PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG QUEZON NAKAMIT ANG 2024 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

MALUGOD na tinanggap nina Quezon Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala kahapon (Disyembre 10) sa Tent City, Manila Hotel ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon kay Governor Tan, ang nasabing pagkilala ay parte ng patuloy na paghahatid ng Good Governance na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda, kung kaya’t ang pagkakatanggap ng parangal ay isang pruweba ng tunay at epektibong serbisyo para sa lalawigan ng Quezon. “It’s a concerted effort of everyone, and it’s a…

Read More

VILLAR SUPORTADO MANDALUYONG

NAGPAHAYAG si Senator Cynthia A. Villar, chairperson ng committee on Environment and Natural Resources ng kanyang suporta sa pamahalaan ng Mandaluyong City. Humarap si Mayor Benjamin Abalos at mga kinauukulang ahensiya sa pagdinig ng Senado kung paano maaayos at mapauunlad ang Welfareville property na nagbigay garantiya sa mga 30,000 residenteng nakatira sa nasabing lupa, nagpahayag ng suporta ang senadora sa aksyon ng lungsod. (DANNY BACOLOD) 155

Read More

PAGGAMIT NG CIF HIHIGPITAN NA

HIHIGPITAN ang paggamit ng confidential at intelligence funds (CIF) ng lahat ng ahensya ng gobyerno kasama na ang Office of the President (OP) upang masiguro na nagagamit ito sa tamang paraan. Kahapon ay tinapos na nang tuluyan ng House committee on good government and public accountability ang kanilang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023. Dalawang panukalang batas ang nabuo ng komite sa resulta ng kanilang imbestigasyon na kinabibilangan ng “An Act Regulating…

Read More

Kapag umusad Sara impeachment PANUKALANG BATAS MATETENGGA SA SENADO

APEKTADO ang mga panukalang batas na kailangang tapusin ng Senado kapag natuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, maraming priority measures ang Kongreso na dapat tapusin bago matapos ang 19th Congress at kung sakaling umabot sa Senado ang impeachment case ay maraming panukalang batas ang madedelay ang pag-apruba. Tiyak aniyang maraming prayoridad na panukala ang magiging second priority na lamang at wala silang magagawa kundi tutukan ang impeachment sa ayaw man nila o gusto. Duda rin si Gatchalian kung may sapat pang…

Read More

PINOY WATAK-WATAK SA AKSYON NG KAMARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG isinisi ni SAGIP Party-List Rep. Rodante Marcoleta sa mga kapwa mambabatas ang pagkakahati-hati ngayon ng mga Pilipino. Inamin ng kongresista na hindi na siya masaya sa Kamara. Habang sinasabi aniya ng mga kongresista na magkaisa tungo sa pangangalaga sa bansa ay nais naman ng mga itong ipa-impeach si Vice President Sara Duterte. Binigyang diin niya na mas maraming problema ng bansa ang dapat atupagin ng Kongreso sa halip na impeachment na lumilikha ng pagkakawatak-watak ng mamamayan. Tila pinatutsadahan din nito ang Kamara na inaagawan ng…

Read More

405 SA 677 TUMANGGAP NG OVP CONFI FUNDS PEKE

(BERNARD TAGUINOD) MAHIGIT 400 sa halos 700 pangalan na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na tumanggap ng confidential funds ay hindi totoong mga tao. Ito ang kinumpirma ng Philippines Statistics Authority (PSA) sa House committee on good government and public accountability na nag-imbestiga sa confidential funds ng OVP at Department of Education na dating pinamunuan ni Vice President Sara Duterte. Kahapon ay muling nagpulong ang nasabing komite para isara ang imbestigasyon sa confidential funds ng OVP at DepEd kung saan isiniwalat ng…

Read More

LGU OFFICIALS SA DAVAO INIUUGNAY SA POGO

PINASISILIP ng isang mambabatas sa Quad committee ang posibleng pagkakasangkot ng mga local government official sa Davao del Norte sa operasyon ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa nasabing lalawigan. Itinulak ito ni Davao del Norte Rep. Alan Dujali matapos salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) Region XI ang POGO hub sa Barangay Manay, Panabo City, noong December 6, kung saan 59 POGO workers ang naaresto. “A resolution to direct the appropriate House Committee to immediately conduct an inquiry, in aid of legislation, on the alleged involvement…

Read More

P152-M PEKENG CROCS NAKUMPISKA

TINATAYANG nasa P152 milyong ang halaga ang nasamsam na counterfeit footwear ng mga tauhan ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group, sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat ng PNP-CIDG, nasa mahigit 45,000 pares ng counterfeit footwear na tinatayang aabot sa P152 milyong halaga, ang nakumpiska sa isang Chinese-operated manufacturing facility sa Pampanga. Armado ng ilang search warrant, inilunsad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pampanga Field Unit ang “Oplan Megashopper” sa Global Aseana Business Park 2 sa bayan ng San Simon. Target ng police operation ang…

Read More

KANLAON VOLCANO PUMUTOK, ALERT LEVEL 3 ITINAAS NG PHIVOLCS

AGAD na ipinag-utos ang paglilikas sa lahat ng mga residenteng naninirahan sa loob ng 6-kilometer danger zone matapos ang naitalang pagputok kahapon ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island. Itinaas din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang bulkan kasunod ng pagputok nito bandang alas-3:00 ng hapon nitong Lunes. “The 3 p.m. eruption produced a voluminous plume that rapidly rose to 3,000 meters,” ayon sa Phivolcs. Naitala ang pyroclastic density currents (PDCs) o hot, ground-hugging flows ng bao at volcanic debris na dumausdos sa timog-silangang…

Read More