KONTRA SA SPEAKERSHIP NI ROMUALDEZ SIBAK SA PARTIDO

SINIBAK sa kanyang kinaaanibang partido ang isang miyembro ng National Unity Party (NUP) matapos umanong ayawan si Leyte Rep. Martin Romualdez na maging Speaker ng Kamara sa 20th Congress. Noong Sabado ay inanunsyo ni NUP President at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagsibak kay Deputy Speaker at Cebu Rep. Vincent Franco ‘Duke” Frasco sa kanilang partido dahil sumuway umano ito sa kagustuhan ng partido na si Romualdez ang susuportahang Speaker sa susunod na Kongreso. “The party leadership has decided to expel Duke (Frasco) from the NUP because his unilateral…

Read More

Imbestigasyon kasado na LTO DISTRICT OFFICES BUKING SA ‘TECHNICAL CARNAPPING’

PINAIIMBESTIGAHAN ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang 40 district offices ng ahensya kasunod ng intelligence reports kaugnay ng ilegal umanong paglilipat ng pagmamay-ari ng mga sasakyang de-motor na inilarawan ng Pambansang Pulisya bilang technical carnapping. Sinabi ni Mendoza na maglalabas siya ng abiso para ipaliwanag sa lahat ng mga pinuno ng district offices ang kumpirmadong intelligence reports ng ilegal na paglilipat ng pagmamay-ari ng mga sasakyang de-motor. Nalaman ni Mendoza sa gitna ng patuloy na koordinasyon ng LTO sa Philippine National Police (PNP) para ipatupad…

Read More

SIBAKAN SA GOBYERNO NAKAUMANG NA

NAGBABADYA na ang malawakang sibakan sa gobyerno matapos ratipikahan sa Kongreso ang Bicameral Conference committee report ukol sa “Government Optimization Act” na dating kilala bilang “The National Government Rightsizing Act”. Pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kulang at ipatutupad na ang pagbabawas sa mga tauhan ng gobyerno kung saan 187 ahensya ang inaasahang maaapektuhan. Sa ilalim ng nasabing panukala, tatanggalin ang mga inokupahang puwesto ng mga empleyado na may kahalintulad na tungkulin kung saan, unang sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na nanganganib ang mga…

Read More

BLUE ALERT STATUS ITINAAS SA PANANALASA NG LPA

NAKATAAS sa ‘blue alert status’ ang Disaster Response Command Center (DRCC) bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) sa Visayas. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), naka-monitor ito sa development ng LPA na namataan sa silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Visayas. Alinsunod nito, sinabi ng DSWD na naka-preposition na ang tatlong milyong kahon ng family food packs (FFPs), na may mahigit na 360,000 non-food items, sa iba’ibang ‘hubs, spokes, at ang huling milya sa iba’t ibang panig ng bansa, alinsunod sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian.…

Read More

PAGPALAG NG DND SA CHINA SUPORTADO NG GRUPO NI GOITIA

SUPORTADO ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia kasama ang tatlong grupo ng makabayang Pilipino ang pagpalag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa mga tanong na ibinato ng dalawang mataas na opisyal ng militar ng Tsina na maituturing na isang paraan ng pambu-bully sa taunang security forum na ginanap sa Shangri-La hotel sa Singapore. Ang deklarasyon ng pagsuporta ni Goitia kasama ang kanyang libong miyembro na kumakatawan sa mga grupo ng Alyansa ng Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement at People’s…

Read More

REPRESENTATIVE-ELECT BRIAN POE, NANUMPA SA BAYAN NI FPJ DA KING

Pinangasiwaan ni Palaming Barangay Chairman Kevin George Calugay ng San Carlos City ang panunumpa ni FPJ Panday Bayanihan Representative Brian Poe Llamanzares. SAN CARLOS CITY, Pangasinan – sa isang makabuluhang seremonya na ginanap sa minamahal na bayan ng yumaong haligi ng pelikulang Pilipino, si Fernando Poe Jr. (FPJ), nanumpa sa tungkulin si Brian Poe, ang bagong halal na kinatawan ng FPJ Panday Bayanihan Partylist noong Huwebes, Hunyo 5, 2025. Ang mahalagang okasyong ito ay simbolo ng panibagong yugto sa paglilingkod-bayan, bilang pagpupugay sa hindi matitinag na pamana ng minahal na…

Read More

P800K DROGA NASAMSAM SA BATANGAS CITY

BATANGAS CITY- Nasamsam ang tinatayang P836,400 halaga ng hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lungsod noong Huwebes. Isinagawa ng mga tauhan Batangas City Drug Enforcement Unit at PDEA ang paghuli kay alyas “Ricardo”, isang high value individual, dakong alas-9:24 ng gabi sa Brgy. Tinga Labak. Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 123 gramo ng hinihinalang ilegal na sangkap, kasama ang boodle money at iba pang ebidensya. Nakaditine na ang suspek sa Batangas City Police station custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165…

Read More

ECSTACY NASABAT SA PAMPANGA

NASABAT ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force ng National Bureau of Investigation (NBI) ang parcel mula sa Europe na may lamang hinihinalang ecstasy sa isinagawang operasyon sa UPS Warehouse sa Clark Freeport Zone, Pampanga. Ang kahina-hinalang kahon ay idineklarang “animal food” ngunit natuklasang naglalaman ng apat na vacuum-sealed na pakete ng ilegal na droga. Ang padala ay mula sa France at nakapangalan sa isang Jerico Gregorio Causon ng Taguig City. Patuloy pa ang imbentaryo at dokumentasyon ng mga awtoridad sa insidente. (RENE CRISOSTOMO) 273

Read More

17-ANYOS TINUBO NG KAAWAY KRITIKAL

CAVITE – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos na binatilyo nang tubuhin ng kanyang kaaway nang magpang-abot ang mga ito sa Gen. Trias City nitong Biyernes ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Miguel, residente ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite dahil sa sugat sa ulo. Arestado naman ang supek na si alyas “Lance”, 19, ng nasabi ring barangay, nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. Ayon sa ulat, nagpanagpo ang biktima at suspek sa Brgy. Navarro, General Trias bandang alas-12:30 ng madaling araw. Walang…

Read More