KALAHATI sa mga nagsusugal at natatalo sa mga online gambling ay ordinaryong Pilipinas na hindi sapat ang sinasahod para magkaroon ng disenteng pamumuhay ang kanilang pamilya. Ito ang isiniwalat ni 1Tahanan party-list Rep. Nathaniel Oducado na isa sa mga nagpatawag ng imbestigasyon sa malaganap na online gambling na nais ng karamihan na tuluyan nang ipagbawal. “Over 50% of surveyed online gamblers come from lower-income households earning between P9,000 and P18,200 per month,” pahayag ni Oducado. Bukod sa mga nabanggit, marami ring walang trabaho, magulang at mga estudyante ang nagugumon sa…
Read MoreCategory: BALITA
MGA PULIS NA SANGKOT SA MISSING SABUNGEROS PWEDENG STATE WITNESS
WELCOME sa Philippine National Police (PNP) na gawing state witness ang mga pulis na isinangkot ng whistleblower na si alyas Totoy sa pagkawala ng mga sabungero. Nasa 15 miyembro ng PNP mula sa iba’t ibang unit ang isinailalim sa restrictive custody, na ang pinakamataas na ranggo ay Police Colonel. Ayon kay PNP Chief, PGen. Nicolas Torre III, bagaman malaki ang maitutulong nito sa itinatakbo ng kanilang imbestigasyon, pwede pa rin resolbahin ang kaso sa ibang paraan. Matatandaan na inihayag ng National Police Commission (NAPOLCOM) na may mga lumalapit na sa…
Read MoreSUPORTA SA LGUs ‘DI IBABASE SA POLITICAL COLORS – PBBM
MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang suporta ng national government para sa lahat ng local government units (LGUs) maging anoman ang political affiliation ng mga ito. Sinabi ng Malakanyang na ang ‘public service’ ay dapat na mas angat sa partisanship. “Walang kulay ng pulitika ang paglilingkod sa bayan,” ang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang. Ang dayalogo, idinaos sa Pasay City, ay dinaluhan ng mga lider ng LGUs mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ani Castro, binigyang…
Read MorePara sa pagkakaisa FRASCO ITINUTULAK BILANG SPEAKER
HABANG papalapit ang halalan ng bagong Speaker ng 20th Congress, lumalakas ang panawagan mula sa mga mambabatas na si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco na ang mamuno sa mababang kapulungan—isang lider na may paninindigan, kakayahan, at may tunay na malasakit sa bayan. Lumilitaw na ang Kongreso na dating tinaguriang “House of the People” ay isa na ngayong “House that divides the nation and its people”. Sa halip na pagkakaisa, nagtutulak ng bangayan, inuuna ang pansariling interes at kapangyarihan. Si Frasco, nasa kanyang huling termino na bilang kinatawan, ay may…
Read MoreMDPPA Leading a Safer Journey for Every Rider – Over 1,000 Filipinos making an impact for a safer road in 1st half of 2025
The Motorcycle Development Program Participants Association, Inc. (MDPPA) continues to make great strides in its mission to promote shared safety on Philippine roads, successfully conducting a series of Road Safety Seminars reaching a total of 1,088 participants from various sectors including students, traffic enforcers, city employees, and motorcycle riders, just in the first half of 2025 alone. MDPPA kicked off the year with two major engagements at the University of Makati. On February 13, 65 students from the College of Business and Financial Science and the Institute of Imaging Health…
Read MorePULIS NAGBARIL SA ULO SA ROOFTOP NG PRESINTO
ILOILO – Patay na nang matagpuan ang isang pulis na may tama ng punglo sa ulo sa loob ng kanilang police station noong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Barotac Nuevo sa lalawigan. Nadiskubre ang bangkay ng 36-anyos na police staff sergeant ng isa niyang kasamahang pulis na umakyat sa rooftop para kunin ang kanyang ball cap, ani Police Major Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office. Nakitang nakahandusay sa papag, duguan at wala nang buhay ang biktima na may tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo. Katabi…
Read MoreMILITAR NAMAGITAN SA GIRIAN NG 2 GRUPO, 3 ARESTADO
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Muling pinatunayan ng militar ang kanilang kahandaan sa pagpigil sa karahasan matapos namagitan at pinahupa ang tensyon sa pagitan ng dalawang naglalabang grupo sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Germen T. Legada, Battalion Commander ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion, agad nagresponde ang tropa ng militar noong Martes ng gabi matapos matanggap ang ulat hinggil sa girian ng dalawang grupo sa Barangay Panadtaran, dahilan upang maagapan ang posibleng madugong sagupaan. Subalit pinaputukan ng mga armadong indibidwal ang…
Read More1 PATAY, 5 SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 TRUCK
QUEZON – Isa ang patay habang lima pa ng nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang truck at nadamay ang isang motorsiklo sa aksidenteng nangyari bandang alas-10:20 ng gabi noong Martes sa Quirino Highway, Barangay Sta. Cecilia, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigan. Ayon sa imbestigasyon ng Tagkawayan Police, binabaybay ng motorsiklo na sinasakyan ng isang lalaki at isang babae na mga residente ng Brgy. Mapulot, Tagkawayan Quezon, ang kalsada patungong Bicol direction nang sinubukang mag-overtake ng isang boom truck na minamaneho ng isang nagngangalang “Jayson”. Subalit biglang nagkaroon umano ito ng…
Read MoreIMPEACHMENT CASE BASE SA EBIDENSYA -SOLON
MAY hawak na matibay na ebidensya ang Prosecution team ng Kamara sa pitong (7) Articles of Impeachment laban Vice President Sara Duterte kaya hindi ito maituturing na political persecution. Sagot ito ng isa sa 11 prosecutor na si Batangas Rep.Beatrix “Jinky” Luistro sa pahayag ni Duterte na alam umano ng mga Pilipino na political persecution lang ang ginagawa ng gobyerno sa kanya at sa kanyang pamilya. “Kung walang ebidensya, that is political prosecution. Pero kung may ebidensya, that is a legitimate prosecution. As far as we are concerned, we have…
Read More