QUEZON – Tinangay ng hindi nakilalang kawatan ang mahigit P300,000 cash at $800 US dollars mula sa accounting office ng Gumaca Pastoral Formation Center sa Barangay Rosario, sa bayan ng Gumaca sa lalawigan noong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon, natuklasan ng dalawang accounting clerk ang insidente nang pumasok sila sa opisina bandang alas-8:00 ng umaga at nadiskubre na bukas na ang kanilang mga locker. Batay sa CCTV footage, bandang alas-12:44 ng madaling araw nang makitang pumasok ang suspek sa pamamagitan ng pagsira sa grills ng comfort room at…
Read MoreCategory: BALITA
DELIVERY VAN SWAK SA BANGIN, 2 SUGATAN
SOUTHERN LEYTE – Sugatan ang driver at ang pahinante ng isang delivery wing van na nahulog sa bangin sa bayan ng Pintuyan sa lalawigan dakong alas-12:00 ng tanghali noong Biyernes. Naipit ang driver sa loob ng cab ng van na nawasak ang bubong at nabasag ang salamin. Nakatalon naman ang pahinante bago nahulog sa bangin ang truck ngunit grabe ring nasugatan makaraang bumagsak sa kalsada, habang nagkalat sa kalsada ang tumilapong dry goods na karga ng van. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa direksyon ng kasunod na bayan ng…
Read More2 HVIs NA TULAK KULONG SA P714K SHABU
CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang P714,000 halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City, nitong Linggo ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police ang suspek na sina alyas “Tol” at “Leonard”. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 kahapon ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station, Drug Enforcement Unit (DEU) sa…
Read MoreSUPORTA SA WAR ON CORRUPTION NI ATTY. RODRIGUEZ LUMALAWAK
(JOEL AMONGO) PATULOY na umaani ng suporta mula sa sambayanang Pilipino ang itinutulak ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na war on corruption. Ito ang napatunayan sa isang pagtitipon kamakailan sa Brgy. Hall ng Barangay Balibago, Angeles City, kasama ang mga dumalong kinatawan mula sa Bataan, Aurora, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at iba pa. Ang bawat kinatawan mula sa nabanggit na mga lugar ay nagbigay ng kani-kanilang paninindigan upang suportahan ang war on corruption. Sa pananalita ni Atty. Rodriguez sa harap ng mga kinatawan mula sa naturang mga lugar…
Read MoreROBREDO PINANGUNAHAN ANG TURNOVER NG MEDICAL SUPPLIES SA 27 ‘KRISTINE-HIT’ BARANGAYS SA NAGA CITY
LUBHANG nakaapekto ang pinsalang dulot ng Tropical Storm Kristine nitong mga nakaraang buwan sa iba’t ibang sektor sa Naga City. Nagsagawa ang Angat Buhay at si dating vice president Leni Robredo, ng masusing pagsusuri ng barangay health centers na sinira ng Bagyong Kristine. Kasunod ng pagsusuring ito, humingi sila ng donasyon para mapunan ang medical supplies sa mga center na ito, alinsunod sa Manual of Standards ng Department of Health. Sa pamamagitan ng suporta mula sa mga partner — Metrobank Foundation, Inc., at iba pa — nakapagbigay sila ng kumpletong…
Read MoreCONFI FUND HEARING SA OVP, DEPED STOP NA
ITITIGIL na ng House committee on good government and public accountability ang kanilang imbestigasyon sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) dahil sa dalawang impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang kinumpirma kahapon ng chair ng komite na si Manila Rep. Joel Chua kaya hindi na umano matutuloy ang imbestigasyon na unang itinakda ngayong araw, Lunes, bagkus ay ang mga mambabatas na lamang ang magpupulong. “Kapag ito (impeachment vs VP Sara) ay inaksyunan na ng Kongreso, babagsak…
Read MoreMANONG CHAVIT NAKISAYA SA SUMBINGTIK FESTIVAL
SA kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa public service, nakisaya si senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson sa selebrasyon ng Sumbingtik Festival 2024 sa Cainta, Rizal. Ang Sumbingtik Festival – na halaw sa mga sikat na produkto ng Cainta na suman, bibingka at latik – ay ipinagdiriwang upang itampok sa buong mundo ang cultural at culinary heritage ng probinsya. Ngayong taon ay kasama si Manong Chavit sa mga nakiisa sa mga taga Barangay Sto. Niño para maipakita ang likas na kagalingan ng mga taga-Cainta pagdating…
Read MoreSENADO SISILIPIN NAPAKALAKING SURGE FEE NG GRAB
SISILIPIN ng Senado ang napakalaking price surge na sinisingil ng Grab car sa mga pasahero nito, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. Nakatakdang magsagawa ng hearing sa susunod na linggo ang committee on Public Services at committee on Local Governments ukol sa napakaraming reklamo sa price surge ng Grab. Bago ito, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz na nagsasagawa na ang ahensiya ng imbestigasyon ukol sa algorithm na ginagamit ng Grab para kuwentahin ang pamasaheng sinisingil sa mga customer. Ayon kay Guadiz, base sa…
Read MoreSPEAKER ROMUALDEZ NAGPA-INTERVIEW PARA PABULAANAN MAY SAKIT SIYA
MARIING pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang kumalat na balita sa social media na na-stroke siya. Sa isang interview nito lamang weekend, sinabi ng lider ng Kongreso, “I feel very strong and energetic”. “As a matter of fact manonood nga kami ng sine ng pamilya ko today.” Aniya, nakapagpahinga siya ng buong araw kaya “refresh na refresh” siya. “Mag-ingat po tayo sa fake news at wag na magpakalat ng fake news,” dagdag pa ni Romualdez. Payo rin niya sa mga kalaban, “Lets just work together lalo pa’t Pasko naman…
Read More