“PRESIDENT Marcos should not interfere with the impeachment process”. Ito ang pahayag ng isa sa mga endorser sa pangalawang impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte na si House deputy minority leader France Castro. Kamakalawa, muling pinanindigan ni Marcos na wala pa sa panahon ang pagpapa-impeach sa Pangalawang Pangulo na itinuturing ni Castro na pakikialam at pag-iimpluwensya sa mga mambabatas sa Kamara. “Congress has a constitutional duty to process this case immediately. The people deserve accountability and transparency,” ayon sa mambabatas. Sinabi naman ni dating congressman Antonio…
Read MoreCategory: BALITA
POSISYON NI US SECRETARY OF STATE RUBIO SA WPS IKINATUWA SA KAMARA
(BERNARD TAGUINOD) IKINATURA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posisyon ni United State (US) Secretary of State at dating US Senator Marco Rubio laban sa pambubully ng China sa Taiwan at Pilipinas sa West Philippine Sea. “Napakasarap malaman at marinig para sa ating mga Pilipino na ang incoming US Secretary of State ay malalim ang kaalaman sa mga karumal-dumal na ginagawa ng China sa WPS laban sa Pilipinas at Taiwan at handa nila tayong tulungan sakaling may hindi magandang mangyari dito,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Sa…
Read More2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA CAVITE, ARESTADO
CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang “persons-of-interest” na inginusong responsable sa pamamaril, at nahulihan ng baril sa isinagawang follow-up operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Sec 26 (q) ng Omnibus Election, ang mga suspek na sina alyas “Jessie, 62, at “Renante”, 37, kapwa ng Dasmariñas City. Ayon ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, nagsagawa ng follow-up operation ang Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Langkaan 1, ng nasabing lungsod, hinggil sa persons-of-interest sa nangyaring shooting incident sa…
Read MoreP400-M DROGA WINASAK NG PDEA SA LEYTE
PINANGUNAHAN ni Philippine Drug Enforcement Agency 7 (PDEA7) Regional Director, Dir. III Bryan B. Babang ang pagsira sa nasamsam na drug and non-drug evidence at expired medicines sa pamamagitan ng thermal facility ng Heaven’s Gateway Chapel, sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte. Winasak sa pamamagitan ng matinding init ang 58,930.0371 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na aabot sa P400,724,252.96; 0.1123 grams ng marijuana, at assorted expired medicines na may halagang P9,871.60. Ang isinagawang dangerous drug destruction na naaayon sa RA 9165, ay sinaksihan ng mga kinatawan…
Read MoreKorean na magbebenta sana ng mamahaling kotse KINIDNAP SA MAKATI, NAILIGTAS SA BATANGAS
NASAGIP ng mga awtoridad sa Batangas ang isang Korean national na dinukot ng armadong kalalakihan sa isang spa sa Makati City noon pang January 15. Kinilala ang biktima na si Taehwa Kim, 40-anyos, isang Bitcoin trader at residente ng Lincoln Tower, sa Makati City. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pagkidnap dito noong Enero 15 nang makipagkita si Kim sa isang alias “JC” para sa bentahan ng kanyang kotseng Lamborghini Urus. Matapos ang test drive, nagtungo sila sa LaSema Jim Spa sa Makati para umano makipag-usap sa abogado ng…
Read MoreKALINISAN, LIVELIHOOD PROGRAM ATBP., PRAYORIDAD NI GOV. DRA. HELEN TAN!
TARGET NI KA REX CAYANONG PINATUNAYAN muli ni Governor Doktora Helen Tan ang kanyang dedikasyon sa kapakanan ng bawat Quezonian sa matagumpay na pagsasagawa ng Batch 2 STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program nitong Miyerkoles, Enero 15, sa Brgy. Ilog, Infanta, Quezon. Sinasabing ang programang ito ay hindi lamang sumasalamin sa pagpapahalaga ng pamahalaang panlalawigan sa kalusugan at kaligtasan ng publiko, kundi pati na rin sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan. Sa pangunguna ni Governor Tan, katuwang si PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, naipamahagi ang mahahalagang…
Read MoreNO. 4 MWP NG EPD HULI SA QC
NADAKIP sa Quezon City ang 24-anyos na lalaking nasa listahan ng Eastern Police District (EPD) bilang no.4 most wanted person sa ilegal na droga, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng San Juan City Police Station. Kinilala ni PCol. Villamor Tullao, hepe ng EPD, ang suspek na si “Anthony”, dati nang nasangkot at lumabag umano sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002. Ayon pa sa ulat, mahigit isang taon nang pinaghahanap ang suspek dahil bigo itong magpakita at iharap ang sarili sa kinasangkutang kaso…
Read MoreDRUG COURIER NABINGWIT SA CHECKPOINT
NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Bambang Police Community Precinct (PCP), sakop ng Police Station 2, ang isang hinihinalang drug courier, sa inilatag na checkpoint sa Bambang St., Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Moises” 37-anyos, residente ng Tondo, Manila, nagmamaneho ng motorsiklo nang makumpiskahan ng 20 gramo ng umano’y shabu at isang baril. Ayon sa ulat nina Police Staff Sergeant Danielle Johnson at Patrolman Mark Christian Santos, habang nagpapatupad ng Comelec checkpoint ang pulisya bandang alas-10:50 ng gabi noong Sabado nang mamataan nila ang isang motorsiklong…
Read MoreARTISTS, INFLUENCERS NI ROBREDO TODO-SUPORTA KAY BAM AQUINO
NAGSAMA-SAMA ang iba’t ibang artista at influencers na tumulong sa kampanya ni dating Vice President Leni Robredo bilang pangulo noong 2022 para magpahayag ng buong suporta sa kampanya sa kandidatura ni dating senador Bam Aquino para sa Senado sa darating na halalan sa Mayo. Kabilang sa mga dumalo sina Jolina Magdangal, Mark Escueta and Bayang Barrios, Niccolo Cosme, Mitch Valdes, Arman Ferrer, Ayrin Villamor, Moy Ortiz, AC Soriano, at comedian Alex Calleja. Dumalo rin sina Pia Magalona, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica del Rosario, Pinky Amador, Kerwin King, Tita Jegs,…
Read More