TAOS-PUSONG pasasalamat ang ipinaabot ni Ms. Virginia Rodriguez sa natanggap na pagkilala mula sa 38th PMPC Star Awards at sa FAMAS Prestige Awards bilang Philanthropist of the Year at Outstanding Entrepreneur in Agribusiness. “Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagtanggap ng parangal na ito lalo na sa mga kinatawan ng PMPC at FAMAS. Malaki ang naging tulong ng inyong suporta sa aking mga adhikain, at tinitiyak ko na ipagpapatuloy ko ang aking misyon na tulungan at pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino,” ayon kay Rodriguez sa kanyang pagtanggap ng…
Read MoreCategory: BALITA
PAGKATUTO NG MGA ESTUDYANTE ‘DI DAPAT MABALAM SA TRANSPORT STRIKE AT IBA PANG MGA PROBLEMA SA BANSA
PINATITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na palakasin pa ang kakayahan ng sektor ng edukasyon upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral tuwing may krisis o aberya, tulad ng suspensyon ng face-to-face classes bunsod ng tatlong araw na transport strike. Ayon kay Gatchalian, bagamat naiwasan ng mga mag-aaral at guro ang abala dulot ng tigil-pasada, ipinakita rin nito ang matagal nang kahinaan ng sistemang pang-edukasyon sa gitna ng krisis. Iginiit ng senador na hindi dapat natitigil ang pag-aaral sa tuwing may ganitong mga hamon,…
Read MoreASSASSINATION PLOT KAY DU30 GUNI-GUNI LANG
WALANG basehan ang tila pinangangambahan ni Vice President Sara Duterte na security threats laban kay dating pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sakali’t mapabalik ang huli sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinagot ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang tila pagkukumpara ni VP Sara sa amang si Digong kay dating senador Ninoy Aquino. Bahagi ng talumpati ng Bise Presidente sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa Het Malieveld The Hague, Netherlands na binalaan umano niya ang ama na maaaring matulad kay Ninoy…
Read MoreHIGIT 8K NA PULIS BANTAY SA TRANSPORT STRIKE
IDINEPLOY ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 8,152 na pulis sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang matiyak ang seguridad at maalalayan ang mga commuter sa gitna ng transport strike ng grupong Manibela. Sinabi ni NCRPO Regional Director Police Brig Gen. Anthony Aberin, na kabilang sa mga idineploy ang Civil Disturbance Management contingents na magbabantay sa matataong lugar, transport terminals at commercial zones. Pinakalat din ang mga pulis sa mga pangunahing kalsada upang mapanatili ang kaayusan sa gitna ng transport strike. In-activate na rin ng NCRPO…
Read MoreKAMPANYA KONTRA FAKE NEWS SAKOP VLOGGERS ABROAD – DOJ
HAHABULIN at pananagutin din ng mga ahensyang nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) ang mga vlogger at social media influencers na nasa abroad na nagpapakalat ng maling impormasyon o balita laban sa gobyerno ng Pilipinas. Ito ang tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime “Jimmy” Santiago sa isang ambush interview sa ginanap na 52nd NBI Agent’s Basic Training Program Commencement Exercises sa DOJ Hall of Justice (DOJ) kahapon. Paiigtingin ng NBI ang koordinasyon sa International Criminal Police Organization (Interpol) para maisyuhan ng warrant of arrest ang iba…
Read MorePAGKAKALAT NG FAKE NEWS ITUTURING NA CYBER CRIME OFFENSE
KINUMPIRMA ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na may mga hakbang na silang isinasagawa upang maituring bilang cybercrime offense na may mabigat na parusa ang pagpapakalat ng fake news o maling impormasyon sa social media. Katunayan ay nagsimula na anya ang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media sa mga panukala kaugnay nito na sisikapin nilang gawing batas. Isa na rito ang inihain niyang Senate Bill 1296 na nagsusulong na maidagdag ang pagkakalat ng fake news bilang krimen sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2013…
Read MoreKapag nagpilit umuwi FPRRD MATUTULAD KAY NINOY – VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINALAAN ni Vice President Sara Duterte ang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na posibleng sapitin nito ang nangyari kay dating senador Ninoy Aquino kapag nagpumilit itong umuwi mula sa The Netherlands. Sa pagtitipon ng kanilang mga supporter sa The Hague kung saan naroon ang detention facility ng International Criminal Court (ICC) ay nagbigay ng pahayag ang batang Duterte hinggil sa kanilang pag-uusap ng ama. Ayon kay VP Sara, tuwing binibisita niya ang dating pangulo sa detention center ng ICC, lagi nitong tinatanong kung maiuuwi siya…
Read MorePUGANTENG PULIS ARESTADO NANG DUMAAN SA EDSA BUSWAY
KALABOSO ang puganteng pulis makaraang sitahin ng mga tauhan ng DOTr-SAICT at PNP-CIDG nang dumaan ito sa busway sa bahagi ng main avenue station ng EDSA busway, Lunes ng umaga. Ayon sa SAICT, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng rush hour nang pumasok ang suspek sa busway dahilan para ito parahin. Dito na nagpakilala ang suspek na pulis siya, dahilan upang humingi ng tulong sa CIDG ang SAICT para kumpirmahin na lehitimong miyembro ito ng Pambansang Pulisya. Nadiskubre na sampung taon nang nagtatago sa batas ang suspek dahil may nakabinbin…
Read MoreOverstaying Egyptian huli rin PUGANTENG KANO TIMBOG SA DRUG TRAFFICKING
ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national na wanted sa U.S. federal authorities dahil sa drug trafficking. Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Henry Watkins, kilala rin bilang si “Tutu,” 51-anyos na American national. Siya ay inaresto noong Marso 18 sa kanyang bahay sa Barangay Ubaliw, Polangui, Albay, ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU). Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng gobyerno ng Amerika na humingi ng tulong sa BI para mahanap at ma-deport si Watkins. Nakumpirma na…
Read More