Mga kongresista nagbangayan sa Kamara ZALDY CO PROTEKTADO?

MAINIT ang diskusyon kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa unang araw ng pagdinig ng Tri-Infra committee sa flood control projects matapos ‘harangin’ ng ilang mambabatas ang panukalang ipatawag sa pagdinig ang dating Appropriations chair na si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ipinahiwatig ni Navotas Rep. Toby Tiangco na pinoprotektahan ng komite si Co. Bago ito, tinanong ni Caloocan City Rep. Edgar Erice si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan kung magkano ang infrastructure projects ng ahensya sa 2025 National Expenditure Program (NEP). Ayon…

Read More

Flood control probe mala-zarzuela VP SARA KAY PBBM: ITURO KURAKOT SA PONDO NG BAYAN

HINAMON ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituro ang mga nagnanakaw sa pondo ng gobyerno. Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na kung talagang seryoso si PBBM na lutasin ang problema sa katiwalian sa government projects, isang araw lang ay tapos na ito. Wala rin aniyang ipinagkaiba ang imbestigasyon ng gobyerno sa ghost at maanomalyang flood control projects sa zarzuela. “Magdududa ka kung bakit bigla ngayon ay meron silang palabas ng malaking investigation ng flood control projects. Ibig sabihin,…

Read More

GOBYERNO NAWALAN NG HANGGANG P118.5-B SA GHOST PROJECTS

KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na nawalan ang gobyerno ng tinatayang P42.3 bilyon hanggang P118.5 bilyon mula 2023 hanggang 2025 dahil sa ghost projects na hindi naman naipatupad. Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee kaugnay sa 2026 National Expenditure Program, sinabi ni Recto na katumbas ito ng 95,000 hanggang 266,000 na trabaho na dapat ay napakinabangan ng mga Pilipino. Kaya naman kasabay ng pagkondena sa mga anomalya sa flood control projects, nagpahayag ng pagsuporta si Recto sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tutukang mabuti ang…

Read More

P3.4-M SHABU NASAMSAM SA HVT SA CEBU

CEBU – Nadakip ang isang lalaki na kabilang sa regional target list ng PDEA-PNP, matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng umano’y shabu sa undercover agents sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA 7, katuwang ang PNP Drug Enforcement Group at Naval Forces Central, sa Sitio Buanan, Barangay Pung-ol Sibugay, Cebu City, nitong nakalipas na Linggo. Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang suspek na si alyas “Jokjok”, 30, magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar. Nakumpiska sa operasyon ang limang pakete ng umano’y shabu na may kabuuang bigat…

Read More

1 SA 2 NAGNAKAW AT HUMALAY SA 2 MASAHISTA, ARESTADO

ARESTADO ng Pasay City Police sa lalawigan ng Albay ang isa sa dalawang suspek na nagnakaw at nang-abuso sa dalawa sa 13 massage therapist sa Pasay City noong Agosto 29. Kinilala ang suspek na si alyas “Vince”, ng Legazpi City, Albay. Natunton ito sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya. Matatandaan na pinasok at pinagnakawan ng dalawang armadong lalaki na sakay ng puting motorsiklo, ang mga biktima matapos pasukin ang massage parlor sa Cabrera St., Barangay 140 sa lungsod. Dalawa sa 13 massage therapist ang iniulat na inabuso, habang ang iba ay…

Read More

GOMA KINONDENA NG HOUSE MEDIA

MARIING kinondena ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez dahil sa kanyang mapanirang pahayag laban sa media na nagtangkang kunin ang kanyang panig kaugnay ng mga flood control project sa kanilang lalawigan na gumuho kahit bago pa lamang ipinatayo. “We, members of the media covering the House of Representatives, collectively denounce the baseless and spiteful utterances from Rep. Richard Gomez imputing impropriety in the actions of a number of our colleagues who tried to get his side on a matter…

Read More

‘GURONG TULAK’ HULI SA BUY-BUST

NEGROS OCCIDENTAL – Isang guro na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation sa Sitio Tap-ok, Boulevard, Brgy. Enclaro, sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan. Itinuturing na isang high value target ang nadakip na drug personality na kinilalang si alyas “Joffel”, 42, guro, binata, at residente ng nasabing lugar. Matapos ang inilatag ng intelligence operation ay ikinasa ang buy-bust operation laban sa target personality dakong alas-11:44 umaga nitong Lunes. Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO NIR-Regional Special…

Read More

KAPAYAPAAN NG BANSA RESPONSIBILIDAD NG LAHAT NG PINOY – OPAPRU

PINANGUNAHAN ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang paggunita sa ika-21 anibersaryo ng pag-obserba sa National Peace Consciousness Month 2025 ngayong Setyembre. Ang tema ngayong Peace Month ay “Mapayapang Bukas, Abot-Kamay sa Bagong Pilipinas”, bilang pagkilala sa nakamit na kapayapaan at pagdiriwang ng hinaharap na puno ng kapayapaan, pagkakaisa at respeto. Sa pangunguna ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., pina-alingawngaw ang kampana ng kapayapaan (peace bell) bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Peace Month nitong Lunes, Setyembre 1. Dito ay hinikayat ni Sec.…

Read More

NABAKANTENG UPUAN NG DUTERTE YOUTH PARTY-LIST PUPUNUAN

MAGSASAGAWA ng magpupulong ang Commission on Elections (Comelec) en banc para desisyunan kung sino ang papalit sa nabakanteng upuan ng Duterte Youth Party-list. Ito ay para talakayin ng Law Department at Supervisory Committee ng Comelec kung sino ang hahalili sa posisyon sakaling maging final and executory ang nasabing desisyon na kinakailangan bago maiproklama ng National Board of Canvassers. Matatandaang kinansela ng en banc ang registration ng nasabing party-list dahil sa mga kakulangan sa publication at hearing na kinakailangang proseso para sa accreditation ng isang party-list. Nilinaw ng Comelec na kailangan…

Read More