DQ SA HINDI MAGSUSUMITE NG SOCE – COMELEC

MARAMI pa rin sa mga tumakbong kandidato noong May 12 elections, ang hindi nagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE sa kabila na dalawang araw na lamang bago ang itinakdang deadline nito. Umaasa naman ang Commission on Elections (Comelec) na bubuhos ang mga maghahain ng kani-kanilang SOCE sa huling mga araw. Sa opisyal na listahan na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa walo pa lamang na mga senador ang nakapagsumite ng SOCE, 16 party-list groups at apat na political party. Nasa 948 naman na lokal…

Read More

PAGTAAS NG UNEMPLOYMENT RATE IKINABABAHALA

NAKABABAHALA para kay Senador Sherwin Gatchalian ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa na umabot sa 4.1% nitong Abril, sa kabila ng patuloy na pag-angat ng ekonomiya. Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay nagpapakita ng lumalalang hamon sa pagkakaroon ng disenteng at matatag na hanapbuhay. “Ang mas mataas na 4.1% na unemployment rate ngayong Abril ay repleksyon ng lumalalim na hirap ng mga Pilipino sa paghahanap ng maayos at matatag na trabaho, sa kabila ng sinasabing paglago ng ating ekonomiya,” pahayag ni Gatchalian.…

Read More

ARTISTAHING MAYOR AYAW PAUPUIN NI CONG.

MAY nasagap kaming chika na isang kongresista ang tinatakot o bina-blackmail daw ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) para hindi makaupo ang bagong halal na artistahing mayor sa isang bayan sa South Luzon. Ayon sa isang impormante, may sinusuportahang mayor si Cong. pero kahit natalo ay gusto pa rin niya na ito ang maupo sa puwesto. Sabi raw ni Cong., gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang proclamation ng guwapo at newly elected mayor. Ayon pa sa sitsit, nagbanta si Cong. na haharangin ang appointment ng dalawang…

Read More

IMPEACHMENT CALENDAR SA SENADO INILATAG

NAGLATAG si Senate Majority Leader Francis Tolentino ng posibleng impeachment calendar upang matapos ang pagdinig sa mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte bago matapos ang 19th Congress. Ito ay sa gitna ng paninindigan ni Tolentino na kapag hindi natapos ang pagdinig sa impeachment complaint hanggang June 30 ay maituturing na itong functionally dismissed. Sa rekomendasyon ni Tolentino, magko-convene ang Senado bilang impeachment court sa June 11 at bibigyan ng summon si VP Sara kung saan nakasaad na mayroon siyang 10 araw o hanggang June 21 upang sagutin ang…

Read More

SOLONS: MAGKAISA SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

UMAPELA sa publiko ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na makiisa sa mga aktibidad sa mga susunod na araw para igiit sa mga senador na ituloy ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte. Ginawa nina ACT Teacher party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang panawagan kasunod ng draft resolution ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na layong i-dismiss ang impeachment case ni Duterte nang walang paglilitis. “The time for accountability has come. We cannot allow public officials to waste…

Read More

38K pulis magbabantay ngayong pasukan NASA 27M MAG-AARAL MAGBABALIK-ESKWELA

INAASAHAN ng Department of Education (DepEd) ang nasa 27 milyon mag-aaral mula preschool hanggang senior high school para sa School Year 2025 – 2026. Kaugnay nito, nasa 38 libong pulis ang itatalaga ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng inilalatag na paghahanda sa pagbabalik-eskwela sa Hunyo 16, 2025. Ayon kay Police Regional Office 3 Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, mas paiigtingin ng Pambansang Pulisya ang pagbabantay sa pagdagsa ng milyong mag-aaral sa mga eskuwelahan gayundin ng mga magulang na aalalay sa kanilang mga anak sa araw ng…

Read More

NEGROS POWER NAGHATID NG PAGBABAGO SA ELECTRIC SERVICE

SA loob lamang ng siyam na buwan mula nang i-takeover ang electric service sa Central Negros, malawakang pagbabago sa imprastraktura at kalidad na serbisyo ang agad na naipatupad ng Negros Electric and Power Corporation (Negros Power). Sa Report and Dialogue sa business and consumer leaders, inilatag ni Negros Power President at CEO Roel Castro ang comprehensive report na nagdedetalye ng mga nagawa nang proyekto mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong August 2024. “From day one, our goal has been to modernize the system, restore public confidence, and extend reliable,…

Read More

₱4B HALAGA NG FLOATING SHABU, ISINUKO NG MGA BAYANING MANGINGISDA

HAWAK na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa ₱4B halaga ng ‘floating’ shabu na nabingwit ng mga mangingisda na nagpapalutang-lutang sa karagatang sakop ng Pangasinan. Ayon kay PDEA director general Undersecretary Isagani Nerez, ang mga nadiskubreng palutang-lutang na shabu ay nakapaloob sa 588 piraso ng vacuum-sealed na mga transparent plastic pack, na tinatayang aabot sa 587.8 kilograms na nakasilid sa mga sako ng natagpuan ng 29 na mangingisda habang namamalakaya. Na-recover ng tauhan ng PDEA at mga katuwang na mga law enforcement agency, kasama ang Philippine Coast…

Read More

AIRBASE AT NAVAL STATION ITATAYO SA PALAWAN

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of National Defense (DND) ang paglalagay ng military installation sa Palawan upang higit na matutukan sovereign at maritime security bansa. Ayon kay defense secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr., planong pamahalaan na magtayo ng airbase at naval station sa bayan ng Balabac sa nabanggit na lalawigan. Kabilang sa konstruksyon ay ang joint-use runway para sa Philippine Air Force (PAF) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). “Mag-iinspeksiyon tayo, dahil ang runway ay ang CAAP. Titingin tayo ng lugar kung saan talaga pwede na maglagay ng airbase…

Read More