BAGO magtanghali nitong Martes, niyanig ng magnitude 4.5 earthquake ang dagat malapit sa Ilocos Norte, ayon sa ulat na isinumite sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ng tanggapan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon. Sa ibinahaging datos ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig bandang alas-10:29 ng umaga at natukoy na tectonic origin ang ugat ng paglindol na may lalim na 10 kilometro. Natukoy naman ang epicenter ng lindol may 29 kilometro ng hilagang kanluran ng Pagudpud, Ilocos Norte. Walang inaasahang malakas na aftershock na mararanasan ang…
Read MoreCategory: BALITA
5 SENIORS, 6 IBA PA SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN
CAVITE – Sugatan ang 11 indibidwal na kinabibilangan ng limang senior citizens at kabilang sa mga pasahero ng apat na sasakyang nagkarambola nang banggain ng driver ng isang Isuzu truck van habang nakatigil sa stop light sa bayan ng Silang noong Lunes ng umaga sa lalawigan. Pawang nilalapatan ng lunas sa Silang Medical Specialist at Estrella Hospital ang mga biktimang sina alyas “Roderick”, 63; “Rene”, 59; “Cecilia”, 92; “Emelita”, 81; Josefina, 86; “Arvin”, 27, driver ng Nissan Terra; “Armine”, 58; Faustino, 46, driver ng tricycle na Kawasaki; “Lorenita”, 47; “Ronelio”,…
Read MoreMag-iimbestiga sa flood control projects PBBM MATIPID SA KOMPOSISYON NG INDEPENDENT COMMISSION
TIPID si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng detalye ukol sa komposisyon ng independent commission na titingin sa mga anomalya sa flood control projects. Ang dahilan ng Pangulo ay isinasapinal pa ang nasabing komposisyon. Tinanong kasi ang Pangulo kung bahagi ng independent commission si Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Ang naging tugon ng Pangulo, ang istraktura ng independent body ay maisasapinal “very very soon”. “I don’t want to talk about it until buo na. ‘Di pa namin nabubuo ‘yung plano eh.. Pero malapit na ‘yan, very very soon,” ang…
Read MoreBahay sa Pasig City pinasok ng BOC 26 LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS NAWAWALA
NAWAWALA na ang 26 luxury cars ng pamilya Discaya nang pasukin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang bahay sa Pasig City para isilbi ang search warrant. Ayon kay BOC Chief of Staff Atty. Jek Casipit, sa kabila ng valid na warrant, hindi pinayagan ng security ni Sarah Discaya na makapasok ang mga ahente ng BOC. Kasabay nito, tiniyak ng BOC na mahigpit nilang minamatyagan at sinusuportahan ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan ni Senador Rodante Marcoleta, kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects…
Read MoreSOLONS NA MAY KONEKSYON SA CONSTRUCTION BUSINESS PINAG-IINHIBIT SA HEARING
PINA-IINHIBIT ng grupo ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kongresista na sangkot sa construction business bago naging mambabatas o kaya ang kanilang pamilya o malapit na kaanak. Sa pagsisimula ng Tri-Infra committee na binubuo ng House committee on public accounts, public works at good government and public accountability, sinabi ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na nakasaad ito sa Rule 9 Section 33 ng Rules of the House at maging sa Section 9 internal Rules of Committee of Public Accounts na hindi pwedeng sumali sa deliberasyon o…
Read MorePANININGIL NG VIOLAGO HOMES SUBD. SA MGA MOTORISTA INIREREKLAMO
MUNTIK nang mauwi sa gulo ang paniningil ng mga guwardiya at opisyal ng Violago Homes Subdivision, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, sa mga dumaraang motorista kamakalawa ng gabi, Setyembre 1, 2025. Ayon sa ulat, sinisingil umano ng P10 ang bawat motorsiklo, kotse, at iba pang light vehicle na pumapasok sa subdivision, habang umaabot naman sa P2,500 pataas ang bayad para sa mga delivery truck at iba pang malalaking sasakyan. Naglagay ng barikada ang mga guwardiya at ilang opisyal ng subdivision sa kanilang gate na ikinainis ng mga motorista. Nagkaroon ng…
Read MoreICC sa mga Duterte: ‘NO MORE UPDATES’ KAY DIGONG
PINAGBAWALAN na ng detention unit ng International Criminal Court (ICC) ang mga bisita ni dating pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa pagbibigay ng public updates hinggil sa sitwasyon sa loob ng pasilidad. Sinabi ni Vice President Sara Duterte na pinayagan lamang siyang kumpirmahin na buhay at maayos ang kalagayan ng ama. “So, from now on, bawal ikuwento kung ano yung mga nangyari sa loob at ano yung mga pinag-usapan sa loob,” ang sinabi ni VP Sara kay dating presidential spokesman Harry Roque sa isang panayam. “I can only say na…
Read MoreRISA HINDI BET MAGING PRESIDENTE NG 98% PINOY
LAGAPAK na naman si Senadora Risa Hontiveros sa bagong survey ng Tangere sa karera sa pagka-presidente sa 2028 elections. Nakakuha lang si Hontiveros ng 2 percent rating sa survey na ginawa mula Agosto 27 to 30 at sinalihan ng 1,400 respondents. Ibig sabihin, ayaw siya ng 98 porsiyento ng mga Pilipino bilang presidente. Naungusan pa si Hontiveros ni House Speaker Martin Romualdez, na nakakuha ng 3 porsiyento. Nanguna sa survey si Vice President Sara Duterte, na may 36 percent, habang pangalawa si Pasig City Mayor Vico Sotto na may 34…
Read MoreGOMA NAG-SORRY SA MEDIA
MATAPOS kondehin ng mga mamamahayag sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa kanyang alegasyon na ‘media spin” ang pagtatanong sa kanya hinggil sa nasirang flood control projects sa Matag-og Leyte, pormal na humingi ng paumanhin si Leyte Rep. Richard Gomez. Kasabay nito, binura ni Gomez ang kanyang post at maging ang screenshot conversation sa mga kagawad ng media na humingi ng kanyang reaksyon sa pahayag ni Matag-og, Leyte Mayor Bernie Tacoy na agad nasira ang flood control projects na ipinagawa ng mambabatas. “To the members of the press who took…
Read More