LAGAPAK na naman si Senadora Risa Hontiveros sa bagong survey ng Tangere sa karera sa pagka-presidente sa 2028 elections.
Nakakuha lang si Hontiveros ng 2 percent rating sa survey na ginawa mula Agosto 27 to 30 at sinalihan ng 1,400 respondents. Ibig sabihin, ayaw siya ng 98 porsiyento ng mga Pilipino bilang presidente.
Naungusan pa si Hontiveros ni House Speaker Martin Romualdez, na nakakuha ng 3 porsiyento.
Nanguna sa survey si Vice President Sara Duterte, na may 36 percent, habang pangalawa si Pasig City Mayor Vico Sotto na may 34 percent.
Pangatlo si dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na may 10 percent at pang-apat si Sen. Raffy Tulfo na may anim na porsyento.
Ang resulta ng Tangere survey ay halos katulad din ng WR survey, kung saan pang-siyam lang si Hontiveros na may 1.4 percent.
Una nang ibinida ni dating Senador Antonio Trillanes na si Hontiveros lang ang pinakamalakas na pambato ng oposisyon laban kay Duterte sa 2028. (EG)
140 