DETERMINADO ang isang human rights group na papanagutin si dating pangulong Rodrigo Duterte kaya kinalampag nito ang Department of Justice (DOJ) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y extra-judicial killings (EJK) sa war on drugs. Kahapon, kinalampag ng grupong Karapatan ang DOJ kasunod ng pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagsimula nang gumulong ang imbestigasyon ng binuong DOJ task force, ang posibilidad ng paghahain ng kaso laban sa dating pangulo kaugnay sa paglabag sa International Humanitarian Law, Genocide at iba pang Crimes against Humanity. Ayon…
Read MoreCategory: BALITA
OVP CONFI FUNDS IDINIRETSO SA BAHAY?
INIUWI sa bahay sa halip dalhin sa tanggapan ng Office of the Vice President ang daang milyong confidential funds na winidraw sa bangko. Ito ang teorya ng House committee on good government and public accountability na kanilang hinahanapan ngayon ng ebidensya. Sa ika-6 na pagdinig ng komite sa umano’y maling paggamit sa confidential funds ng OVP at maging sa Department of Education (DepEd) na dating pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ipinakuha ng mga kongresista ang mga CCTV footage mula sa pag-withdraw sa Landbank Mandaluyong at kung idineretso ito sa…
Read MoreREP. NOGRALES PATULOY NA ILALABAN KAPAKANAN NG MGA MANGGAGAWA
(JOEL O. AMONGO) HINIKAYAT ni House labor and employment committee Chair Fidel Nograles ang gobyerno na gamitin ang kapabilidad para masiguro ang kapakanan, ligtas, maayos at makatarungang mga lugar ng trabaho para sa manggagawang Pilipino. “We must work so that the Labor Inspection Convention No. 81 is not a mere piece of paper, but one that the government can actually enforce for the welfare of Filipinos,” anang mambabatas ng 4th district of Rizal. Kamakailan, ang Philippine delegation ay nagpresenta ng ratification instrument ng Labor Inspection Convention No. 81 kay ILO…
Read MoreP9-B NLEX CANDABA 3RD VIADUCT BUBUKSAN BAGO MAGPASKO
NAGSAGAWA ng inspeksyon ang ilang pangunahing mga opisyal ng gobyerno mula sa Bulacan at Pampanga, kasama ang mga opisyal ng NLEX Corporation noong Miyerkoles (Nobyembre 20), sa P9-bilyong NLEX Candaba 3rd Viaduct bago ang target na ganap na pagbubukas nito. Ang Candaba 3rd Viaduct ay 5.3-kilometrong haba na viaduct na itinayo sa pagitan ng dalawang tulay na nag-uugnay sa mga bayan ng Pulilan, Bulacan, at Apalit, Pampanga at ngayon ay nasa 97% na ang konstruksyon. “Hindi magiging posible ang proyektong ito kung wala ang suporta ng ating mga pampubliko at…
Read MoreRECIPIENT NG CONFI FUND NG OVP-DEPED, MAGKAKAIBA PIRMA
ISA pang recipient ng Confidential Funds (CF), hindi lamang ng Office of the Vice President (OVP) kundi ng Department of Education (DepEd) na nagngangalang “Kokoy Villamin” ay iba-iba ang pirma sa acknowledgment receipts (ARs). Ito ang natuklasan sa ika-6 na pagdinig ng House committee on good government and public accountability hinggil sa umano’y maling paggastos sa nasabing pondo ng OVP at DepEd na dating pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte. Bukod kay Mary Grace Piattos, kabilang si “Kokoy Villamin” na taga Ozamiz umano sa recipient ng CFs at lumagda sa…
Read MoreDTI KINASTIGO ANG MOVE IT RIDER NA HINDI NAGBIBIGAY NG TAMANG SUKLI
KINASTIGO ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Move It rider na nag-post sa social media na hindi siya nagbibigay ng tamang sukli sa kanyang mga pasahero. Umaksyon ang DTI nang mag-viral ang post ng isang Move It rider ukol sa kanyang diskarte na huwag suklian ang mga pasahero niya. Batay sa post ng rider, sinasabi niya na wala siyang barya kung P30 pababa ang dapat isukli sa pasahero, kahit meron naman talaga siyang panukli. Ang naiipong sukli ay ginagamit ng rider na pangkain. Ngunit sinabi ng DTI na…
Read MoreANTI-ILLEGAL DRUG CAMPAIGN SA PASIG PAIIGTINGIN
NANGAKO si Pasig City Mayor Vico Sotto na paiigtingin pa ng kanyang administrasyon ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot sa lungsod. Ito ang binigyang-diin ng alkalde sa kick-off ceremony para sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week na ginanap sa temporary city hall sa Bridgetown sa Barangay Rosario. Ayon pa sa alkalde, malaking tulong aniya ang kasalukuyang isinasagawang educational campaign sa mga eskuwelahan para magbigay babala sa mga estudyante sa kapaha-pahamak na resulta ng illegal drugs. Sinabi pa ni Sotto na isa pa sa mahalagang hakbang ay…
Read MorePDEA WALANG REWARD SA MAPAPATAY NA DRUG SUSPECTS
TAHASANG itinanggi kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na binibigyan nila ng reward o pabuya ang kanilang mga tauhan na nakapapatay ng mga nasasangkot sa bawal na droga. Ito ang paglilinaw ni PDEA PIO chief, Dir. Laurefel Gabales hinggil sa isyu na pagkakaloob ng rewards sa mga nakapatay ng mga suspek o mga sangkot sa bentahan ng ilegal na droga. Pinaliwanag pa ni Gabales, may Operation Private Eye at Operation Lawmen ang PDEA na nagsasagawa ng lehitimong operasyon kontra droga. Sinasabing may polisiya ang ahensya patungkol sa mga miyembro…
Read MoreBENHUR ABALOS, TOP 9 SA TANGERE SURVEY PARA SA 2025 SENATORIAL RACE
KUNG ang eleksyon ay gagawin ngayon, pasok na sa ika-9 na pwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr., dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at dating mayor ng Mandaluyong City, ayon sa pinakabagong 2025 senatorial race survey ng Tangere. Bilang alkalde ng Mandaluyong sa loob ng 15 taon, kilala si Abalos sa mga programang nagbigay ng makabuluhang pagbabago sa lungsod. Sa kanyang liderato, pinarangalan ang Mandaluyong bilang Best Child-Friendly City, Most Business-Friendly City, at pitong beses na ginawaran ng Seal of Good Local Governance. Ang…
Read More