UTOS NI PBBM SA NTF-ELCAC: HUWAG TANTANAN CPP-NPA

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na manatiling matatag sa pagtugon sa insurhensya kasabay ng pagkilala nito sa kontribusyon sa pagsusulong ng peace and development ng bansa. Sa kanyang mensahe sa 6th anniversary ng NTF-ELCAC sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, pinuri ni Marcos ang task force sa pagsisikap nitong supilin ang ugat ng insurhensya at pagpapasigla sa conflict-affected communities. “The path to lasting peace is fraught with myriad challenges. Emerging threats to national security demand both caution…

Read More

MAURICIO, BORLONGAN WAGI SA MEDIA 9-BALL CHAMPIONSHIP

Media 9-ball Champ – Nasungkit nina Erick Silverio at Maverick Marcelo (gitna) ang kampeonato habang 1st runner-up naman sina Oliver Mauricio at Gina Lopez (kaliwa), at 2nd runner-up sina Eloisa Silverio ng Saksi Ngayon at Sam Nielsen, DZBB (kanan) sa ginanap na Centro News 2nd Invitational Media 9-Ball Championship sa GoodShot Billiards and Cafe sa Borol 1st, Balagtas, Bulacan noong Disyembre 6, 2024. KAPWA nasungkit nina Orlan Mauricio ng Manila Standard at Jun Borlongan ng Abante ang titulo sa kategoryang Class A at Class B sa ginanap na 2nd Centro…

Read More

BATAS VS TROLL FARMS IKINASA

IKINASA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magpaparusa sa mga troll farms at maging ang mga politikong nakikinabang sa kanilang pagpapakalat ng maling impormasyon. Nakapaloob sa House Bill (HB) 11178, mas kilala sa “Anti-Troll Farm and Election Disinformation Act” na inihain ng mag-asawang sina Davao del Norte Rep. Cheeno Miguel D. Almario at PBA party-list Rep. Margarita Nograles-Almario na maaaring makulong ng hanggang 12 taon ang mga troll armies lalo na ang mga operator ng troll farms. “Troll farms are not just digital pranks—they are systematic tools designed to…

Read More

Paalala ng DOH ngayong Kapaskuhan HINAY-HINAY SA KATAKAWAN

HINAY-HINAY sa sobrang katakawan ngayong Kapaskuhan. Ito ang babala kahapon ng Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang labis-labis na pagkain ngayong holiday season. Partikular na pinaiiwasan ng ahensya ang mga pagkaing mataas ang sugar content, matataba at mamantika. Sinabi ng DOH, ang naturang mga pagkain ay labis na nakapagpapalala sa iba’t ibang karamdaman lalo na sa mga mayroon nang iniinom na maintenance drugs. Kailangan lamang daw kontrolin ang labis na pagkain lao pa ngayong kaliwa’t kanan ang handaan o Krismas party. Para maging masaya ang Pasko at…

Read More

PAYAPANG HALALAN PANAWAGAN NG GRUPONG AKO SOLUSYON

NANAWAGAN ang grupong “Ako Solusyon” sa kanilang isinagawang National Assembly sa Fort Bonifacio sa Taguig City ng mapayapang halalan para sa 2025 midterm elections. Ayon kay Daisy Encabo, isa sa regional leaders ng “AKO SOLUSYON”, ang grupo nila ay nagmula sa Mindanao Region na ngayon ay unti-unti nang lumalawak sa Visayas at Luzon region upang pagtulungan sa pamamagitan ng panawagan, pagkakaisa at aksyon ang mga kinahaharap na problema ng bansa. Ang naturang grupo ay binubuo ng 4,234,232 members na mula sa ibat ibang bahagi ng bansa. Ani Encabo, maraming kinakaharap…

Read More

VILLAR NAGPASALAMAT KAY PBBM SA PAGPIRMA SA RCEF LAW EXTENSION

Pinuri ni Senator Cynthia Villar si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpirma ng Republic Act No. 12079, isang makasaysayang batas na nag-aamyenda sa Rice Tariffication Law at nagpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng anim na taon. (Danny Bacolod) NAGPASALAMAT si Senator Cynthia Villar kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos nitong pirmahan ang Republic Act 12078, na nag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL), at naglalayong magbigay ng karagdagang proteksyon sa mga lokal na producer ng bigas at tugunan ang mga apela ng mga stakeholder sa industriya ng bigas. “Masayang-masaya…

Read More

BOC EMPLOYEES PINASISIBAK OPISYAL NA NANININGIL PARA SA TRAVEL AUTHORITY AT PROMOTION

ISANG liham ang ipinarating ng rank and file ng Bureau of Customs (BOC) kay Comm. Bienvenido Rubio hinggil sa paniningil umano ng isang opisyal ng aduana sa mga empleyado sa tuwing sila ay mag-aapply ng travel authority para makapagbiyahe. Ang travel authority ay kailangan ng mga kawani ng gobyerno kapag sila ay mag-aabroad para sa isang seminar, schooling o bakasyon. Hiling ng mga empleyado kay Comm. Rubio na sibakin ang isang opisyal ng Internal Administration Group (IAG) dahil sa paniningil ng bayad para sa simpleng travel authority issuance gayong libre…

Read More

P21.6-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT

TINATAYANG aabot sa P21.6 million ang halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes na nasabat sa inilunsad na joint law enforcement operation ng Bureau of Customs at Philippine National Police sa bayan ng Pio Duran sa lalawigan ng Albay. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, kahon-kahon ng mga undocumented na sigarilyo ang nasamsam ng kanilang mga tauhan katuwang ang iba pang mga law enforcement agencies, sakay ng isang motor banca dagat saklaw sa bayan ng Pio Duran. Bukod sa kontrabando ay dinakip din ng Aduana katuwang…

Read More

KASO NG PINASLANG NA BFAR OFFICIAL PINATUTUKAN NG PNP

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na tutukan ang kaso ng pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Davao del Norte. Nilikida ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima na kinilalang si Karen Candilosas, isang senior aquaculturist ng BFAR National Mariculture Center sa Panabo City ng nasabing lalawigan. Target naman ng manhunt operation ang hindi pa nakikilalang suspek na sinasabing bumaril sa biktima habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa Purok Marang sa Barangay Cagangohan, Panabo City kamakalawa ng umaga. Lumitaw sa inisyal…

Read More