WALANG nakitang pagkakamali o paglabag ang Political and Finance Department (PFAD) ng Commission on Elections sa campaign donation kay Senator Chiz Escudero para sa nagdaang halalan. Sa inilabas na resolusyon ng Comelec, sinabi ng PFAD na magkaiba ang legal entity ni Lawrence Lubiano, ang presidente ng Centerways Construction and Development, sa isang korporasyon. Ayon pa sa PFAD, walang ebidensya na nagpapatunay na ang kontribusyong P30 milyon na ibinigay ni Lubiano noong 2022, ay nagmula sa Centerways. Sa depensa ni Lubiano, ang nasabing donasyon na ibinigay niya ay galing sa sarili…
Read MoreCategory: BALITA
SOLON: MAILAP PA RIN HUSTISYA SA MGA BIKTIMA NG WAR ON DRUGS
MAILAP pa rin ang hustisya sa mga biktima ng war on drugs ng nakaraang administrasyon dahil walo pa lamang sa mga pulis na nagpatupad ng madugong “Oplan Tokhang” ang nasentensyahan at nakakulong. Ito ang isa sa nilalaman ng privilege speech ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña kaugnay sa libu-libong napatay sa war on drugs kabilang na ang mga paslit na sina Myka Upina, 3 taong gulang, Danica Mae Garcia, 5-anyos at isang taong gulang na si Skyler Abatayo. “Kasama ng mga batang ito ang tatlong daang libong taong naaresto at…
Read MoreDOJ KAY ZALDY CO, 15 PA SA FLOOD MESS: SUMUKO NA KAYO
NANAWAGAN kahapon ang Department of Justice (DOJ) kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co at 15 pang akusado na sumuko na kaugnay ng flood control anomaly sa Oriental Mindoro. Inilabas ng DOJ ang panawagan sa pamamagitan ng isang briefing sa loob ng kagawaran, kasabay ng pagdistansiya nito sa anumang usapin tungkol sa kinaroroonan ng dating kongresista at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon sa DOJ, pansamantala silang hindi nagbibigay ng detalyadong impormasyon upang hindi maapektuhan ang operasyon ng intelligence network na nagsasagawa ng pagtunton…
Read MoreSEN. CAMILLE VILLAR PINANGUNAHAN PAGDEPENSA SA 2026 DOST BUDGET
PINANGUNAHAN ni Senator Camille Villar, ang pinakabatang miyembro ng 20th Congress, ang pagdepensa sa proposed 2026 budget ng Department of Science and Technology (DOST) sa Senado kamakailan. Inirekomenda ang dagdag na pondo na ₱1.3 bilyon upang higit pang mapalakas ang mga pangunahing programa ng ahensya, na binigyang-diin ang kritikal na papel ng agham at teknolohiya sa pagbuo ng isang future-ready na Pilipinas. “Isa ang DOST sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng inklusibong pag-unlad dahil ito ang sumusuporta sa food at health security, nagpapalakas ng ating disaster resilience, at nagpapataas ng competitiveness…
Read MoreMAY INSERTIONS DIN SI SANDRO – ZALDY CO
HINDI lang umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang may insertions sa pambansang pondo mula 2023 kundi maging ang anak niyang si House Majority Leader Sandro Marcos, na halos P50.9 bilyon ang inilagay sa budget sa loob ng tatlong taon. Ito ang pinakabagong pasabog ni dating Congressman Zaldy Co sa ika-lima niyang video message kaugnay ng sinasabing anomalya sa flood control projects na nagmula sa mga budget insertions. Ayon kay Co, ito ang umano’y detalyadong halaga ng insertions ni Sandro Marcos: P9.63B – 2023; P20.17B – 2024; P21.127B –…
Read MoreDILG: BIG FISH SA FLOOD BUDGET SCAM SUSUNOD NA; WALANG VIP JAIL
TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) na susunod nang hihimas ng rehas ang mga ‘big fish’ sa multi-billion peso flood control scandal at wala umanong ‘La Catedral’ o VIP treatment sa bagong detention facilities ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). “Big fish are coming soon. Expect the Discayas, senators, congressman in the next five weeks sunod-sunod na sila. Walang La Catedral dito, i-treat sila kagaya ng karamihan,” babala ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla. Ayon sa kalihim, tatlo pang akusado sa Oriental Mindoro…
Read MoreP7-B PROPERTIES NG FLOOD CONTROL SCAM SUSPECTS ISINAILALIM SA FREEZE ORDER
UMAABOT sa P7 bilyon na halaga ng web of accounts ng mga personalidad na isinasangkot sa anomalya sa mga flood control project ang isinailalim sa freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Kinumpirma ito ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian sa tanong ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa deliberasyon ng budget ng AMLC. Ayon kay Gatchalian, umaasa ang AMLC na makakarekober pa sila ng hanggang tatlong beses sa halaga ng na-freeze na. Ikinatuwa naman ni Lacson na nasimulan na ng AMLC ang pag-freeze ng web of…
Read More32% PINOY LUMALA KALIDAD NG PAMUMUHAY
TINATAYANG 30% ng mga Filipino adult ang nagsabing mas mabuti ang kalidad ng kanilang buhay noong nakaraang taon, habang 32% naman ang nagsabing ito ay lumala. Sa third quarter survey report ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Lunes, sinabi ng ahensya na 38% ang nagsabing nanatiling pareho ang kalidad ng kanilang buhay. Ayon sa SWS, ang Net Gainers score — ang diperensya sa porsyento ng “Gainers” at “Losers” — ay nasa -2, na kinlasipika bilang “fair” (0 to -9). “This is 14 points below the high +12 in…
Read MorePara hindi maantala – Comelec BAGONG REDISTRICTING LAW DAPAT IPASA PARA SA BARMM ELECTION
INIHAYAG ng Commission on Elections na mahirap maisagawa ang unang parliamentary elections sa BARMM sa Marso 31, 2026 kung walang bagong ‘redistricting law’ na maipapasa bago matapos ang Nobyembre. Hinihintay ng komisyon ang batas para masunod ang timeline ng halalan ngunit nilinaw ni Comelec Chairman George Garcia na ang pahayag ay hindi para i-pressure ang Bangsamoro Parliament kundi para bigyang-diin na kailangan ng komisyon ang batas upang masunod ang kanilang timeline. Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay nagpasa ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 noong Agosto, na muling nagbahagi…
Read More