UNIFIED ‘NO PARKING POLICY’ ITINULAK NG DILG

NGAYON pa lamang ay marami na ang sumusuporta sa planong pagpapatupad ng Unified NO Parking Policy sa buong Metro Manila, ayon sa Department of the Interior and local Government, kasunod ng direktibang magbuo ng polisiya hinggil sa planong iskema, ang lahat ng local government executives sa kalakhang Maynila. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hinihikayat niya ang lahat ng Metro Manila mayors na magbuo ng Technical Working Group (TWG) na tutukoy sa major thoroughfares at Mabuhay lanes na ituturing na No Parking zones, at lumikha ng whole-of-city parking map para…

Read More

LCSP suportado PEATC PAGPAPATUPAD NG MODERN PAYMENT SYSTEM PINABIBILISAN

PINURI ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pahayag kamakailan ni PEA Tollway Corporation (PEATC) Chairman Engr. Anthony Peter Crisologo na nagpapahayag ng suporta para sa pagpapatibay ng mga karagdagang paraan ng pagbabayad ng toll, tulad ng mga e-wallet at debit/credit card. Sinabi ng LCSP, ang hakbang na ito ay umaayon sa patuloy na adbokasiya ng kanilang grupo para sa mga repormang nakasentro sa commuter at sumasalamin sa isang progresibong diskarte tungo sa paggawa ng mga sistema ng toll na mas inklusibo at mahusay. Ang PEATC, isang government-owned…

Read More

PAGHATAK NG CHINA COAST GUARD SA BRP SIERRA MADRE ITINANGGI NG AFP

MARIING nagbabala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nagpapakalat ng fake news at mga sinasadyang disinformation lalo na may kaugnayan sa West Philippine Sea. Tahasang ding kinondena ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang panibagong pagtatangka na iligaw ang publiko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga luma o recycled footage na pinalalabas na mga bagong kaganapan sa karagatang bahagi ng Ayungin Shoal. Wala umanong katotohanan na na-tow o hinatak ng China Coast Guard ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal subalit tumatayong aktibong military…

Read More

Apela kay Pang. Marcos BENEPISYO NG GOCC, GFI WORKERS IBALIK

ISINIGAW ng sabay-sabay ng mga presidente na kumakatawan sa mga empleyado ng iba’t ibang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions na ipatupad na muli ang nakapaloob sa Compensation and Position Classification System o CPCS-2. Isinasaad ng nasabing sistema ang mga benepisyo na kung saan pangunahing makikinabang ang mga miyembro ng kanilang pamilya tulad din ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Ang National Union of Bank Employees Insurance and Finance Organizations (NUBE), Land Bank of the Philippines Employees Association (LBPEA), PhilHealth Independent Employees Association (PICEA), Philippine Deposit Insurance…

Read More

PROTEKSYON SA DISASTER FRONTLINE WORKERS PATATAGIN

PINABIBIGYAN ng mas malakas na proteksyon at makatarungang benepisyo ang mga frontline Disaster Risk Reduction Management workers lalo pa’t isinusugal nila ang kanilang buhay kapag panahon ng kalamidad tulad ng bagyo. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 2268, o “Magna Carta of Disaster Risk Reduction and Management Workers Act” na inakda ni Quezon City Rep. PM Vargas bilang pagkilala sa DRRM workers na laging nasa panganib kapag panahon ng kalamidad para magligtas ng buhay at ari-arian sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo. “Buhay nila ang pinaka nanganganib tuwing…

Read More

POM HINIGITAN TAX COLLECTION TARGET NOONG HULYO

TILA niregaluhan ng mga tauhan ng Port of Manila (POM) ng Bureau of Customs (BOC) ang bagong upong Commissioner na si Ariel Nepomuceno matapos nitong higitan pa ang tax collection target para sa buwan ng Hulyo. Base sa datos ng BOC, kailangang makolekta ng POM ang P7.929 billion na buwis sa buwan ng Hulyo mula sa lahat ng mga imported goods na pumapasok sa nasabing port. Pero sa inisyal na report noong nakaraang linggo mula sa Collection Division ng ahensya, nasa P8.221 tax ang nakolekta ng POM. Ayon kay POM…

Read More

4Ps LUSAWIN, PALITAN NG LIVELIHOOD – TULFO

SA halip na parang limos ang ibinibigay ng pamahalaan sa mahihirap buwan-buwan, palitan na lang ng pangkabuhayan. Ito ang mungkahi ni Senate Social Justice and Welfare Chairman Erwin Tulfo para matuldukan at hindi na maabuso ang programa ng ilan. Ayon kay Sen. Tulfo, “Maging ang ilang 4Ps members gusto na pangkabuhayan na lang ang ibigay sa kanila kaysa sa buwanang ayuda”. Ito raw ang pahayag ng ilang 4Ps members noong siya ay naging DSWD Secretary noong 2022. “Masakit din daw kasi sa kanila na marinig na mga tamad, pabigat, at…

Read More

Testimonya ni Patidongan kwestyonable – abogado; KAMPO NI ATONG ANG, BUKAS SA MGA KASONG ISINAMPA

MALUGOD na tinanggap ni Charlie ‘Atong’ Ang ang pormal na pagsasampa ng kaso laban sa kanya, bilang pagkakataon upang maipagtanggol ang sarili laban sa mga paratang at espekulasyon sa tamang legal na proseso. Ayon kay Atty. Gabriel L. Villareal, abogado ni Ang, naninindigan ang kanyang kliyente sa kanyang pagiging inosente, at nagbabala hinggil sa testimonya ni Julie “Dondon” Patidongan na aniya’y puno ng butas, makasarili, at walang sapat na batayan. Ipinahayag din ni Villareal ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at paghanga sa kanilang pagpupursige sa paghahanap…

Read More

8 NPA PATAY SA AFP STORMTROOPERS

TULOY-TULOY ang pagkawasak ng komunistang New People’s Army nang malagasan silang muli ng walong kadre makaraang makasagupa nila ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 8th Infantry “Stormtroopers” Division nitong Biyernes ng umaga sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, ang bagong hirang na Philippine Army chief, nakasagupa ng Army 8ID ang nalalabing kasapi ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ng Communist Terrorist Group (CTG) ng dalawang ulit nitong Huwebes sa Barangay San…

Read More