ANTIPOLO CITY – Pumulupot sa gulong ang suot na kapote ng isang motorcycle driver na nagresulta sa aksidente na ikinamatay nito sa Sitio Kapatagan, Brgy. San Jose sa lungsod noong Biyernes ng umaga. Ayon sa report, kinilala ang biktimang si Jenney “Junior” Herona Jr., residente ng Baras, Rizal at nagdedeliver ng fresh chicken nang mangyari ang aksidente. Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng Suzuki Raider 110cc motorcycle ang 22-anyos na biktima bandang alas-6:05 noong Biyernes ng umaga at patungo sa Marcos Highway. Habang dumaraan sa kahabaan ng Kapatagan Road si…
Read MoreCategory: BALITA
FORMER PNP SPOKESPERSON, ITINALAGA SA MINDANAO
INILIPAT ng pamunuan ng Philippine National Police si dating PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo sa Mindanao. Base sa pinakahuling reassignment order na ipinag-utos ni PNP acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., inalis si BGen. Fajardo bilang Director ng Directorate for Comptrollership at itinalaga sa Area Police Command-Eastern Mindanao. Kasama ni Fajardo na dinala sa Area Police Command-Eastern Mindanao si Brigadier General Leon Victor Rosete. Samantala, hinirang namang kahalili ni Fajardo si Major General Westrimundo Obinque na mistah ni Nartatez. Habang ipapalit naman sa nabakanteng puwesto ni Obinque…
Read More3 NAWAWALANG MANGINGISDA NASAGIP NG PHIL. MARINES
NASAGIP nitong Linggo ng umaga ng mga tauhan ng Philippine Marines ang tatlong mangingisda na naligaw at nawala sa karagatang sakop ng West Philippine Sea. Ayon sa ulat na ipinarating sa pamunuan ng Philippine Navy Marines, bandang alas-8:30 ng umaga nailigtas ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-9 (MBLT-9), na naka-station sa isang detachment sa West Philippine Sea, ang nawawalang mga mangingisda na dalawang araw nang stranded sa dagat. Kinilala ang mga nasagip na fishermen na sina Romeo H. Carta, 50; Rojin A. Santillan, 28; at Axel C. Gonzaga,…
Read MoreRAPE SUSPECT NASILO SA TONDO
BINITBIT ng mga operatiba ng District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, kasama ang mga tauhan ng Delpan Police Station 12, ang isang suspek sa panggagahasa nang matunton sa Barangay 106, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Tyron James”, 25-anyos, binata, jobless, residente ng Balut, Tondo. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ryan Valenzuela, assistant chief ng DPIOU, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Robert Sales, District Intelligence chief, bandang alas-5:25 ng hapon nang matunton ang suspek sa nasabing lugar.…
Read MoreBUCOR CHIEF PINARANGALAN
GINAWARAN si Bureau of Corrections Director Gregorio Pio P. Catapang Jr. ng Modern Hero of Integrity and Service Award sa Asia’s Golden Icon Awards na ginanap sa Okada Manila, Pasay City. Kinilala ng board of judges, na kinabibilangan ng mga kinatawan mula PCCI, PEZA, at Kongreso, ang kanyang kontribusyon sa pagpapatupad ng reporma at integridad sa BuCor. Inialay ni Catapang ang parangal sa mga kawani ng BuCor at sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), na aniya’y nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon para sa tunay na rehabilitasyon. “This award… serves…
Read MoreKASO LABAN SA MGA OPISYAL NG PCSO PINABABASURA SA OMBUDSMAN
NANAWAGAN ang ilang kasapi ng Association of Retired RTC Judges of the Philippines Inc. (ARRJOP) at Philippine Judges Association (PJA) kay Acting Ombudsman Dante Vargas na ibasura ang administrative case na isinampa ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur laban sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang kaso ay kaugnay ng renewal ng lisensya ng STL operator sa naturang probinsya. Sa reklamo, idinawit ang dating hukom at kasalukuyang PCSO chairman Felix P. Reyes, na isa rin sa mga aplikante para sa posisyon ng susunod na…
Read MoreLOOKOUT BULLETIN VS ZALDY CO, MGA KASAMA SA 2025 BUDGET INSERTIONS – LCSP
NANAWAGAN ang Lawyers’ Committee for Social Progress (LCSP) na isama sa Immigration Lookout Bulletin ang mga kasapi ng tinaguriang small committee ng Mababang Kapulungan na responsable sa bicameral insertions sa 2025 national budget. Giit ng grupo, mismong si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang nagpatunay na ang P96-milyong Wawao Ghost Flood Control Project sa Plaridel, Bulacan ay isang Bicam insertion. Anila, isa lamang ito sa tinatayang P410 bilyong pisong kwestiyonableng alokasyon na ipinasok sa pambansang pondo. Pinunto ng LCSP na malinaw ang mandato ng Saligang…
Read More4 LANG SA 15 TINUKOY NA FLOOD CONTROL CONTRACTORS MAY MALINIS NA RECORD
LUMABAS sa pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na apat lamang sa nangungunang 15 flood-control contractors na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may malinis na record sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Batay sa Contractors Performance Evaluation System (CPES) ng DPWH, nakatanggap ng satisfactory rating ang Centerways Construction and Development Inc., Eight J’s Construction Services, Royal Crown Monarch Construction and Supplies, at Topnotch Catalyst Builders Inc. Ginagamit ang CPES upang masuri kung natatapos ang proyekto sa itinakdang panahon at alinsunod sa requirements bago ito…
Read MorePCAB LAW BAGUHIN O IBASURA NA – TULFO
PINUNA ni Senador Erwin Tulfo ang probisyon ng Republic Act 4566 o Contractors’ License Law na nagtatakda na tanging mga kontratista ang maaaring maupo bilang miyembro ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB). Ayon kay Tulfo, malinaw na may conflict of interest dahil mismong mga kontratista ang nakaupo at siyang nagbabantay sa pagpapatupad ng mga proyekto ng konstruksyon. “Paano nila mababantayan at mare-regulate kung maayos, hindi substandard, o walang ghost project kung sila rin mismo ang mga kontratista nito?” tanong ng senador. Ihahain ni Tulfo ngayong Lunes, Setyembre 8, ang isang…
Read More