REP. ERWIN TULFO NAMAYAGPAG SA SURVEY

TILA hindi umubra ang kaliwa’t kanang pagbatikos kay leading senatorial candidate at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, matapos lumabas ang pinakahuling survey ng Oculum Research and Analytics sa fourth quarter ng 2024 na nagpapakita na siya pa rin ang malayong nangunguna laban sa mga katunggali sa darating na senatorial elections sa Mayo. Sa survey na isinagawa nitong Disyembre 16-22, 2024, lumalabas na pito sa bawat 10 Filipino ang boboto kay Erwin Tulfo matapos itong magtala ng 70.8% sa mga na-survey na Filipino adults na nagsabi na siya ang iboboto sa…

Read More

ATEACHER NOMINEE NAMAHAGI NG BIGAS, VITAMINS, AT PATABA SA MAHIHIRAP NA MAGSASAKA SA QUEZON

NAMAHAGI ang ATEACHER nominee at philanthropist na si Virginia Rodriguez ng mga bigas, veggie vitamins, mga libro at organikong pataba sa daan-daang magsasaka at kanilang pamilya sa Catanauan, Quezon, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na matulungan ang mahihirap na pamilyang Pinoy. Si Rodriguez ay siya ring nangungunang advocate ng anti-cancer agricultural products sa Pilipinas, sa pamamagitan ng paggamit ng organikong pataba na natuklasan ng mga Filipino scientists. Daan-daang magsasaka at indigent families sa Bgy. San Antonio Pala, Catanauan, Quezon ang nakatanggap ng saku-sakong bigas, pake-pakete ng anti-cancer veggie vitamins, organic…

Read More

KAMARA BUO SUPORTA SA MGA RESIDENTE NG PAG-ASA ISLAND – SPEAKER ROMUALDEZ

MULING pinagtibay ng Kamara de Representantes ang pangako nitong isusulong ang kapakanan ng mga residente ng Pag-asa Island sa Palawan. Sa mensahe ni Speaker Romualdez na binasa ng chairperson ng House Committee on Foreign Affairs na si Pangasinan Rep. Rachel Arenas sa kanyang pagbisita sa Pag-asa island, pinagtibay nito ang suporta ng Kongreso sa paglutas ng mga problema ng mga residente ng Pag-asa at mapabuti ang kalagayan ng kanilang buhay. Ang delegasyon na pinangunahan ni Arenas ay nagdala ng mga pagkain, at grocery items sa may 230 residente kasama ang…

Read More

PISTA NG STO. NINO SA PASAY MAKULAY

IPINAGDIWANG sa lungsod ng Pasay ang taunang Fiesta del Sto. Niño Grand Procession na pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na tumayong Hermana Mayor at dinaluhan ng mahigit 40,000 deboto. Nagmistulang bahag-hari ang mga kalsada dahil sa makukulay na palamuti ng mga karosa na sinabayan ng tunog ng tambol at pagsasayaw ng mga naka-costume na mananayaw. Ipinarada ang iba’t ibang imahe ng Sto. Niño mula sa tapat ng Pasay City Hall hanggang sa Philippine International Convention Center (PICC) sa open grounds ng Star City. (DANNY BACOLOD) 412

Read More

LTOP SUPORTADO TRANSPORT MODERNIZATION

SUPORTADO ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) ang Public Utility Vehicles Modernization Program ng pamahalaan na malaki anila ang maitutulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila. Ibinida rin ni LTOP chairman Orlando Marquez ang kanilang rehabilitated traditional jeepney sa Department of Transportation(DOTr) sa Evangelista, Pio del Pilar, lungsod ng Makati. Naniniwala ang grupo na posibleng maging mala-Singapore ang pagluluwag ng trapiko sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng modernization. “Kami po ay nakasuporta dito sa modernization na ito dahil nga po na gusto natin na mai-transfer naman iyong…

Read More

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES, KINONDENA PANANAMBANG SA MGA SUNDALO

MILITARY TAKEOVER

HINDI pinalagpas ng pamunuan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ang pananambang ng grupo ng lawless elements kamakailan sa Basilan na ikinamatay ng apat katao kabilang ang dalawang sundalo ng Philippine Army. Sa inilabas na pahayag ni Sammy Al Mansoor, BIAF-MILF chief of Staff, mariin nilang inihayag na kanilang kinokondena ang trahedya at walang kabuluhang karahasang nangyari noong Enero 22, 2025 sa Lower Cabengbeng, sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan na ikinamatay ng dalawang sundalo at ikinasugat ng pitong iba pa. Nakikiramay din ang BIAF sa pagkamatay ng dalawa nilang…

Read More

CONVENIENCE STORE HINOLDAP NG ARMADO NG BARIL, ITAK

CAVITE – Pinosasan ang dalawang empleyado ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at tinangay ang P11,500 cash ng isang convenience store sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-6:25 ng umaga nang pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store sa Magdiwang Road, Brgy. Molino 2, Bacoor City, na tiyempong walang customer, at agad nagdeklara ng holdap. Tinutukan ng isa sa mga suspek ng baril ang empleyado na si “Ela Mae” habang itak naman ang itinutok ng isa pang suspek sa empleyadong si “Angelica”, inutusan na…

Read More

HOSTAGE TAKER NG ANAK SA TAYTAY SUMUKO

SUMUKO sa mga awtoridad ang 26-anyos na driver at construction worker ini-hostage ang sariling anak noong Sabado ng gabi sa C6 Road, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana sa Taytay, Rizal. Ayon kay PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, kinilala ang suspek na si alyas “Vin,” tubong Guinayangan, Quezon, habang ang anak ay kinilalang si alyas “Athena,” isang taon gulang. Sinabi ni Maraggun na nagsimula ang hostage drama dakong alas-7 ng gabi at tumagal ng mahigit 2 oras na nagdulot ng matinding traffic na umabot hanggang C-6 sa Taguig…

Read More

HOUSE LEADERS NAWALA ANGAS SA ‘BICAM SCAM’

NAKABIBINGI ang katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa isyu ng blankong items sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget na tinawag ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na “BiScam o Bicam Scam. Unang hiningan ng reaksyon ng mga mamamahayag si dating House committee on appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co hinggil sa isiniwalat nina dating pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Rep. Isidro Ungab at Rodriguez subalit hindi ito sumasagot. Si Co ay tinanggal bilang chairman ng nasabing komite noong Enero…

Read More