing ng 22 proyekto na umabot sa halagang P1.1 bilyon, bukod sa mga naunang proyekto nito mula pa noong 2021 pababa. Bukod sa flood control, sinasabing nakapasa rin ito sa ibang government projects tulad ng farm-to-market roads. Ayon pa sa ulat, hindi naiulat…
Read MoreKasunod ng pananakit sa Pinoy fishers NAVY PINARERESBAK NA SA WPS
NANAWAGAN si Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na panahon na para aktibong umeksena ang Philippine Navy (PN) sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng umano’y pag-atake ng China Coast Guard (CCG) sa mga Pilipinong mangingisda sa Escoda Shoal. Ayon kay De Lima, hindi na lamang Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatarget ng China kundi maging ang mga sibilyang mangingisda sa loob mismo ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. “China is now after our civilian fisherfolk. This is all happening within our own EEZ. It is high…
Read MoreANTI-DYNASTY, ANTI-BALIMBING PAPASPASAN SA KAMARA
HINDI lamang ang panukalang anti-political dynasty ang isasailalim sa marathon hearings ng House committee on suffrage and electoral reform kundi pati na rin ang panukalang batas laban sa mga tinaguriang “political butterflies” o mga politikong balimbing. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng komite, magsasagawa sila ng lingguhang pagdinig simula Enero upang mapabilis ang pagtalakay sa mga panukalang batas na nakabinbin sa kanilang tanggapan. “Ang gagawin natin, by January, ang nais ng aking committee ay magkaroon ng weekly committee hearing para mapadali itong lahat na nairefer…
Read More