SUSUNDIN ng Grab Philippines ang utos ng gobyerno na pansamantalang bawasan ng 50 percent ang surge pricing sa Transport Network Vehicle Service (TNVS), pero nagbabala ang kumpanya na maaari itong makaapekto sa kita ng mga driver at sa availability ng biyahe sa gitna ng dagsa ng pasahero ngayong holiday season. “Grab has always been a partner of the government, and we share its commitment to easing the daily burdens of our kababayan. It is in this spirit that we respect and accept the recent DOTrβLTFRB decision to temporarily reduce surge…
Read MoreCategory: BALITA
DOJ HANDANG HARANGIN APELA NI ROQUE SA PASSPORT CANCELLATION
TILA dumaraan sa butas ng karayom si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque matapos tiyakin ng Department of Justice (DOJ) na haharangin nila ang apela nito kaugnay ng pagkansela ng kanyang pasaporte. Inihain ni Roque sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang kanyang motion for reconsideration na kumukuwestiyon sa legalidad ng kanselasyon ng kanyang passport, na ginagamit umano niya sa pagbiyahe sa ibang bansa. Kaugnay ito sa kontrobersiyang nag-uugnay sa kanya sa POGO hub sa Porac, Pampanga matapos mapasama ang kanyang pangalan sa imbestigasyon sa human trafficking. Ayon kay…
Read MoreCONDO NI ZALDY CO SA TAGUIG, HINALUGHOG NG NBI
MATAGUMPAY ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos isilbi ang search warrant sa condo ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa Taguig City nitong Huwebes. Pinangunahan ng NBIβOrganized and Transnational Crime Division ang pagsasagawa ng search kung saan nakakuha ang mga ahente ng mga dokumentong itinuturing na posibleng mahalagang ebidensya. Inilabas ang mga dokumento mula sa tatlong vault na binuksan ng mga operatiba. Nakatakda nang isauli ang warrant sa korte na nag-isyu nito para sa kaukulang legal na aksyon. Tumanggi munang ilahad ni NBI spokesperson Atty.…
Read MoreNBI HUMINGI NG INTERPOL RED NOTICE VS ZALDY CO
HINILING na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Interpol na isama sa red notice list si dating Congressman Zaldy Co. Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, idinaan ang request sa Philippine Transnational Crime Office. Kapag naaprubahan, agad ipapadala ang notice sa lahat ng miyembrong bansa upang ipaalam na may umiiral na warrant of arrest laban kay Co. Ang Interpol red notice ay isang global alert na ginagamit ng law enforcement agencies para matunton at maaresto ang indibidwal na nasa ibang bansa at sangkot sa mga kasong kriminal. Si Co…
Read MoreRELEASED: PONDO PARA SA 896 BARANGAY NG MAYNILA, APRUB SA CITY COUNCIL
NAILABAS na ang pondo para sa 896 barangay sa Maynila matapos aprubahan ng 13th City Council ang isang resolusyong nagtatakda ng alokasyon para sa kanilang operasyon at mga programa. Pinangunahan ang sesyon ni Vice Mayor at Presiding Officer Chi Atienza. Ayon sa konseho, layon ng hakbang na matugunan ang mga naipong obligasyon sa barangay level at masigurong may sapat na pondo para sa pangunahing serbisyo. Sa aprubadong alokasyon, 85% ang inilaan para sa operations at capital outlay, 10% para sa Sangguniang Kabataan, at 5% para sa disaster risk reduction. Sinabi…
Read MorePAGLILIPAT NG NCSC SA DSWD, PINALAGAN NG SENIOR CITIZEN PARTY-LIST
TINUTULAN ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pagkakalipat ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa Department of Social Welfare and Development mula sa Office of the President (OP). Sa kanyang privilege speech, nagpahayag ng pagdududa ai Ordanes na mapagtutuunan ng pansin ng DSWD ang mandato ng NCSC. Sinabi ng mambabatas na masyado nang maraming programa ang DSWD na may kaugnayan sa pagbibigay ayuda at tulong. Inihalimbawa niya ang Ayuda para sa Kapos sa Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Pantawid Pamilyang Pilipino Program…
Read MoreGOITIA: GAWANG PINOY NA COBRA SYSTEM, HUDYAT NG BAGONG YUGTO SA PAMBANSANG DEPENSA
“HINDI nasusukat ang lakas ng bansa sa mga inaangkat nito, kundi sa mga kaya nitong likhain para sa sarili.” Ito ang mariing pahayag ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia matapos i-turn over ng Department of Science and Technology (DOST) sa Department of National Defense (DND) ang gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament o COBRA automated weapon systemβisang “milestone” na aniya’y nagpapatibay sa direksiyon ng bansa tungo sa sariling kakayahan sa depensa. Ayon kay Goitia, malinaw na ipinapakita ng COBRA na kaya ng Pilipinas na lumikha ng makabagong teknolohiya…
Read MoreDOH OFFICIAL INARESTO SA ‘MAIP FOR SALE’
LUMUTANG ang panibagong alegasyon ng korupsyon sa Department of Health (DOH) matapos maaresto ang isang opisyal na itinalaga umano ni Health Secretary Teodoro Herbosa kaugnay ng umano’y pagbebenta ng guarantee letter o Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP). Kinilala ang suspek na si Ronillo A. Bernal, Supervising Health Program Officer ng DOH sa ilalim ng Public-Private Partnership Program Office at Malasakit Program Office. Base sa mga inilabas na mugshot, nasampahan si Bernal ng kasong estafa sa ilalim ng Article 315 paragraph 2(A) ng Revised Penal Code. Nadiskubre rin na dati…
Read More2 TULAK ARESTADO SA MAHIGIT P1-M SHABU
CAVITE – Mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang big time tulak na kapwa nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa DasmariΓ±as City noong Miyerkoles ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (26) at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na sina alyas “Arturo” at “Boss”, kapwa HVI. Ayon sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Ilang-ilang…
Read More