GOV’T OFFICIAL, MISIS NG ALALAY TANDEM SA SUBSTANDARD PROJECTS

SINO itong mataas na opisyal ng pamahalaan at asawa ng kanyang alalay — na opisyal din ng gobyerno — na diumano’y tandem sa ilang subcontract projects sa bahagi ng Mindanao? Bagama’t hindi flood control projects, napakadelikado pa rin sa publiko ang mga ito dahil sa paggamit ng hindi akmang materyales sa disenyo at porma ng proyekto. Ayon sa mga nakakaalam, hindi lamang sila magkapareha sa trabaho kundi tandem din sa umano’y pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kilala ang naturang opisyal sa kanyang pagiging magandang lalaki at pormal na pananamit, ngunit…

Read More

Pinay Pride! LOVI POE, BIDA SA HOLLYWOOD FILM NA “BAD MAN”

Lovi Poe at American actor Johnny Simmons, mga maincast sa Bad Man 2025 na isang American action comedy film. MALAKING tagumpay para sa Pinoy talent ang nakamit ni Lovi Poe matapos makasama sa Hollywood action-comedy film na Bad Man kasama ang international actor na si Seann William Scott. Ginampanan ni Poe ang karakter na si Izzy, ang babaeng bida na nagbigay ng puso, saya, at kilig sa pelikula, at nagkaroon ng love story kay Deputy Sam Evans na ginampanan ni Johnny Simmons. “It’s honestly a dream come true to be…

Read More

PONDO SA PROYEKTO KINUPITAN NG OPISYAL?

NAKAKAHIYA! Isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasangkot umano sa eskandalo matapos akusahan ng paglustay ng malaking bahagi ng pondo para sa isang proyekto. Ayon sa impormasyon, pinadaan pa raw sa isang lokal na opisyal ang halagang ₱150 milyon na nakalaan sana para sa pagtatayo ng isang gusali. Ngunit imbes na maibuhos sa proyekto, ₱100 milyon dito ang diumano’y napunta sa kampanya ng kapatid ng naturang opisyal — na kalaunan ay nanalo pa sa puwesto. Samantala, ₱50 milyon lang ang natira para sa…

Read More

huliP.3-M SHABU, MARIJUANA, BARIL NASAMSAM SA 2 HVIs

CAVITE – Halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu, marijuana, at baril ang nasamsam sa nadakip na dalawang hinihinalang tulak na kapwa nasa listahan ng high value individuals (HVI) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City nitong Biyernes ng madaling araw. Hawak na ng Imus Component City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Cris” at “Joel” na kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit…

Read More

2 INDIBIDWAL SUGATAN SA PAMAMARIL

SUGATAN ang dalawang indibidwal makaraang pagbabarilin habang sa nakaupo sa bangketa sa Maria Natividad Street, Barangay 346, Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Christian Morales, 20, habang si Juanito Buenaflor Jr., 23, ay dinala sa Chinese General Hospital. Kinilala ng dalawang testigo sa krimen, ang mga suspek na sina “Adam”, 26, residente ng Caloocan City, at “Bigti”, 23, ng Sta. Cruz, Manila, kasalukuyang tinutugis ng mga operatiba ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District. Ayon kay Police…

Read More

TERRORIST SPOKESMAN, 17 IBA PA SUMUKO SA MILITAR

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Labingwalong mga lokal na terorista kabilang ang kanilang tagapagsalita, ang nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan bitbit ang kanilang mga sandata sa Maguindanao del Sur. Ayon sa Army 6th Infantry Division, kusang-loob ang pagbalik-loob sa pamahalaan ng 18 former rebels dala ang iba’t ibang uri ng high powered firearms, sa himpilan ng 92nd Infantry Battalion sa Brgy. Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Iprinisenta ni Lt. Col. Christian V. Cabading, Commanding Officer ng 92IB, ang mga nagbalik-loob kay Brigadier General Vladimir R. Cagara, Commander…

Read More

NAWAWALANG MAG-ASAWANG NEGOSYANTE TINUTUTUKAN NG PAOCC AT PNP-CIDG

PATULOY na pinaghahanap ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nawawalang mag-asawang negosyante. Nag-alok na rin ang PAOCC ng P300,000 reward para sa sinomang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon tungo sa kinaroroonan ng business couple. Nabatid na may dalawang buwang nang pinaghahanap ang mag-asawa mula nang iniulat silang nawawala. Huling nakita umano ang mag-asawa sa CCTV noong Hulyo 6, kasama ang kanilang business partner na umalis sa kanilang condo sa Taguig City. Nakita silang sakay ng SUV subalit natagpuan…

Read More

DPWH ENGINEER ALCANTARA SWAK SA ADMINISTRATIVE CASE

SWAK sa kasong administratibo si DPWH Engineer Henry Alcantara, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon. Si Eng. Alcantara ay dating District Engineer ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office na nasangkot sa maanomalyang mga proyekto sa Lalawigan ng Bulacan. Binigyang diin ni Dizon sa kanyang pitong pahinang desisyon, na napatunayang may pananagutan si Engineer Alcantara sa mga sumusunod na mabibigat na kasong administratibo: Disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino People; Grave Misconduct; Gross Neglect in the Performance of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best…

Read More

28 LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS NASA KUSTODIYA NA NG ADUANA

NASA kustodiya na ng Bureau of Customs ang 28 luxury vehicles na inuugnay sa mag-asawang government contractor na sina Sarah at Curlee Discaya. Ayon sa ulat na Aduana, sinisimulan na nilang busisiin ang mga dokumento ng mga mamahaling sa sasakyan matapos na isurender ng pamilya Discaya ang umano’y 16 pang nalalabing sasakyan na target ng BOC. Ito ay matapos na ma-recover sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 18, ang naunang 12 sasakyan kasunod ng inspeksyon sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development…

Read More