PATOK sa mga kabataan at breadwinners ang Angkasangga Partylist, na kabilang sa Top 20 Partylist sa survey ng Centre for Student Initiatives (CSI) noong Disyembre. Mula sa pang-30 pwesto noong Oktubre, umakyat sa 20th spot ang Angkasangga, na pinangungunahan ng First Nominee nito na si Angkas CEO George Royeca. Ang survey ay ginawa mula Nov. 15 hanggang Dec. 6 na nilahukan ng 1,200 respondents na edad 18 hanggang 25 anyos. Kabilang sa adbokasiya ng Angkasangga Partylist ang pagsusulong ng kapakanan ng breadwinners at mga manggagawa sa impormal na sektor. Kabilang…
Read MoreCategory: BALITA
NASUNUGAN SA SAMPALOC TINULUNGAN
NAGHATID ng tulong sina Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist 1st nominee ABP President Jose Antonio Ejercito Goitia at ABP Vice President Leninsky Bacud sa mga nasunugan sa Barangay 458 Sulucan St., Sampaloc, Manila. Ilang bumbero rin ng nasabing partylist ang unang rumesponde sa sunog at may mga volunteer din silang nadamay o natupok ang bahay. (BONG SON) 395
Read More41 PA SABIT SA GRAND CONSPIRACIES: TASK FORCE 29 BINUO VS SUSPEK SA P6.7-B DRUG HAUL
(JESSE KABEL RUIZ) BUMUO ng Task Force 29 ang Philippine National Police kung saan target makuha ang lahat ng 29 pulis at kasuhan sa pagkakasangkot sa P6.7 billion drug haul sa Maynila noong Oktubre 2022. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinatag ng PNP ang Task Force (TF) 29 para sa paghuli sa 29 pulis na dawit sa sinasabing humigit kumulang sa isang toneladang shabu . “May task force na si Gen. (Rommel Francisco) Marbil para makuha lahat ng mga accused, lahat (ng) may warrant of arrest. Sabi niya within…
Read MorePBBM, ROMUALDEZ PINANGUNAHAN TURNOVER NG YOLANDA HOUSING
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Martin G. Romualdez ang ceremonial turnover ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) projects sa Leyte, isang patunay sa pagnanais ng gobyerno na muling maitayo ang mga komunidad na winasak ng super typhoon Yolanda, 11 taon na ang nakararaan. Kasama sa event na ginanap sa Burauen, Leyte ang turnover ng symbolic keys sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan mula sa walong munisipalidad sa Leyte, Samar, at Biliran kung nasaan ang mga housing project. Ang mga proyektong ito ay bahagi ng inisyatiba…
Read MoreLABANAN SA PAGKA-ALKALDE SA MAYNILA, GITGITAN – SURVEY
INILABAS ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Hong Kong-based Asia Research Center, ang pinakabagong resulta ng kanilang independent at non-commissioned survey ukol sa mayoral race sa Maynila. Habang papalapit ang 2025 elections, umiinit ang labanan sa pUlitika ng lungsod, na pinangungunahan ng tatlong pangunahing kandidato: dating Mayor Isko Moreno, kasalukuyang Mayor Honey Lacuna, at Congressman Sam Versoza. Ang resulta ng survey ay nagpapakita ng masiglang kompetisyon para sa pamumuno sa kabisera ng bansa. Nangunguna si dating Mayor Isko Moreno na may 46% voter preference, na nagpapakita ng…
Read MoreCHILD SUPPORT BILL LUSOT NA SA KOMITE – CONG. ERWIN TULFO
NAGPASALAMAT si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa committee on children welfare matapos lumusot ang isinusulong na batas sa naturang komite para patawan ng mas mabigat na parusang kulong ang mga magulang o tatay na ayaw sustentuhan ang kanilang mga anak. Nasa Committee on Appropriations na ang House Bill 8987 o ang “An Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof” para pag-aralan kung magkanong pondo ang kakailanganin para makapagtatag ng isang opisina sa DSWD na mangangasiwa sa implementasyon ng batas. “Kailangang-kailangan…
Read More1,200 BATANG MAY KAPANSANAN, NATULUNGAN SA MANDALUYONG
MAHIGIT 1,200 batang may kapansanan, kabilang na ang may autism at cerebral palsy ang natulungan ng Project TEACH (Therapy, Education, and Assimilation of Children with Handicap), isang programang inisyatibo ni dating Mandaluyong mayor at senatorial candidate Benhur Abalos, Jr., na kinilala ng United Nations Public Service Award (UNPSA) sa Medellin, Colombia. “Ang Project TEACH po ay nagbibigay ng libreng intervention, edukasyon at kasanayan sa mga batang may kapansanan mula sa mga pamilya sa lungsod na walang kakayahang pinansyal,” ani Abalos. Tinuturuan din ng mga eksperto ang mga magulang ng tamang…
Read MoreNaaresto sa Cavite private resort 29 ALIEN POGO WORKERS IDEDEPORT – BI
NAKATAKDANG i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 29 dayuhang POGO workers na naaresto sa Cavite matapos maaktuhang nag-ooperate ng illegal online gaming facility. Ginawa ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang anunsyo matapos maaresto ang mga dayuhan makaraang salakayin noong Miyerkoles ang private resort and events place sa Silang, Cavite. Sa nasabing operasyon, katuwang ng mga tauhan ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), ang Anti-Terrorist Group (ATG), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at Criminal Investigation and Detection group (CIDG). Sinabi ni Viado, inatasan na ang mga prosecutor mula sa…
Read MoreTOP MWP NASILO SA MAYNILA
INARESTO ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District, ang isang 54-anyos na jobless, sa bisa ng warrant of arrest, sa kasong acts of lasciviousness at child abuse, noong Miyerkoles ng umaga sa Carlos Palanca Sr. Street, Quiapo, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Damaso Burgos, hepe ng DIDMD, ang suspek na si Jose Madriaga, binata, residente ng Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD-WSS, bandang alas-11:28 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa naturang lugar. Ang suspek ay kabilang…
Read More