HEALTH SECRETARY HERBOSA, KINASTIGO SA HINDI UPDATED NA CASE RATES NG PHILHEALTH

NAGING mainit ang interpelasyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa panukalang budget ng Department of Health. Ito ay nang kastiguhin ni Cayetano si Health Secretary Ted Herbosa dahil sa anya’y hindi updated at hindi makatwirang case rates ng Philhealth. Sa deliberasyon, pinuna ng senador ang palaging anunsyo ng DOH kaugnay sa zero balance billing subalit hindi naman totoo dahil may mga binabayaran pa rin ang mga pasyente. Idinagdag pa ni Cayetano na pitong taon nang hindi updated ang case rates ng Philhealth o ang sinasaklaw na bayarin ng…

Read More

ZALDY CO PURO INGAY, WALANG EBIDENSYA – GOITIA

NAGLABAS muli si dating kongresista Zaldy Co ng panibagong video kung saan idinadawit niya si First Lady Liza Araneta Marcos, pati na rin ang kapatid nito, sa umano’y rice at onion cartel. Sa bagong video, pinalawak pa niya ang akusasyon at isinama na rin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos. Pero tulad ng dati, wala siyang ipinakitang ebidensya, at agad na itinuturo ng mga opisyal ang mga butas sa kanyang kuwento. Tinawag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na “total baloney” at…

Read More

FL LIZA, MARTIN ARANETA DAWIT SA BOC ANOMALY – CO

MATAPOS isiwalat ang umano’y katiwalian sa mga flood control project na kinasasangkutan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., idinawit na rin ni dating Congressman Zaldy Co si First Lady Liza Araneta Marcos at kapatid nito na si Martin Araneta. Sa ikaanim na video message kahapon, sinabi ni Co na sangkot ang Unang Ginang sa katiwalian sa Bureau of Customs (BOC) at sa mga operasyon sa importasyon ng sibuyas, asukal at bigas, na aniya’y dahilan kaya hindi bumababa ang presyo ng mga ito sa lokal na pamilihan. Ayon kay Co, kinausap…

Read More

‘RESET PLOT’ ITINANGGI NG AFP

“WALANG puwang sa Republika ang anomang extra-constitutional shortcut,” pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos banatan ang umano’y planong “reset” o pagtatatag ng civil-military junta para patalsikin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara Duterte. “Hindi po ito parang video game na pwede nating i-restart,” diin ng pamunuan ng AFP. Tiniyak naman ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na hindi kailanman sasawsaw ang kasundaluhan sa ano mang destabilization plot. “I would go back to that premise na wala pong restart plot within the Armed Forces of…

Read More

ICI: PLUNDER VS 8 CONGRESSMEN

IREREKOMENDA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder, anti-graft, bribery at conflict of interest laban sa walong kongresistang umano’y may-ari ng construction companies na may proyekto sa DPWH. Ang mga ito, ayon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay sina: dating rep. Zaldy Co, Rep. Edwin Gardiola, para sa Newington Builders, Rep. James Ang Jr., Rep. Journey Jett Nisay, Rep. Augustina Pancho, Rep. Joseph Lara, Rep. Francisco Matugas at Rep. Noel Rivera. Ayon…

Read More

WORLD CLASS WASTE-TO-ENERGY PLANT ITATAYO SA NEW CLARK CITY

NAKATUON ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kasama ang Filipino-Indian consortium, sa pagsusulong ng pagtatayo ng kauna-unahang large-scale waste-to-energy (WTE) plant sa bansa—isang world-class, state-of-the-art na pasilidad na magpapabago sa basura tungo sa malinis na enerhiya para sa libu-libong sambahayan, at lilikha ng trabaho para sa mga Pilipino sa buong rehiyon ng Central Luzon. Kamakailan, ang BCDA at ang consortium ng ATD Waste to Energy Corp. Global Heavy Equipment and Construction Corp., at ang Uttamenergy Ltd. na nakabase sa India, ay nagpormal ng kanilang kontrata sa pag-upa para sa…

Read More

LALAKI PATAY SA RIDER, 1 PA SUGATAN

CAVITE – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa na tinamaan ng ligaw na bala, makaraang pagbabarilin ng isang motorcycle rider sa Dasmariñas City noong Martes ng umaga. Isinugod sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si alyas “Jervy” ng Tester Avenue, Brgy. Salawag, Dasmariñas City subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa katawan, habang sa De La Salle Medical Center dinala ang biktimang si alyas “Pepito”, 41, ng Brgy. Jose Abad Santos Ave., Salawag, Dasmariñas City, dahil sa tama ng ligaw na bala.…

Read More

Sa ika-20 anibersaryo PNPA KAISANG-BISIG CLASS OF 2009 NAGHATID NG PAG-ASA SA CEBU

SA paggunita ng kanilang ika-20 anibersaryo at year-end gathering, pinili ng PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009, Inc. na ituon ang pagdiriwang sa serbisyong panlipunan. Sa halip na magdaos ng malaking selebrasyon, inilaan ng grupo ang araw para maghatid ng saya at pag-asa sa mga batang may cancer at kanilang pamilya sa Everlasting Hope Childhood Cancer Mission sa Guadalupe, Cebu City noong Nobyembre 20, 2025. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga munting handog, pagsasagawa ng mga laro, at pakikisalamuha sa mga bata, nagbigay sila ng aliw at inspirasyon sa mga batang…

Read More

ENGR. TAMAYO NG DPWH REGION 4B INARESTO PAGLAPAG SA NAIA

KAAGAD inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang OIC ng Planning and Design Division ng DPWH Region 4B na si Engr. Montrexis Tamayo matapos itong dumating sa bansa. Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, nasakote si Tamayo sa NAIA Terminal 3 paglapag ng sinasakyang Emirates Airlines Flight UEA332 mula Dubai nitong Martes. Agad siyang dinala sa CIDG office sa Camp Crame para sumailalim sa booking procedure at dokumentasyon, bago iharap sa korte. Miyerkoles ng umaga, dinala si Tamayo sa Sandiganbayan para sa pagsauli…

Read More