NASA 60% ng online gambling ang maituturing na ilegal sa kasalukuyan, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Umamin si PAGCOR Chairman Alejandro Tengco sa interpelasyon ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na mas marami pa rin ang illegal na online gambling kumpara sa mga legal o may lisensya. Aniya, nasa limampung porsyento na ang ibinagsak ng transaksyon ng nasabing sugal mula nang ipag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga e-wallet na alisin sa kanilang sistema ang mga online gambling apps. “At para po sa kaalaman ng…
Read MoreCategory: BALITA
PCUP, CHR KINALAMPAG SA MGA DEMOLISYON SA MAYNILA
KINALAMPAG ni House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Commission on Human Rights (CHR) na pakialaman na ang ginagawang demolisyon sa kanilang lungsod. Partikular sa nais ni Abante na imbestigahan ng PCUP at CHR ay demolisyon na ginagawa sa kabahayan ng may 20 residente sa Barangay 647 sa San Miguel, Manila dahil nilalabag umano ang karapatan ng mga apektadong mamamayan. Hiniling ni Abante sa CHR na bisitahin ang mismong lugar kung saan isinagawa ang demolisyon at…
Read MoreP89-M JACKPOT SA SUPERLOTTO 6/49 NASOLO NG TAGA-QUEZON
INSTANT milyonaryo ang isang mananaya ng SuperLotto 6/49 mula sa lalawigan ng Quezon makaraang masolo nito ang jackpot prize. Sa kalatas na inilabas ng PCSO, nakuha ng mananaya ang kumbinasyon na 17-27-21-30-15-20 na may jackpot prize na P89,548,070.20. Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa Bonifacio St., Gumaca, Quezon. Nasa 38 indibidwal naman ang nanalo ng tig-P24,000.00 makaraang makakuha ng limang kumbinasyon. Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo. (TOTO NABAJA) 197
Read MoreGOV. DEGAMO SLAY CASE UMUSAD NA
NAGSIMULA nang umusad ang nakahaing kaso ng maramihang pagpatay at bigong pagpatay laban kay dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. sa Manila Regional Trial Court. Sinimulan nitong Miyerkoles ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 ang pre-trial para sa multiple murder, frustrated murder, at attempted murder charges kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba. Si Teves ay dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng video teleconferencing. Kumatawan naman sa kanya sa korte ang isa sa kanyang mga legal counsel na si Atty. Andres…
Read MoreSa gitna ng bilyon-bilyong nawawala PANANAGUTAN SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING DINIINAN NI REP. POE
MAYNILA – Sa pagdinig ng budget ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Mababang Kapulungan ngayong araw, tinutukan ng mga mambabatas ang pangangailangang palakasin ang Compliance Monitoring and Enforcement Department (CMED) ng ahensya, matapos ibunyag na patuloy na lumalaganap ang mga ilegal na online gambling platform sa kabila ng paulit-ulit na operasyon laban sa mga ito. Inilahad ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na nasa 12,000 ilegal na online gambling sites na tumatarget sa mga Pilipino ang kanilang natukoy. Sa bilang na ito, 8,000 ang na-block o naipasara sa tulong…
Read MoreCONG. ZALDY CO PINATUTUGA SA ‘SMALL COMMITTEE’
SA gitna ng kabiguang mailabas ng House committee on appropriations ang report ng small committee kung saan umano naganap ang dagdag-bawas sa 2025 national budget, nararapat na magsalita na si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ito ang iginiit ni Navotas Rep. Toby Tiangco kahapon matapos madismaya sa unang araw ng pagdinig ng 2026 National Expenditure Program (NEP) dahil hindi naibigay ng komite ang hinihingi nitong report ng small committee. “Basta ang maliwanag ngayon, wala talaga yung report (ng small committee) so kailangang gawin ngayon, ang liderato ng House tawagan…
Read MoreVP SARA WALANG ‘K’ MANLAIT SA KALIDAD NG EDUKASYON – SOLON
MAKAPAL ang apog. Mistulang ganito ang pagtingin ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kay Vice President Sara Duterte nang ikumpara nito ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas sa ibang bansa dahil siya umano ang pinakamalalang secretary ng Department of Education (DepEd). “This coming from the worst DepEd secretary ever?! Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho,” ani Tinio matapos sabihin ni Duterte na malayong-malayo ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa kalidad ng edukasyon. Ayon sa mambabatas, isang kaipokritahan na mismong si Duterte ang nagkukumpara sa kalagayan ng edukasyon…
Read MoreWalang naipakulong na ‘big fish’ BATAS MISTULANG INUTIL KONTRA AGRI SMUGGLER
BINATIKOS ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang tila walang katapusang kalakaran ng agricultural smuggling sa bansa dahil wala pa ring naparurusahan o nakukulong na malalaking smuggler sa kabila ng halos isang dekada na mula nang maipasa ang batas laban dito. Ayon kay Pangilinan, patuloy na lugmok ang mga magsasaka at mangingisdang Pilipino dahil sa pataas nang pataas na gastos at hindi patas na kompetisyon dulot ng mga puslit na produkto, samantalang malayang nakalulusot ang mga smuggler. Binanggit niya na tatlong kaso na ang isinampa sa ilalim ng Anti-Agricultural Smuggling Act…
Read More24 RIDERS INARESTO SA ILLEGAL DRAG RACING
BULACAN – Dinampot ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang dalawampu’t apat katao kabilang ang 12 na menor de edad, sa ilegal na karera ng motorsiklo noong Lunes ng gabi sa San Rafael, Bulacan. Ayon sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang PNP-HPG hinggil sa ilegal na karerahan ng motorsiklo sa Mabalas-Balas-Gasan Maasim Bypass Road. Dahil sa nasabing sumbong ay kaagad na tinungo ng PNP-HPG ang lugar kasama ang mga opisyal ng barangay at San Rafael Municipal Station, dakong alas-sais ng gabi at doon naabutan ang mga kalalakihan at pinagdadampot…
Read More