GOOD news para sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP). Magkakaroon na ng access sa online medical consultation ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Muntinlupa City, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor). Ayon sa BuCor, inilunsad ang teleconsultation program noong Setyembre 30 sa pangunguna ng HIV/AIDS Core Team ng NBP Hospital katuwang ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Muntinlupa City Health Office (CHO). Layunin ng programa na mapalakas ang access ng mga preso sa de-kalidad na serbisyong medikal sa pamamagitan ng digital consultations o telemedicine.…
Read MoreCategory: BALITA
Katapatan ng PNP para sa bayan at mamamayan GOITIA SUPORTADO LIDERATO NI NARTATEZ
IPINAHAYAG ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang buong suporta sa liderato ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasabay ng papuri sa matatag na paninindigan ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng mga espekulasyong layong paghiwa-hiwalayin ang hanay at kwestyunin ang kanilang katapatan. Ayon kay Goitia, pinatunayan ni Nartatez na buo, disiplinado, at tapat ang kapulisan nang tanggihan nito ang panawagang “loyalty check.” “Ang tunay na katapatan ay hindi sinasabi sa salita kundi ipinapakita sa gawa,” ani Goitia. “Ipinakita ni General Nartatez at ng…
Read MoreICI MEMBER PINAG-IISIPANG MAG-RESIGN?
ISINIWALAT ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na pinag-iisipan na umano ng isang miyembro ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na mag-resign na lamang sa kawalan ng mga ito ng sapat na kapangyarihan sa pag-iimbestiga sa flood control projects. Sa kanyang privilege speech kahapon, iginiit ni Erice na kailangang maipasa ang House Bill (HB) 4453 na layong magtatag ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) upang mabigyan ng mas malakas na kapangyarihan ang ICI bago iwanan ng mga miyembro nito ang kanilang trabaho. “I spoke to a member of the…
Read MoreMGB NAGBABALA LABAN SA SINKHOLES KASUNOD NG CEBU QUAKE
NAGLABAS ng subsidence threat advisory ang Mines and Geosciences Bureau sa Central Visayas (MGB-7) matapos madiskubre ang paglitaw ng mga sinkhole at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng northern Cebu kasunod ng 6.9-magnitude na lindol noong Setyembre 30, 2025. Batay sa ulat ng San Remigio municipal government, umabot na sa 32 sinkholes ang natagpuan sa kanilang bayan, at posibleng madagdagan pa ang bilang habang nagpapatuloy ang pagsusuri. Ayon sa MGB-7, ang land subsidence o pagbaba ng lupa ay mabilis na nagaganap kapag bumagsak ang ilalim na bahagi ng lupa…
Read MoreHouse employees iwas mapagdiskitahan DY AMINADONG GALIT PUBLIKO SA KAMARA
INAMIN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na bumaba ang tiwala ng taumbayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod ng mga anomalya sa flood control projects, dahilan para ilang empleyado ng Kamara ay magpalit o hindi magsuot ng uniporme sa takot na pagdiskitahan ng publiko. Sa kanyang unang talumpati bilang Speaker sa flag ceremony kahapon sa Batasan Pambansa, umapela si Dy sa mga opisyal at empleyado ng Kamara na magtulungan para maibalik ang tiwala ng mamamayan. “May nabalitaan nga po ako na may mga kasamahan tayong kailangang magpalit o…
Read MorePAGPAPALUTANG NG MULING KUDETA SA SENADO ‘PSYWAR TACTIC’ – PING
WALANG katotohanan ang sinasabing panibagong kudeta sa liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Ito ang binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa gitna ng muling ugong ng napipinto umanong pagpapalit ng liderato ng Senado. Sinabi ni Lacson na maituturing itong lumang rehashed psywar tactic na naglalayong lituhin ang publiko at bumuo ng intriga sa mga miyembro ng majority bloc sa Senado. Binigyang-diin pa ng senador na wala rin itong kinalaman sa kanyang desisyon na mag-resign bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Tiniyak naman ni Lacson na…
Read MoreSNAP ELECTIONS NI CAYETANO TABLADO
IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III ay walang konstitusyunal at legal na basehan ang panawagan para sa snap elections. Kasunod ito ng panawagan ni Senator Alan Peter Cayetano na magbitiw ang lahat ng mga nakaupong opisyal ng gobyerno mula sa Kongreso hanggang sa Malakanyang para mabigyang daan ang pagdaraos ng snap elections. Ang tanong ni Sotto, kung ano ang sasabihin ng mga bagong halal na malinis ang mga record sa panunungkulan sa gobyerno dahil damay sila sa marumi o sa mga sangkot sa katiwalian. Samantala, iginiit ni Senate…
Read MoreAppointment sa OMB hinarang ng Maisug IMPEACHMENT NI VP SARA TARGET NI REMULLA
KINALAMPAG kahapon ang Korte Suprema ng grupong Maisug upang tutulan ang posibleng pagtatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang susunod na Ombudsman. Binigyang-diin ni Parkba Pangaliwan, lider ng grupo, hindi dapat mapwesto sa Ombudsman si Remulla dahil siya ay tuta o bata ng kasalukuyang administrasyon. Nakahihiya aniya ang isang politiko o isang malapit sa Pangulo na maging Ombudsman para lang magnakaw sa kaban ng bayan. Sinabi pa ni Pangaliwan na ang layunin ng pagtatalaga kay Remulla sa Ombudsman ay para lamang ma-impeach si Vice President Sara Duterte at maprotektahan…
Read MoreBANGKAY NA TADTAD NG TAGA IBINALANDRA SA KALSADA
CAVITE – Naka-hospital arrest ang dalawang lalaki dahil sa pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang patay at tadtad ng taga sa Ternate-Nasugbu Road sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Robin”, 53, may asawa, ng Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite. Iniimbestigahan naman ang mga suspek na kapwa nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, na sina alyas “Rico”, 21 at “Geram”, 40, kapwa residente ng Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, kinompronta ng mga suspek…
Read More