CHICKEN RESTO NILOOBAN NG DATING SEKYU

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang dating security guard na ‘person of interest’ sa panloloob sa isang kilalang chicken restaurant sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Adrian”, dating security guard ng chicken restaurant sa Molino Boulevard, Barangay Mambog 4, Bacoor City, Cavite. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang nasabing restaurant sa pamamagitan ng pagsira sa roll-up window malapit sa generator saka itinulak nito ang glass door papasok sa loob. Nang nakapasok, tinangay nito ang ilang gadgets at generator set…

Read More

Mas matindi sa kalamidad CORRUPTION BANTA SA DEMOKRASYA

MAS malala umano ang eskandalong bumabalot sa flood control projects kaysa mismong mga kalamidad at ang patuloy na banta ng political dynasties sa demokrasya. Ito ang mariing pahayag ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos sabihin ng MalacaΓ±ang na walang public calamity o emergency na pwedeng gamiting basehan para sertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang reform bills. “Hindi ba emergency itong biggest corruption scandal sa kasaysayan? At hindi rin ba emergency na ang pagkasira at patuloy na banta sa ating demokrasya dahil sa political…

Read More

Polong bumanat muli sa BBM admin TOTOONG REPORMA HINDI PAPOGI SA PULITIKA

KINUTYA ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang apat na reporma, kabilang ang anti-political dynasty bills, na ipinaprayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso. Aniya, tila bigla lamang naisip ng Pangulo ang mga ito upang maibsan ang pressure na kinahaharap ng administrasyon. “Alam mo, every time na mainit ang usapan tungkol sa mga isyu na mas mabigat para sa administrasyon, naa-amaze na lang ako sa administrasyon na ‘to,” ayon sa social media post ng mambabatas. Bukod sa anti-political dynasty bill, inutusan ni Marcos ang dalawang kapulungan na unahin…

Read More

CHINESE NATIONAL TIMBOG SA ILLEGAL ACTIVITIES

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 50-anyos na Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, dahil sa paglabag sa Immigration Law at umano’y pagkakasangkot sa ilegal na mga aktibidad. Kinilala ng BI ang dayuhan na si Shi Chaoqun, inaresto ng mga operatiba ng BI Intelligence Division noong Disyembre 5. Nabisto ang naturang indibidwal matapos niyang tangkaing umalis ng bansa. Ayon sa BI, ang impormasyon mula sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform (CAFAR) sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, ang…

Read More

P200-M AYUDA SA VULNERABLE SECTORS SINIMULAN NANG IPAMAHAGI NG MANILA LGU

SINIMULAN na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng P243.4 milyon na tulong pinansyal para sa PWDs, solo parents, at DSWD-listed senior citizens. Ito’y matapos mabayaran at makumpleto ng Manila LGU ang mga obligasyon at pagkakautang matapos ang nagdaang administrasyon. Ang PWDs na nakatatanggap ng P500 kada buwan ay makukukuha na ang July-August 2025 na tulong, nasa halos P56 milyon ang inilaan dito. Ang solo parents naman na nakatatanggap din ng P500 kada buwan ay makukuha na nang buo ang kanilang financial assistance para sa buwan ng July-August 2025,…

Read More

IMBESTIGASYON SA BELL-KENZ DOCTORS ITINULOY NG PRC

DAHIL sa umano’y hindi marangal at hindi propesyonal na gawain, itinuloy ng Professional Regulation Commission (PRC) Board of Medicine ang pormal na imbestigasyon sa kasong administratibo laban sa Bell-Kenz Pharma Inc. officials na sina Dr. Luis Raymond Go at Dr. Viannely Berwyn Flores. Pinuri ni human rights advocate at abogado Lorenzo “Erin” TaΓ±ada III ang desisyon ng Board matapos nitong ibasura ang 12-pahinang mosyon ni Dr. Flores para idismiss ang kaso, gayundin ang mga kaluwagang hiningi ni Dr. Go sa kanyang omnibus motion. Iniutos din ng PRC Board na magsumite…

Read More

Pero bawal ang isnabero ngayong Kapaskuhan LCSP: PUV DRIVERS PWEDENG TUMANGGING MAGSAKAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TIWALA ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pamumuno ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza na mababalanse ng ahensya ang pangangailangan ng mga pasahero at ang hanapbuhay ng mga drayber. Pahayag ito ng grupo sa gitna ng pinaigting na kampanya laban sa mga taxi at iba pang PUV driver na tumatangging magsakay lalo ngayong Kapaskuhan, kasabay ng implementasyon ng Oplan Isnabero. Ayon kay LCSP president Atty. Ariel Inton, may mga sitwasyon kung saan maaaring tumanggi ang tsuperβ€”pero dapat itong nasa tamang dahilan. “Sa taxi…

Read More

DY, MARCOS DINAGDAGAN ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL SA KAMARA

DINAGDAGAN nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos ang listahan ng panukalang batas na kabilang sa apat na reporma na iprayoridad sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pamamagitan ng paghahain ng isang panukalang magbabawal sa political dynasty. Noong Miyerkoles, inihain nina Dy at Marcos ang House Bill (HB) 6771 o “Anti-Political Dynasty Act,” na katulad ng mga naunang panukalang inihain ng Makabayan bloc at Liberal Party bloc. Inilabas ang panukala ilang araw matapos utusan ng Pangulo ang Kongreso na unahin ang…

Read More

DOJ: KASONG NON-BAILABLE VS ATONG ANG KASADO

NAGHAHANDA na ang Department of Justice (DOJ) para isampa ang mabibigat na kaso laban kay Charlie “Atong” Ang at ilang pulis na sangkot sa serye ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero. Sa press briefing, inihayag ni State Prosecutor Anthony Fadullon na final na nilang inaayos ang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban kay Ang at higit 20 iba pa, matapos ang inilabas na resolusyon na nagrerekomendang iakyat ang mga kaso sa korte. Target ng DOJ na sampahan ang mga kaso sa mga korte ng Batangas, Laguna, at…

Read More