MARBIL, NANAWAGAN NG SUPORTA SA KAHALILING SI TORRE

NANAWAGAN si outgoing PNP chief General Rommel Francisco Marbil, ng supporta kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Police Major General Nicolas D. Torre III, bilang susunod na Hepe ng Philippine National Police (PNP). Si Police General Rommel Francisco D. Marbil ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Hunyo 7, 2025. Gaganapin ang Change of Command Ceremony at Retirement Honors para kay PGen. Marbil sa Hunyo 2, 2025. Si PMGen Torre, ay opisyal mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” Class of 1993, at kasalukuyang nagsisilbing Director ng Criminal Investigation…

Read More

Biazon, ‘di natinag sa kaso; MGA SERBISYO SA MUNTINLUPA UMARANGKADA

SA kabila ng promulgasyong inilabas kamakailan, nananatiling matatag at nakatutok si Mayor Ruffy Biazon sa kanyang mandato bilang Ama ng Lungsod ng Muntinlupa. Tiniyak ng kampo ng alkalde na mananatili siya sa puwesto at ipagpapatuloy ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga Muntinlupeño. “Hindi ito ang katapusan—bagkus, ito ang panimula ng mas pinalalim at mas pinalawak na serbisyo para sa mga tao,” pahayag ng isang opisyal mula sa kanyang team. Naniniwala rin ang kampo ni Mayor Ruffy na maipapanalo ang natitirang kaso, lalo’t dalawang beses na siyang napawalang-sala…

Read More

DALAGA SUMABIT SA KAWAYAN SA ILALIM NG ILOG, NALUNOD

QUEZON – Nalunod ang isang babae habang naliligo sa ilog nang sumabit ang katawan nito sa kawayan sa ilalim ng tubig sa Sitio Pusod, Brgy. Casay, sa bayan ng San Francisco sa lalawigan. Kinilala ang biktimang sa pangalang “Rechelle”, 23, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar. Ayon sa salaysay ng ina sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon noong Martes, Mayo 27. Nabatid sa imbestigasyon, tumalon sa ilog ang biktima upang maligo ngunit hindi na ito lumutang. Agad itong hinanap at kalaunan ay nakita itong nakasabit sa…

Read More

MOTORCYCLE RIDER ITINUMBA NG TANDEM

BATANGAS – Patay ang isang lalaking rider matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Maraykit, sa bayan ng San Juan sa lalawigan noong Huwebes, Mayo 29. Ayon sa ulat ng San Juan Police, bandang alas-2:45 ng hapon nang sundan ang biktima ng mga suspek na sakay rin ng isang motorsiklo at pinagbabaril. Isinugod sa San Juan District Hospital ang 64-anyos na biktima na kinilala sa pangalang “Ferdie”, taga Brgy. Salao, Rosario, subalit idineklarang dead on arrival ng doktor dakong alas-3:30…

Read More

P1.8-M DROGA NASAMSAM SA HVI SA LUCENA CITY

LUCENA CITY – Nasamsam ang tinatayang P1.8 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa isang lalaking itinuturing na high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad noong Miyerkoles sa Brgy. Ilayang Iyam sa lungsod. Kinilala ang suspek na si alyas “Tortoise”, 35, residente ng Brgy. Mayao Crossing, Lucena City. Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng PDEU-Quezon, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Calabarzon, dakong alas-6:15 ng umaga, sa Pleasantville Subdivision. Nakumpiska mula sa suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng 90 gramo ng hinihinalang shabu na…

Read More

5 TRICYCLE INARARO NG PICK-UP, MAG-ASAWA SUGATAN

CAVITE – Sugatan ang isang mag-asawa habang limang nakaparadang tricycle ang nasira makaraang araruhin ng isang Toyota Hi-Lux pick-up sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Hawak na ng Naic Municipal Police Station ang suspek na si Rinaldo De Vera y Catipon, 62, may asawa, ng Ternate, Cavite, driver ng isang asul na Toyota Hi-Lux pick up na may plakang DAU 3154. Nilalapatan naman ng lunas sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mga biktimang sina Danilo De Ocampo, 51, at Normina De Ocampo, 52 kapwa residente ng…

Read More

KAAPELYIDO NG SENADOR, KONGRESISTA PASOK DIN SA CONFI FUNDS NG OVP

LALONG nakumbinsi ang Mababang Kapulungan na nilustay lamang ang mahigit kalahating bilyong pisong confidential funds ni Vice President Sara Duterte-Carpio dahil maging ang kaapelyido ng mga senador ay nabigyan ng tinaguriang ‘spy’ funds. Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V, habang naghahanda ang prosecution team sa impeachment trial ni VP Duterte, lalong humahaba ang listahan ng mga kahina-hinalang pangalan na inilista ng tanggapan ng pangalawang pangulo na nakatanggap umano ng confidential funds. “These irregularities are too glaring to ignore—these names from supposed Budol Gang call for a deeper…

Read More

Aalisin na bilang requirement BRGY. CERTIFICATE INABUSO SA VOTERS REGISTRATION

HINDI na kakailanganin ang barangay certification sa voters registration dahil bukod sa pinagkakakitaan lamang ng tiwaling mga opisyal at mga partido politikal, napatunayang weaponized ito para sa pansariling interes sa eleksyon. Ayon kay Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia sa ginanap na Manila City Hall Reporters (MACHRA) Balitaan sa Harbour View nitong Huwebes, hindi na kakailanganin ang barangay certificate as proof of residency bilang isa sa requirements para makapagparehistro. Sa nasabing MACHRA forum, sinabing weaponized na at garapal na nagagamit sa pamumulitika ng mga kandidato ang barangay certification. “Yung…

Read More

MARCOS HINDI PINAKIKINGGAN SA KAMARA

WALANG plano ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na tumigil sa pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng paulit-ulit na pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., laban dito. Sa halip, pinuri pa ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang hindi umano pakikialam ni Marcos sa impeachment trial ni Duterte na sisimulan ng Impeachment Court na ilatag sa susunod na linggo. “I’m glad to hear that the President, as the head of the Executive Department, will not interfere with the impeachment process,” ani Defensor na isa sa 11…

Read More