IPINAGMALAKI ni Philippine National Police (PNP) acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na walang naitalang major crimes sa lalawigan ng Cebu matapos yanigin ng magnitude 6.9 earthquake na kumitil ng 72 katao. Ayon kay Gen. Nartatez sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes, nakapagtala sila ng zero focused crimes sa lalawigan ng Cebu mula Oktubre 1 hanggang 5. Itinuturing ng pulisya bilang “focus crimes” ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping. “In fact, one commendable thing is nandoon na rin…
Read MoreCategory: BALITA
SAN SIMON MAYOR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN
BINABAAN na ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Simbulan Punsalan Jr. dahil sa kasong administratibo, Grave Misconduct, Serious Dishonesty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service mula sa reklamo na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) at RealSteel Corporation. Base sa Ombudsman’s Order, na may petsang September 15, 2025 na pirmado ni Acting Ombudsman Dante F. Vargas, nakitaan ng malakas na ebidensya ang kabilang panig laban kay Mayor Punsalan kaya ibinaba agad ang kautusan na suspension without…
Read MoreABANDONED, FORFEITED ITEMS NG BOC ITINULONG SA QUAKE VICTIMS
NAGHATID na rin ng tulong ang Bureau of Customs para sa mga biktima ng pagyanig sa Cebu kamakailan. Ayon sa BOC, ginamit nilang pantulong ang abandoned at forfeited items na nasa kanilang pag-iingat. Sa pangunguna ng Manila International Container Port, itinurn-over ng BOC sa Office of Civil Defense ang nakumpiskang mga kargamento na idineklarang abandoned at forfeited pabor sa pamahalaan. Kabilang dito ang mahigit 100 sako ng bigas, 56 Rapid Emergency Tents at higit 1,000 tents para pansamantalang tirahan, 50 mobile power supply units para sa kuryente, at isang bio-toilet…
Read MoreSnap elections walang saysay sa bulok na sistema: HUSTISYA AT REPORMA IGINIIT NG LCSP
TINUTULAN ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang panawagang “resign all” at pagsasagawa ng snap elections kung mananatili ang bulok na sistema ng halalan sa bansa. Ayon sa grupo sa pamamagitan ng presidente nitong si Atty. Ariel Inton, walang patutunguhan ang ganitong panawagan kung hindi muna ipatutupad ang malawakang electoral reforms. “Kung magbitiw ang lahat, sino ang pansamantalang mamumuno? At kung sa ilalim ng kasalukuyang sistema gaganapin ang halalan, baka mga tiwali pa rin ang manalo dahil sa vote buying,” ani Inton. Giit ng grupo, habang patuloy na…
Read MorePRESYO NG LANGIS MULING TATAAS NGAYON
KASADO na ang panibagong taas-presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes. Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may dagdag na P0.80 kada litro sa diesel at P0.20 kada litro sa gasolina. May P0.20 rin na umento sa presyo ng kerosene. Epektibo ang price adjustment ng karamihan sa mga oil company pagsapit ng alas-6:00 ng umaga ngayong Martes. Ito na ang ikapitong sunod na linggo ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo. Kabilang sa mga unang nag-anunsyo ng paggalaw sa presyo ang Seaoil, Shell Pilipinas, Cleanfuel, at Petro Gazz. Ayon…
Read MorePCUP, NYC SANIB-PWERSA PARA SA KABATAANG MARALITA
NASA larawan (Mula kaliwa pakanan) sina PCUP Commissioner Atty. Emmanuel E. Gison, PCUP Commissioner Atty. Bret Monsanto, PCUP Chairperson & CEO, Usec. Michelle Anne B. Gonzales, NYC Chairman & CEO, Usec. Joseph Francisco Ortega, NYC Commissioner-at-Large, Asec. Michelle Mae B. Gonzales, at NYC Commissioner-at-Large, Asec. Gervy James Gumarit, sa ginanap na Memorandum of Agreement ceremony sa West Avenue Suites, Quezon City. LUMAGDA sa isang makasaysayang kasunduan ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at National Youth Commission (NYC) noong Miyerkoles, 1 Oktubre 2025, sa West Avenue Suites, Quezon City.…
Read MoreHIGH-END SUBD. SA QC DIST. 5 MAY FLOOD CONTROL PROJECT
SA gitna ng umiinit na isyu ng ghost projects at umano’y iregularidad sa flood control programs, ibinunyag ni dating Quezon City Councilor Allan “Butch” Francisco ng District 5 ang tungkol sa dalawang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may kabuuang halaga na mahigit P81 milyon, na umano’y itinayo sa loob ng isang high-end subdivision sa Quezon City. Ayon kay Francisco, ang tinutukoy na mga proyekto ay: Rehabilitation of Flood Control Structure sa Brittany Annex, Brgy. Sta. Monica na nagkakahalaga ng ₱48,999,585.20 sa ilalim ng Contract No.…
Read MoreHangga’t may unprogrammed appropriations 2026 BUDGET MAAARI PA RING MAABUSO
HINDI umano maiiwasang muling maabuso ng mga tiwali sa gobyerno ang pambansang pondo hangga’t hindi binubura ang Unprogrammed Appropriations (UA) sa national budget. Ito ang iginiit ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña matapos matiyak na mananatili pa rin ang UA sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) na inaasahang pagtitibayin ng Mababang Kapulungan ngayong linggo. Ayon kay Cendaña, tinatayang 70% ng UA ay nakalaan pa rin sa infrastructure projects, kabilang ang P97.3 bilyon para sa Support to Foreign-Assisted Projects at P80.9 bilyon para sa Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social…
Read MoreKung ayaw mag-resign ni Marcos SNAP ELECTION HIRIT NG PDP
NANAWAGAN ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa ilalim ni deputy spokesman Atty. Ferdinand Topacio na magpatawag ng snap election kung ayaw magbitiw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa isang press briefing ng Manila City Hall Reporters Association na ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Maynila, sinabi ni Topacio na, “Kung ayaw niyang mag-resign, magpa-snap election na lang siya.” Kabilang ang PDP sa mga grupong nananawagan ng “Marcos Resign” o ng pagsasagawa ng snap election. Samantala, sinopla ng Department of National Defense (DND) ang mga nag-uudyok na lumahok…
Read More