DRUG DEN OPERATOR, 5 PA ARESTADO

PAMPANGA – Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency isang drug den operator at limang iba pa, sa ikinasang anti-narcotics operation sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao sa lalawigan. Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-3:40 ng hapon noong Miyerkoles, naglunsad ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA – Pampanga Provincial Office sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao. Sa operasyong ito ay nahuli si alyas Nono, 53, na siyang nangangasiwa umano sa sinalakay na drug den; kasama…

Read More

Sa BARM Parliamentary election COMELEC ‘DI PA NAGDEDEKLARA NG ELECTION HOTSPOTS

HINDI pa nagdedeklara ang Commission on Elections (Comelec) ng anomang lugar sa Bangsamoro bilang election hotspots. Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang pahayag sa nagpapatuloy na preparasyon nito para sa kauna-unahang BARMM elections kung saan naglatag na ng checkpoints at nakikipag-ugnayan sa pulisya at militar upang masiguro na ligtas ang publiko sa panahon ng kampanya. Sinabi pa ni Garcia, tatawag ng isang ‘extremely urgent’ meeting kasama ang pitong accredited na Bangsamoro regional parties at election watchdogs, sa susunod na linggo upang talakayin ang “none of the above” option sa…

Read More

160 menor de edad nasagip KANONG PASTOR ARESTADO SA CHILD ABUSE

PAMPANGA – Isang American national na pastor ang inaresto sa umano’y child abuse na inihain sa kanya kasunod ng pagkakaligtas sa 160 menor de edad nitong Huwebes ng hapon sa Pandacaqui sa bayan Mexico sa lalawigan. Kinilala ni PLt. Col. Pear Joy Gollayan, hepe ng Mexico Police Station, ang inarestong pastor na si Jeremy Ferguson, American national, 48, may asawa, Founder ng New Life Baptist Church na nakabase sa nasabing lugar. Sa paunang imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng hapon, nagsagawa ng operasyon ang Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Mexico…

Read More

Bakuna sa lumalalang epidemya – solon GAMBLING APPS PINABABAKLAS NA SA MGA E-WALLET

“BAKUNA ito sa lumalalang gambling epidemic sa bansa”. Reaksyon ito ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sa kautusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng e-wallets na mag-unlink sa lahat ng e-gambling platforms. Inanunsyo ng BSP sa pamamagitan ni Deputy Governor Mamerto Tangonan ang kautusan sa e-wallets sa pagdinig ng Senado sa lumalalang problema sa online gambling sa bansa na nagiging dahilan para masira ang buhay ng maraming Pilipino. “This is a big win for Filipinos who suffered, exposed, and resisted the predatory grip of e-gambling,” ayon pa…

Read More

NAPOLCOM PINALAGAN SA ‘POWER GRAB’

INALMAHAN ng matataas na opisyal ng pulisya ang itinuturing nilang “ilegal, mapanganib, at pulitikadong hakbang” ng National Police Commission (NAPOLCOM) na ibalik sa puwesto si P/Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. at ilan pang opisyal sa pamamagitan ng Resolution No. 2025-0531 — isang hakbang na ayon sa kanila ay tahasang lumalabag sa itinatakda ng batas, sumasakop sa kapangyarihang operasyonal ng Chief PNP, at pumapantay pa sa kapangyarihan ng Pangulo sa pagtatalaga ng mga opisyal. Kamakailan lamang, inilipat ni Chief PNP Nicolas Torre III si Nartatez upang pamunuan ang Area…

Read More

HIGIT 500 BATA IPINASYAL SA KAARAWAN NG PASAY MAYOR

MAHIGIT limangdaang kabataan at kanilang magulang ang ipinasyal ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-65 kaarawan ngayong August 16. Sa panayam sinabi ng alkalde na taon-taon niyang ginagawa simula nang siya ay konsehal ng Pasay na pinapasyal ang mga bata sa isang kilalang Amusement park sa lungsod at binibigyan din ng mga regalong laruan upang mas maging masaya ang mga bata. Nagsasagawa rin ng ibat ibang programa ang alkalde tulad ng medical at dental mission, livelihood training, at nagbibigay ng pambili ng mga kagamitan…

Read More

PLANO SA MANILA GARBAGE CRISIS, IBINIDA SA MGMAC

IBINAHAGI ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang estado ng garbage crisis ng Maynila sa ginanap sa Meeting of Governors and Mayors of ASEAN Capitals (MGMAC) kamakalawa. Sa naturang forum, sinabi ng bise alkalde ang mga tungkuling hinarap nila ni Mayor Isko Moreno ukol sa mga garbage at pre-termination notices for waste collection contracts dulot ng isyu sa pondo. Binanggit din nito ang pagpasa ng 13th City Council sa Resolution No. 147 na ang layunin ay magkaroon ng kolaborasyon ang gobyerno, private sector, at mamamayan. Inihayag din ni Atienza ang…

Read More

‘NAGMANIPULA’ SA P74-B PHILHEALTH FUNDS PANGALANAN

IGINIIT ni Davao City Rep. Isidro Ungab na pangalanan ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee na naging kasapakat sa paglalaho ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng 2025 national budget. “The Filipino people deserve to know exactly who orchestrated the removal of P74 billion that was legally earmarked for their healthcare through the Sin Tax Law,” pahayag ni Ungab kahapon. Ang Bicam ay binubuo ng 10 congressmen at 10 senador na pinamumunuan ng chairman ng House Appropriations Committee at Senate Finance Committee kung saan sina…

Read More

Sa dami ng isinasangkot na kongresista THIRD PARTY INVESTIGATION SA FC ANOMALIES PINABORAN

SINANG-AYUNAN ng dalawang lider sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakaroon ng third party na mag-iimbestiga sa mga anomalya umano sa flood control project sa gitna ng pagkakasangkot ng ilan nilang kasamahan. Para kina Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez at House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, tama lang na ipaubaya sa third party ang imbestigasyon dahil may mga kongresista ang nakakaladkad sa nasabing usapin. “I think we need a third party to look into it. Kung Congress kasi ang mag-imbestiga baka sabihin na we investigating ourself so…

Read More