11 PAGYANIG NARAMDAMAN SA BULKANG KANLAON

NARAMDAMAN ang 11 volcanic earthquakes sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat ngayong Biyernes ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Dahil dito, itinaas ng ahensya sa alert level 2 ang paligid ng bulkan. Nabatid pa sa ahensya na nagbuga ng usok ang bulkan na may taas na 75 metro at mahinang pagsingaw. Iniulat din ang pamamaga ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras. Kaugnay nito, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpapalipad ng anomang aircraft…

Read More

3 KILO NG MARIJUANA INIWAN SA APARTMENT

CAVITE – Umabot sa mahigit sa tatlong kilo ng hinihinalang marijuana ang nadiskubre sa isang apartment na inalisan ng isang lalaking nangungupahan dito sa Brgy. Aldiano Olaes, sa bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigan noong Huwebes. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang madiskubre ng may-ari ng apartment na kinilalang si alyas “Al”, negosyante, ng Brgy. Aldiano Olaes, GMA, Cavite, ang isang plastic bag sa kusina ng nasabing apartment. Aniya, lilinisin sana niya ang apartment na inalisan ng suspek na kinilalang si alyas “Badong” nang makakita…

Read More

DALAGA PATAY SA RATRAT SA CALAMBA CITY, LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang 24-anyos dalaga matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Purok 6, Brgy. 2-Tibag, Calamba City, nitong Huwebes. Kinilala ang biktimang si Elexandrea, residente sa nasabing lugar. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Calamba City Police Station, dakong alas-3:45 ng hapon, nag-uusap ang biktima at ang suspek nang bigla na lamang barilin ang dalaga nang dalawang beses. Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek. Isinugod ng isang concerned citizen ang biktima sa Jose P. Rizal Memorial Hospital ngunit hindi umabot nang buhay. Patuloy…

Read More

COMELEC SA NIGHT SHIFT EMPLOYEES: SPECIAL VOTER REGISTRATION SA AIRPORT, MALLS SAMANTALAHIN

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang night shift employees na samantalahin ang isasagawang Special Registration Anywhere program sa mga paliparan at malls. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, pagkakataon na ito para makapagparehistro ang mga panggabing empleyado tulad ng call center agents, upang makaboto sa mga susunod na halalan. Ang mga night shift na empleyado ay maaaring magparehistro sa NAIA Terminal 1 at 3 mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hatinggabi. Gagawin din ito sa Robinsons Bridgetown sa Quezon City mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng…

Read More

2 MISSING LINKS MAGPAPALAKAS SA KASO VS UTAK SA ‘SABUNGEROS’

NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police na ang paglantad ng dalawang itinuturing na missing link ay magpapalakas sa kasong isinampa sa itinuturing na mastermind sa likod ng missing sabungero case. Ayon sa PNP, ang testimonya ni whistleblower Julie Patidongan at ng kanyang dalawang kapatid ay magagamit para palakasin ang kasong inihain sa umano’y utak sa likod ng mga nawawalang sabungero at sa mga kasabwat nito. Nitong Huwebes, inihayag ng Department of Justice ang pagsasampa ng murder and serious illegal detention complaints laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at…

Read More

MURDER, SERIOUS ILLEGAL DETENTION ISINAMPA VS ATONG ANG, IBA PA

SINAMPAHAN kahapon ng murder at serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) ang gambling tycoon na si Charlie Atong Ang at iba pang personalidad kaugnay sa mga nawawalang sabungero. Kinumpirma ni Ryan Bautista, kapatid ng nawawalang si Michael Bautista, ang paghahain ng reklamo laban sa mga suspek. Kasama ang mga umano’y iba pang saksi, dumating ang mga tauhan ng PNP-CIDG dala ang makapal na mga dokumentong inilagay sa folder na blue. Dumating si PNP Chief Director General Nicolas Torre III pero tumanggi siyang magbigay ng anomang pahayag ukol sa…

Read More

12 GRUPO NG KABATAAN KINILALA SA VILLAR FOUNDATION AWARDS

SA ikawalong taon ng Villar Foundation Awards, pinarangalan ang mga natatanging youth organizations mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa paglaban sa kahirapan sa kani-kanilang mga komunidad. Sampung grupo ang kinilalang Outstanding Youth Organizations at tumanggap ng ₱150,000 cash prize at tropeo. Dalawa naman ang itinanghal bilang Promising Youth Groups, na ginawaran ng sertipiko at ₱100,000 cash prize. Umabot sa 67 nominasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang natanggap ng Villar Foundation, na dumaan sa masusing pagsusuri upang mapili ang mga…

Read More

SOLONS DISKUMPYADO SA FLOOD CONTROL PROBE NI PBBM

WALANG tiwala ang dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkakaroon ng resulta ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects dahil sa halip na iatas sa Commission on Audit (COA) ang inatasan ay ang Department of Public Works and Highway (DPWH) ang pinatrabaho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “The DPWH cannot be trusted to investigate itself when it is neck-deep in these anomalies. This is like asking the fox to guard the henhouse,” pahayag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio kahapon.…

Read More

5 NON-WORKING DAYS SA AGOSTO INANUNSYO

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na special non-working day sa apat na munisipalidad at isang lungsod sa Luzon at Visayas para payagan ang mga residente na makiisa sa kanilang ‘commemorative events.’ Sa katunayan, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, noong Hulyo 18, ang lahat ng proklamasyon na nagdedeklara ng holidays. Sa ilalim ng Proclamation No. 977, idineklara ang Agosto 4 bilang special non-working day sa San Pascual, Batangas sa pagdiriwang ng founding anniversary ng munisipalidad. Idineklara rin ang special non-working day sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa Agosto 8 upang…

Read More