BUNSOD ng sunod-sunod na kalamidad at mga disaster dulot ng mga nagdaang bagyo at serye ng malalakas na paglindol, nagpasya ang Office of Civil Defense na bumalangkas ng mga hakbangin para mapalakas ang pagtugon ng bansa sa mga sakuna. Isang command conference ang ginanap ng Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Administrator Undersecretary Harold Cabreros, para talakayin ang pagpapalakas ng pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna sa bansa. Sa nasabing conference, nagbigay si Cabreros ng seven-point resilience agenda kung saan kabilang dito ang pagrerebyu sa operational activities na…
Read MoreCategory: BALITA
39 KATAO DINAMBA NG PNP-ACG SA ONLINE SCAM HUB
INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group ang 39 na indibidwal na sangkot sa pagpapatakbo ng online scam hub. Kabilang sa mga inaresto ang isang Taiwanese national at walong Chinese national. Matagumpay ang isinagawang operasyon ng ACG katuwang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation at Securities and Exchange Commission sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data sa online scam hub sa Malate, Maynila. Ayon sa ACG, idinaraan sa romance at investment fraud ang isinasagawang panloloko sa mga biktima. Upang makapang-akit ang mga…
Read MoreNAPOLCOM MAY DESISYON NA SA MISSING SABUNGEROS CASE
INIHAYAG kahapon ng National Police Commission (Napolcom) na handa na ang kanilang desisyon hinggil sa administrative complaint na isinampa laban sa 12 police officers na idinadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Commissioner Rafael Calinisan, may draft na sila ng kanilang resolusyon at ang Department of Justice (DOJ). “Happy ako doon kasi inaantay ko talaga ‘yun eh. Nasa mesa na namin ‘yung draft, pero hindi pa namin inuupuan para i-deliberate at ilabas kasi precisely inaantay namin ‘yung DOJ resolution,” ani Calinisan sa…
Read MoreThe Philippine Coffee Board holds its first Coffee Sustainability Congress, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Chair of the Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, serves as keynote speaker at the 1st Philippine Coffee Sustainability Congress held in Makati City. The event gathers leaders from the public and private sectors, growers, and advocates to discuss sustainability, traceability, and innovation toward securing the future of Philippine coffee. 183
Read MoreCOMELEC HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA ICI
HANDANG makipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa isyu ng mga kandidato na tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor ng flood control projects ng pamahalaan. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, handa nilang ibigay ang lahat ng hawak nilang ebidensya na makatutulong para mapanagot ang mga kontratista at kandidatong tumanggap ng campaign donations mula sa government contractors. Ayon kay Garcia, sakaling makapagbigay na ng kumpirmasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpapatunay na mga kontratista ng gobyerno ang tumulong…
Read MoreSa government projects DPWH, PCC AT AMLC LUMAGDA PARA SA TRANSPARENCY
PALALAKASIN pa ng ilang ahensya ang transparency, integridad at accountability sa mga proyekto ng gobyerno, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kasunod ito ng pagpasok sa kasunduan ang DPWH, Philippine Competition Commission (PCC), at Anti-Money Laundering Council (AMLC). Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa DPWH Central Main Office sa Port Area, Maynila sa pagitan nina DPWH Secretary Vivencio B. Dizon, Undersecretary Ricardo P. Bernabe III, PCC Chairperson Michael G. Aguinaldo, at AMLC Executive Director Atty. Matthew M. David. Ayon sa DPWH, ito ang kauna-unahang kasunduan…
Read More2 PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS SA BOHOL
BOHOL – Dalawa ang namatay kabilang provincial most wanted person, matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng law enforcement operation sa Upper Candait, Barangay Dampas, Tagbilaran City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon kay Bohol Police Provincial Office spokesperson, Police Lt. Col. Norman Nuez, nagsagawa ng pagpapatupad ang mga awtoridad ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong murder at frustrated murder. Subalit bago pa tuluyang maisilbi ang hawak nilang warrant of arrest ay pinili umanong huwag magpahuli nang buhay ng akusadong si alyas “Ondoy”, 40-anyos,…
Read MoreDPWH MAKIKIPAG-UGNAYAN NA SA LGUs SA BULACAN PROJECTS
LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ng consultative meeting sa pagitan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bulacan kung saan nangako ang huli na makikipag-ugnayan na sa LGU sa mga proyekto na ipatutupad sa kanilang nasasakupan. “Lahat ng koordinasyon na kailangan ng district papunta sa LGU ay gagawin na po natin. Rest assured na ang mga proyekto po na for 2026 ay ipi-present na po namin para sa information ng lahat.…
Read MoreRep. Ordanes, nanawagan ng exemption sa buwis para sa mga senior citizen na nagtatrabaho
Nanawagan si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes na mabigyan ng tax relief ang milyun-milyong senior citizen na Pilipino na patuloy pa ring bahagi ng workforce. Inihain ni Rep. Ordanes ang House Bill No. 2563 o ang “Income Tax Exemption for Senior Citizens Act” na naglalayong magbigay ng exemption sa income tax para sa mga Pilipinong edad 60 pataas na kumikita ng P800,000 pababa kada taon. Saklaw ng panukalang batas ang mga senior citizen na nagtatrabaho pa rin sa full-time, part-time, kontraktwal, o consultancy roles. Kasama rin sa exemption…
Read More