Ipagpapatuloy lang kanilang mga adbokasiya DRILON: KIKO, BAM HINDI NAGBAGO DIREKSYON

IGINIIT ni dating Senate President at kilalang lider ng Liberal Party (LP) na si Franklin Drilon na hindi nagbago ng direksyon sina Senador Bam Aquino at Francis “Kiko” Pangilinan, at isinusulong lang ang adbokasiya na kanilang ipinangako noong kampanya sa pagka-senador noong 2025. “They didn’t switch directions. Bam campaigned on the platform of education. Kiko campaigned on the platform of food security. That’s precisely what they are pursuing by getting into the majority bloc to head the committees on which they stood as an issue when they were campaigning,” wika…

Read More

PAMAMAHAGI NG EMI CARD AT E WALLET INILUNSAD SA PASAY

INILUNSAD ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang 1st batch ng pamamahagi ng Electronic Mamamayan Identification Card o Emi card sa mahigit 1,700 na mga scholarship na mag-aaral sa kolehiyo ng lungsod. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pumila ang mga mag aaral para sa kanilang scholarship kada semester na nagkakahalaga ng P4,000 dahil gagawin nang cash-less ang pamimigay ng educational allowances sa mga estudyante. Bukod sa EMI Card, mamimigay din si Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ng libreng Electronic Wallet…

Read More

LALAKI SUGATAN SA RATRAT NG RIDER

CAVITE – Sugatan ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng motorcycle rider sa harapan ng kanyang shop sa bayan ng Naic sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si alyas “Xin”, 28, ng Brgy. Halang, Naic, Cavite dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Inilarawan naman ang suspek na nakasuot ng long sleeve shirt at pulang helmet at nakamotorsiklo. Ayon sa ulat, dakong ala-1:20 kahapon ng madaling araw nang marinig ng biktima na may tumigil na motorsiklo sa harapan ng kanyang shop sa…

Read More

4 KARNAPER NABITAG SA STO. TOMAS, BATANGAS

BATANGAS – Apat na indibidwal na sinasabing mga suspek sa talamak na mga kaso ng carnapping, ang naaresto ang mga awtoridad sa agarang pagresponde ng mga tauhan ng Sto. Tomas Municipal Police. Kinilala ang mga suspek na sina alias “Cris”, 42; “Denmark”, 52; “Isidro”, 48, at “Jovy”, 38, pawang mga residente ng Calamba City, Laguna. Nabawi mula sa mga suspek ang ninakaw na sasakyan matapos makorner ang mga ito ng mga pulis sa Rodriguez Subdivision, Barangay Lawa, Calamba City, Laguna. Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, tinangay ng…

Read More

TENSYON SA SP SESSION

MAINIT agad ang pagbubukas ng unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nang tila ipakita ni Vice Governor Dodo Mandanas ang kanyang “iron fist” leadership. Sa halip na payagan ang agarang pagtalakay ng bagong Internal Rules of Procedure (IRP) na inihain ni 6th District Board Member Bibong Mendoza, ipinagpilitan ni Mandanas na ipadaan muna ito sa Committee on Ethics, Accountability and Good Government. Hindi ito pinalampas nina 5th District BM Dr. Jun Berberabe at iba pang bokal na galit na naggiit: “Hindi pwedeng basta-basta i-deny ng presiding officer ang motion. Hindi ito…

Read More

INAUGURAL SESSION SA IKA-20 SANGGUNIAN NG BATANGAS, AGAD NAGKAINITAN

TUMAGAL nang mahigit limang oras ang mainitang sagutan sa unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Nagharap dito si Bise Gobernador Dodo Mandanas at ang mga kaalyadong board member ni Governor-elect Vilma Santos Recto. Bagama’t tinalo ni Mandanas si Lucky Manzano sa laban para sa pagka-bise gobernador, nakuha naman ng kampo ni Gobernador Vi ang nakararaming puwesto ng mga board member sa Sangguniang Panlalawigan. Ramdam agad ang tensyon mula pa lang sa simula ng sesyon, lalo na nang pag-usapan ang Internal Rules and Procedures (IRP). Ilang beses na tinanggihan ni…

Read More

P30-M UNREGISTERED VAPE PRODUCTS NASAMSAM SA LAGUNA

LAGUNA – Tinatayang P30 milyong halaga ng hindi rehistradong vape products ang nasamsam ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force (NBI-STF) sa Biñan City, Laguna. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Kert Lester Simbajon, Javer Dirampatun, at Romeo Cada dahil sa paglabag sa Section 4(d) at 18 ng Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), at Section 8 ng R.A. No. 11900 in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).…

Read More

PUMALAG NA KARNAPER SUGATAN SA PARAK

SUGATAN ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga pulis matapos tangayin ang motorsiklo ng isang estudyante noong Lunes ng gabi sa Caloocan City. Ayon sa ulat ni Caloocan Police OIC chief, P/Col. Joey Goforth, tinangay ng dalawang lalaki ang isang Yamaha NMAX motorcycle ng 34-anyos na babaeng residente ng Malabon City, habang nakaparada sa A. Mabini St., Brgy. 13, Caloocan City. Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 3 na agad nagsagawa ng follow-up operation hanggang maispatan nila ang mga suspek sa Baltazar St.,…

Read More

Sa pamamayagpag ng e-gambling KASO NG MISSING SABUNGEROS MAUULIT

HANGGA’T hindi ipinagbabawal ang lahat ng uri ng online gambling, mauulit ang kaso ng mga sabungero na dinukot at pinatay dahil sa kasakiman ng mga nasa likod ng mga nasabing sugal. Ito ang babala ni CIBAC party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva matapos muling ihain ang kanyang House Bill (HB) 637 o “Anti-Online Gambling Act of 2025” na hindi naisabatas noong nakaraang Kongreso. “The deaths and disappearances of the ‘sabungeros’ are only the tip of the iceberg and is doomed to be a recurring symptom of a deeper social ill caused…

Read More