🔴 BREAKING NEWS: DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE NASA CUSTODY NG PNP SA VILLAMOR AIR BASE SA PASAY

📍 Camp Crame, Quezon City 📅 Marso 11, 2025 Matapos ang kanyang pag-aresto sa Ninoy Aquino International Airport kaninang umaga, dinala na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamor Air base sa Pasay City. Ang pag-aresto ay isinagawa batay sa warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga alegasyon ng krimen laban sa sangkatauhan dahil sa kanyang kampanya kontra-droga. Ayon sa mga ulat, si Duterte ay nasa mabuting kalusugan at nasa kustodiya ng mga awtoridad sa Camp Crame. Ang kanyang pag-aresto ay bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon…

Read More

CONG. FIDEL NOGRALES AAGAPAY SA PAGBANGON NG KASIGLAHAN VENDORS

PERSONAL na inalam ni Congressman Fidel Nograles ang kalagayan ng mga miyembro at opisyales ng Kasiglahan Market Vendors Association, Incorporated (KMVAI) matapos masunog ang kanilang palengke noong Marso 3, ngayong taon. Sinalubong ang mambabatas nina Kasiglahan Market Vendors Association, Inc. President Cristina Pacheco, Treasurer Elvira Flores at iba pang miyembro ng samahan. Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Nograles kina Pacheco at Flores na magbibigay siya ng materyales para agad maitayo ang palengke at magkaroon silang muli ng pagkakakitaan. Nauna nang nagbigay ng ayuda si Nograles sa mga naapektuhan ng sunog.…

Read More

PHILHEALTH FUND DAPAT MAUBOS SA KALUSUGAN – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINIGYANG-DIIN ni senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez sa isang panayam kamakailan na hindi maaaring gamitin sa mga proyekto o programa na walang kaugnayan sa healthcare ang pondo ng PhilHealth. Aniya, dapat maubos ang pondo ng ahensya ngunit para lang sa sektor ng kalusugan dahil ito ang nakasaad sa batas. Reaksyon ito ng dating executive secretary sa pagkuha sa bilyong pondo ng PhilHealth pabalik sa national treasury. Kung titingnan aniya, ‘malversation of public funds’ o pagwawaldas na sa pampublikong pondo na maituring ang paglilipat ng pondo nito.…

Read More

Nakatago sa ayuda – VP Sara VOTE BUYING LEHITIMO SA MARCOS ADMIN

(CHRISTIAN DALE) PINASARINGAN ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos Jr. sa pagsasabing lehitimo na ang vote buying sa kasalukuyan dahil itinatago ito sa ayuda. Sa pagsasalita ni VP Sara sa harap ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong, nanawagan din siya sa mga Pilipino na iboto ang mga kandidato base sa kanilang kakayahan na maglingkod kaysa sa kanilang apelyido. Sa panahon aniya kasi ng eleksyon ay naglipana ang vote-buying. Dapat aniyang mag-ingat sa vote-buying sa anyo ng government financial assistance o ayuda. “Wag natin ibenta ang boto…

Read More

IMPEACHMENT VS. SARA MAAANTALA KAPAG TOTOO ICC WARRANT

POSIBLENG maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung kasama ito sa ipinapaaresto ng International Criminal Court (ICC) lalo na kung mahuli. “Medyo maantala ang impeachment trial,” pag-amin ng isa sa mga 12 House prosecution panel na si Manila District III representative Joel Chua matapos umugong na naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinaliwanag ng mambabatas na may mga article of impeachment ang kailangan umano ang presensya ni VP Duterte sa Impeachment Court kaya kung kasama ito sa inisyuhan ng…

Read More

MAS KAILANGAN NG MAHABANG OPERASYON NG LRT, MRT, EDSA BUS CAROUSEL – SOLON

LALONG kailangang pahabain ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at maging ang Edsa Bus Carousel dahil sa isasagawang rehabilitasyon sa Epifanio delos Santos Avenue o Edsa. Ito ang ipinanawagan ni Akbayan party-list representative Percival ‘Perci’ Cendaña sa Department of Transportation (DoTr) dahil kung hindi ay lalong mahihirapan ang mga commuters dahil inaasahan na mas titindi ang problema sa trapiko sa Edsa. “Mas lalong mahalaga ngayon na i-extend ang operating hours ng MRT, LRT, at ngayon, maging ang EDSA Bus Carousel, dahil tiyak na magdudulot ng…

Read More

LOCAL ABSENTEE VOTING REGISTRATION PINALAWIG

PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) ang registration period para sa local absentee voting (LAV) mula Marso 7 hanggang Marso 17, 2025. Sa isang resolusyon na inilabas noong Lunes, inilipat din ng poll body ang deadline para sa pag-verify ng mga nagparehistro ng LAV mula Abril 8 hanggang Abril 11. Itinakda sa Abril 27, 2025 ang pagpapadala ng listahan ng mga kwalipikadong local absentee voters, local absentee ballots, at ang iba pang election forms. Kabilang sa absentee voters sa Pilipinas ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP),…

Read More

PAGTAAS NG CRIME RATE SA MAYNILA, ITINANGGI NG NCRPO-MPD, LGU

MARIING itinanggi ng Manila Police District at maging ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang lumabas na isyu na tumataas ang krimen sa lungsod. Ibinase ito sa datos ng Manila Police District (MPD) na mababa ang insidente ng krimen kung ikukumpara sa populasyon na nasa dalawang milyon. Sa datos ng MPD, nasa 78 ang reported crime incidents sa buong buwan ng Pebrero 2025 na naitala sa 14 na istasyon ng pulisya. Mas mababa ito sa 101 na kaso noong Pebrero 2024, sa 78 na insidente bunsod ng sunod-sunod na checkpoints…

Read More

2 SOKOR FUGITIVES SA CEBU, PARANAQUE TIMBOG

INIULAT ng Bureau of Immigration ang pag-aresto sa dalawa pang puganteng South Korean na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Seoul at Interpol dahil sa pagnanakaw at ilegal na pagsusugal. Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang dalawang dayuhan ay naaresto noong Marso 3 sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga operatiba mula sa Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa mga lungsod ng Cebu at Parañaque. Sinabi ni Viado, ang parehong Koreano, na napapailalim sa red notice mula sa Interpol, ay inaresto sa kahilingan ng…

Read More