MIYEMBRO NG 20TH CONGRESS NAKUMPLETO NA

UMAKYAT na sa 318 ang miyembro ng 20th Congress matapos pumasok ang tatlong bagong kinatawan ng party-list. Kahapon ng hapon, pormal nang nanumpa sa plenaryo si Abono party-list Rep. Raymund Estrella. Inaasahan ding manunumpa sina Alfred delos Santos ng Ang Probinsyano party-list at Arthur Yap ng Murang Kuryente party-list matapos silang iproklama ng Commission on Elections (Comelec). Sila ang pumalit sa mga kinatawan ng Duterte Youth party-list na hindi pinaupo matapos bawiin ng Comelec ang kanilang rehistrasyon dahil umano sa mga paglabag sa party-list system. Dahil dito, kumpleto na ang…

Read More

LA SALLE BOTANICAL GARDENS BINUKSAN SA PAMPANGA

NASA larawan sina: (mula kaliwa pakanan) Arch. Vic Dulloog, Josemari Calleja, Anthony Fernandez, Atty. Isabel Tolosa-Datu, Br. Felipe Belleza Jr. FSC – Presidente, LSBG Inc., Rozanno Rufino, Rainerio Borja, Br. Iñigo Riola FSC – Chairman, LSBG Inc., Kirtida Mekani, Carlo Leonio – Nuevocentro Director & Leonio Land Construction President, Jennylle Tupaz – Ayala Land VP, Br. Raymundo Suplido FSC – President, DLSU Science Foundation Inc., Clarissa Teresita Leonio Asuncion – NCI Chairman, Christopher Maglanoc – Ayala Land Estates President & Nuevocentro Director, at Jorge Buenaventura. (Larawan ni ELOISA SILVERIO) PINANGUNAHAN…

Read More

PRESYO NG PETROLYO TATAAS NA NAMAN

NAKAAMBANG muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (OIMB-DoE), base sa unang apat na araw ng kalakalan: ang Diesel ay posibleng tumaas ng ₱0.50 kada litro; Kerosene – tataas ng ₱0.25 kada litro; Gasolina – bahagyang bababa ng ₱0.05 kada litro. Pero nilinaw ni Romero na ang maliit na pagbaba ng presyo ng gasolina ay maaari pang mahatak pataas depende sa ibang gastusin at posibleng dagdag-presyo rin sa susunod na…

Read More

2 KASO NG BID-RIGGING SA FC PROJECTS ISINANGGUNI SA PCC

HAHAWAKAN na ngayon ng Philippine Competition Commission ang dalawang kaso ng bid-rigging na kinasasangkutan ng flood control projects, pahayag ng Department of Public Works and Highways nitong Biyernes. Sa isang pahayag, sinabi ng DPWH na “pormal nitong isinangguni ang dalawang kaso ng bid manipulation at bid-rigging sa PCC para sa preliminary inquiry at posibleng pagsasampa ng mga kaso sa ilalim ng Section 14, Chapter III ng Philippine Competition Act.” Ang unang kaso ay laban sa Wawao Builders, IM Construction Corporation, SYMS Construction Trading, St. Timothy Construction Corporation at mga opisyal…

Read More

GUTEZA HINDI NA NAGPAKITA, ISU-SUBPOENA NG DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na pinag-aaralan nilang padalhan ng subpoena si Orly Guteza, na nagpakilalang dating security aide ni nag-resign na Cong. Zaldy Co. Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, kailangan nilang malinawan ang mga pahayag ni Guteza sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang linggo. Sa nasabing hearing, inakusahan ni Guteza sina Co at dating House Speaker Martin Romualdez na umano’y tumanggap ng kickbacks mula sa flood control projects. Dagdag pa ni Remulla, kapag nakumpirma na ang tamang address ni Guteza, agad na aatasan ang…

Read More

VP SARA TUMANGGAP NG CAMPAIGN DONATION MULA SA TOP FLOOD CONTROL PROJECT CONTRACTOR NG DAVAO – REPORT

TUMANGGAP si Vice President Sara Duterte ng campaign donation mula sa isang malaking kontratista ng flood control project sa Davao Region, ayon sa isang special report ng Rappler. Batay sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Duterte, nagbigay ang Escandor Development Corporation—na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanilang pamilya zna si Glenn Escandor—ng P19.923 milyon para sa kanyang campaign ads noong 2022 elections. Iniulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na malaki ang itinaas ng mga kontrata ng Genesis88 Construction mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH)…

Read More

MAGALONG AMINADONG MAY NASAGASAAN

(DANG SAMSON-GARCIA) KUMBINSIDO si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mayroon siyang tinamaan sa pagsusulong ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects habang nagsisilbing legal adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa panukalang Philippine National Budget Blockchain Act na isinusulong ni Senator Bam Aquino, sinabi ni Magalong na ginawa nang cottage industry o pangkabuhayan ang mga ghost at substandard na flood control projects. Tinukoy ni Magalong na sa kanyang maikling pananatili sa ICI ay natuklasan niya na may tatlong key players na talamak at…

Read More

AKUSASYON NI MARCOLETA: PCO MAY VAULT NA LAGAYAN NG PERA MULA KINA FL LIZA, BERSAMIN

MAY “malaking vault” umano sa tanggapan ng Presidential Communications Office (PCO) sa Malacañang na pinaglalagyan ng pera para sa mga bayad sa tinatawag na “keyboard warriors” na ang misyon ay siraan ang mga kritiko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ito ni SAGIP party-list Rep. Paolo Henry Marcoleta sa interpelasyon ng budget ng PCO sa plenaryo ng Kamara. “Meron ding nakapagsabi sa akin na meron kayong napakalaking vault sa PCO na lalagyan ng pera. Kung ako ba ay magpapadala ng tao dun to check for the existence…

Read More

RESO SA HOUSE ARREST NI DIGONG APRUB SA SENADO

INAPRUBAHAN ng Senado ang Senate Resolution 144 na nagpapahayag ng Sense of the Senate na humihiling sa International Criminal Court na isailalim na sa house arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte for humanitarian considerations. Sa botong 15 pabor, tatlong tumutol at dalawa ang nag-abstain, inaprubahan ang resolusyon na iniakda nina Senators Alan Peter Cayetano at Juan Miguel Migz Zubiri. Kabilang sa mga tumutol sina Senators Bam Aquino, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan habang nag-abstain sina Senate President Tito Sotto at Senador Raffy Tulfo. Wala naman sa plenaryo ng Senado nang…

Read More