DRIVING SCHOOL SA CAVITE, NILOOBAN

CAVITE – Tinatayang P77,000 halaga ng cash at gadgets ang tinangay ng isang lalaki na nanloob sa isang driving school sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Ang pinasok ng ‘di nakilalang lalaki ay ang Team Aces Driving School sa Timalan, Concepcion, Naic, Cavite. Base sa pinanood na footage sa CCTV, tinatayang bandang alas-4:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang nasabing driving school sa pamamagitan ng pagtanggal sa window type air-conditioning unit at nang makapasok ay tinangay ang dalawang unit ng Acer laptop (P50K)…

Read More

RETIRED POLICE NILIKIDA SA SABUNGAN

SAMAR – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 57-anyos na retiradong pulis matapos pagbabarilin ng lone gunman sa loob ng sabungan sa Barangay San Policarpio, Calbayog City sa lalawigan. Ayon sa PNP-Police Regional Office 8, nanonood ng sabong ang biktimang si “Noynoy”, residente ng Barangay Monbon, Sta. Margarita, Samar, sa isang cockpit arena sa loob ng Ipao Sports Complex dakong alas-8 ng gabi nang dikitan ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril. Mabilis namang nakatakas ang suspek na namataang nakasuot ng gray na long sleeve at itim na short…

Read More

3 DRUG PERSONALITIES NADAKMA NG PDEA

ZAMBOANGA DEL SUR – Tatlong drug personalities kabilang ang isang medical health worker, ang dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 (PDEA RO9) sa Barangay Cogon sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, naaktuhan ng mga tauhan ng Regional Special Enforcement Team (RSET) ang nasabing medical worker at dalawang iba pa sa sinalakay na drug den sa Vincenzo Sagun. Kinilala ang mga nadakip sa mga alyas na “Bai,” 28; “John”, 19,…

Read More

TOBACCO-FREE PUSH: ANIM NA PELIKULA NG KABATAAN TAMPOK SA TOBACCOFF NOW! FILM FESTIVAL

ANIM na pelikulang likha ng kabataan ang tampok sa TobaccOFF NOW! Film Festival na ginanap ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Sabado, Disyembre 13. Dumalo sa kaganapan ang mga guro, health officials, policymaker, media representatives, at youth advocates upang talakayin ang lumalalang epekto ng paggamit ng tabako at vape sa mga mag-aaral sa bansa. Inorganisa ng Amber Studios katuwang ang MMDA, MMFF, at ilang advocacy groups, nagsilbing plataporma ang festival para itaguyod ang adbokasiya sa pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng kabataan. Bahagi ito ng mas malawak na pambansang kampanya…

Read More

ERWIN TULFO, NAALARMA SA P17-B BUDGET HIKE PARA SA FARM-TO-MARKET ROADS NA INAPRUBAHAN SA BICAM

NAGPAHAYAG si Senador Erwin Tulfo ng pag-aalinlangan sa P33 bilyong pondo para sa Farm-to-Market Roads (FMR) sa 2026 o P17 bilyong dagdag mula sa orihinal na mungkahi sa National Expenditure Program (NEP) dahil sa kawalan ng katiyakan na maayos itong maipatutupad. “Mayroon din akong pag-aalinlangan dito dahil P33 bilyon ito. Napakalaking halaga nito. Bagaman alam kong kailangan ito ng ating mga magsasaka, ang problema ay baka isipin ng publiko na inalis natin ang mga flood control projects, pero pinalitan naman namin ng farm-to-market roads,” pahayag ni Tulfo sa unang araw…

Read More

1,627 NAKAPASA SA PNPA ADMISSION TEST

UMABOT sa 1,627 police applicant lamang ang nabigyan ng pagkakataon para sa humigit kumulang na 350 slots para maging kadete ng Philippine National Police Academy, ang pamosong law enforcement institution sa Pilipinas, matapos na makalusot sa initial qualifying exam. Nabatid na 7.68 percent lamang o 1,627 ng kabuuang 21,179 examinees para sa cadetship ng PNPA, ang nakapasa sa katatapos na Philippine Police Academy Cadet Admission Test (PNPA-CAT). Ginanap ang PNPA-CAT noong Nobyembre 8 hanggang 9 sa 27 testing centers sa buong bansa at makalipas ang isang buwan ay inilabas na…

Read More

PNP SA PAMUMUNO NI NARTATEZ: DISIPLINA, AKSYON AT KONGKRETONG RESULTA

MULING pinatunayan ng liderato ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaroon ng disiplina, koordinasyon at kongkretong resulta ng trabaho ng kapulisan sa isa na namang matagumpay na operasyong isinagawa noong Disyembre 13, 2025, bandang ala-1:00 ng hapon, sa C6 Aura Duterte Street sa Barangay Napindan, Taguig City kung saan nadakip ang limang high value targets. Kinilala ang mga suspek na sina John Walter Bernaldo Carlos, Danny San Jose OrdoΓ±ez, Joniel Coricor Almeda, Alvin Zabala Escovidal, at Elmer Rabanes. Pinangunahan ang operasyon ng PNP Drug Enforcement…

Read More

VILLAR FOUNDATION AWARDS: 18 COMMUNITY ENTERPRISES, KINILALA SA PAGTULONG SA KABUHAYAN

PINANGUNAHAN ni dating Senador Cynthia Villar ang pagkilala sa mga natatanging community-based organizations sa Villar Foundation Awards on Poverty Alleviation, na ginanap noong Disyembre 12 sa The Tent, Las PiΓ±as City. Mula sa 120 nominado, 30 ang na-validate na mga entry, at 18 community enterprises ang itinanghal bilang natatanging awardee, na tumanggap ng tropeo at tig-β‚±250,000 bawat isa. Dalawa ring Special Awardee ang kinilala, na tumanggap ng tig-β‚±150,000 at sertipiko ng pagkilala. Ayon sa Villar Foundation, layon ng taunang parangal na itaguyod ang pagpapababa ng kahirapan, pangangalaga sa kapaligiran, at…

Read More

Para ma-institutionalize ang proseso sa national budget: PAGLIKHA NG G-HIVE ITINULAK NI REP. BENITEZ

INIHAIN ni Negros Occidental 3rd District Representative Javier Miguel Benitez ang House Bill No. 6761 na layong ma-institutionalize ang bukas at may pananagutang proseso ng pambansang budget sa pamamagitan ng paglikha ng “Government Hub for Information and Verified Expenditures (G-HIVE). Ipag-uutos ng panukala ang konsolidasyon ng lahat ng mga dokumento ng pambansang budget, kabilang ang pagpaplano, pagsasabatas, pagsasagawa, pagbili at pag-audit ng mga rekord sa isang solo, secure, at bukas sa publiko na digital portal, pati na ang pagtugon sa mga puwang sa publikasyon, accessibility, at traceability ng mga impormasyon…

Read More