NASAWI ang pinaniniwalaang lider ng Magsanoc criminal group habang dalawa nitong tauhan ang naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya sa Isabela. Nag-ugat ang operasyon sa isang shooting incident sa Purok 6, Brgy. Calinaoan Sur, Delfin Albano kung saan binaril ang isang magsasaka na kinilalang alyas “Fernando,” na kasalukuyang ginagamot sa ospital. Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek patungong hilagang bahagi ng Sto. Tomas, Isabela. Agad rumesponde ang Delfin Albano Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj. Glanert Cabeliza, katuwang ang iba pang yunit ng pulisya. Natunton ang mga…
Read MoreCategory: BALITA
2 TIMBOG SA ‘PAIHI’ NG DIESEL SA RIZAL
KULUNGAN ang kinahantungan ng dalawang katao matapos mahuli sa umano’y ilegal na operasyon ng “paihi” ng diesel sa San Mateo, Rizal nitong Huwebes. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP-Highway Patrol Group (HPG) Spokesperson PLT Nadame Malang na nadakip ang mga suspek habang nagsasagawa ng inspeksyon ang HPG sa bahagi ng C6 Road. Nakuha ang atensyon ng mga operatiba sa isang van na sira ang ilaw at may tumatagas na diesel. Nang sitahin ang driver, wala itong maipakitang lisensya at dokumento ng sasakyan. Sa follow-up operation, natunton ng mga…
Read More10 MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYA-MAUTE GROUP, PATAY SA ENGKWENTRO
PATAY ang sampung miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group, kabilang ang isang senior leader, sa engkwentro sa Lanao del Sur nitong Biyernes ng umaga. Isinagawa ang intelligence-driven operation sa pangunguna ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, katuwang ang CIDG, RSO, at mga awtoridad ng BARMM. Ayon sa ulat, sangkot umano ang nasabing senior leader sa serye ng karahasan sa rehiyon, kabilang ang ambush sa Munai, Lanao del Norte noong Enero 23, 2026 kung saan apat na sundalo ang nasawi at isa pa ang nasugatan. Wala namang naiulat na nasawi sa…
Read MoreRAPPER TIMBOG SA BARIL AT ILEGAL NA DROGA SA QC
INARESTO ang lokal na rapper na si Abilla Gabriel, na mas kilala bilang “Hev Abi,” matapos makuhanan ng baril, bala at hinihinalang ilegal na droga sa Quezon City. Ayon sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), isinagawa ang operasyon, madaling araw ng Martes sa bahay ng suspek sa Barangay Laging Handa, Diliman. Nakumpiska sa lugar ang isang 9mm pistol, isang magazine ng G3 Taurus at 15 piraso ng bala. Kasama ring inaresto ang anim na iba pang indibidwal na nakuhanan ng mga sachet na pinaniniwalaang ilegal na…
Read MoreSERVICE CONTRACTING LUMARGA SA EDSA BUS CAROUSEL
PINANGUNAHAN ni LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza II ang kick-off ng Service Contracting Program sa EDSA Bus Carousel, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang tuloy-tuloy na serbisyo sa transportasyon. Sa ilalim ng gabay ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, nagsimula ang mas mahigpit na monitoring at real-time adjustments para sa mga biyahe, lalo na sa rush hour. “Umpisa pa lang ito,” ani Mendoza. “Mas palalawakin pa natin ito sa iba’t ibang urban areas.” Sa inspeksyon sa GMA-Kamuning station, pinaalalahanan ang mga driver sa mandatory six…
Read MorePUBLIKO HINIKAYAT MAKIISA SA LABAN KONTRA FAKE NEWS
NANAWAGAN ang Department of Justice Philippines (DOJ) sa publiko na makiisa sa laban kontra fake news. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, may mga content online na sadyang nililikha upang manlinlang at kumita. “Tulungan n’yo kami mag-check,” aniya. Babala pa niya, may ilang vloggers na ginagamit ang negatibong balita para dumami ang views at followers. Hinimok ng DOJ ang publiko na maging mapanuri, umasa sa beripikadong impormasyon, at magbahagi rin ng positibong balita. (JULIET PACOT) 292
Read MoreOVER IMPORTATION NG ASUKAL PINABUBUSISI SA SENADO
HINILING ni Senador JV Ejercito sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na imbestigahan ang sinasabing over-importation ng asukal at ang epekto nito sa lokal na industriya. Sa kanyang Senate Resolution 369, nagbabala si Ejercito na ang labis na importasyon o ang maling timing ng pag-aangkat ay magdudulot ng pagbagsak ng farmgate price kaya’t mababawasan ang kita ng mga magsasaka at mill workers. Panahon na anyang busisiin ang polisiya sa sugar importation partikular sa timing at volume ng pag-aangkat upang matiyak na tumutugon sa kasalukuyang problema sa long-term…
Read More2 PULIS SUGATAN SA KAGAT NG NAGWAWALANG LALAKI
SUGATAN ang dalawang pulis makaraang kagatin ng isang lalaki na kanilang aarestuhin Marikina City. Ayon sa ulat, isang tawag ang natanggap ng Concepcion Dos Police Station kaugnay sa isang lalaki na nagwawala sa rooftop ng isang bahay sa isang residential subdivision sa Brgy. Marikina Heights, Marikina City. Kaagad namang nagresponde ang dalawang pulis at nadatnan nila ang suspek na may hawak na kutsilyo. Sinubukan nilang pakalmahin ang suspek subalit naging marahas ito na humantong sa pangangagat sa mga pulis. Isa sa mga pulis ang kinagat sa tagiliran habang ang isa…
Read More4 KIDNAPPER PATAY, PULIS SUGATAN SA RESCUE OPERATION NG AKG
KINUMPIRMA ng PNP-Anti Kidnapping Group na apat na hinihinalang mga kidnapper ang napatay sa nangyaring rescue operation sa Parañaque City noong Miyerkoles ng gabi. Sa isinagawang pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni AKG Director PBGen. Glicerio Cansilao, nagawa pang maisugod ang mga suspek sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. Napag-alaman na dalawa sa mga nasawi ay dating mga pulis na nasibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa krimen, habang ang dalawa naman ay mga sibilyan na dating nasangkot sa kidnapping. Samantala, sugatan naman ang isang tauhan ng AKG na…
Read More