HINILING ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (Napolcom) ang isang taong extension sa serbisyo ni Police Brig. Gen. Hansel Marantan. Kinumpirma mismo ni Secretary Remulla ang kahilingan sa isang text message sa mga mamamahayag nitong umaga sa Camp Crame. Batay sa dokumento, layunin ng extension na matiyak ang pagpapatuloy ng pagpapatupad ng mga kritikal at high-impact operations na kasalukuyang pinamumunuan ni Marantan. Sa kasalukuyan, si Marantan ang Director ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) at nakatakdang magretiro ngayong Hulyo sa…
Read MoreCategory: BALITA
40 TONELADANG BASURA, NAHAKOT MATAPOS ANG INC PROTEST SA LIWASANG BONIFACIO
AABOT sa 13 truck o tinatayang 40 toneladang basura ang nakolekta ng Department of Environmental Public Services (DEPS) matapos ang 24-oras na kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila. Ayon kay DEPS Director Kenneth Amurao, naging maayos ang cleanup operation dahil naipon na ng mga miyembro ng INC ang kanilang mga basura, na karamihan ay pinagkainan at mga lalagyan ng inumin. Kaagad ding nagsagawa ng flushing operation sa buong Liwasang Bonifacio upang maalis ang anomang masamang amoy, kabilang ang mula sa mga inilagay na portalets.…
Read More6,000 PULIS, IDE-DEPLOY SA SENADO PARA SA IMPEACHMENT PROCEEDING
KASADO na ang security plan ng Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang impeachment proceeding ni Vice President Sara Duterte sa Senado sa Lunes. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co, tuloy-tuloy ang intelligence monitoring upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa paligid ng Senado. Magsasagawa rin ang PNP ng final coordinating conference kasama ang iba’t ibang police units upang plantsahin ang huling detalye ng security plan. Tinatayang nasa 6,000 pulis ang ide-deploy sa paligid ng Senado upang tiyakin ang seguridad ng lugar at…
Read MoreINTON: IBALIK ANG JUDICIAL DETERMINATION SA MGA KASONG NON-BAILABLE
NANINIWALA ang batikang abogado na si Atty. Ariel Inton na dapat nang pag-isipang ibalik ang judicial determination bago magpalabas ng warrant of arrest sa mga kasong non-bailable. Ang pahayag ay kasunod ng pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta nitong Huwebes. Ipinaliwanag ni Inton na ang plunder ay may rekomendasyong no bail, kaya kapag nakapaglabas ng warrant of arrest ang korte ay maaari nang arestuhin at ikulong ang akusado habang dinidinig ang kaso. Ayon sa abogado, noon ay sapat na ang probable cause…
Read MoreGSIS, PINALAWAK ANG BALIK GINHAWA 2; MAS MARAMING MIYEMBRO MAKATATANGGAP NG REFUND
MAS marami nang miyembro at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) ang makikinabang sa pinalawak na Balik Ginhawa 2 Program, ayon sa Malakanyang. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang tulong-pinansyal para sa mga miyembro ng GSIS. Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ng refund na katumbas ng hanggang anim na buwang qualified loan amortizations para sa mga bayad mula Disyembre 2025 hanggang Mayo 2026. Maaari na ring makinabang ang…
Read MorePLUNDER CASE VS. MARCOLETA, PANANAKOT SA MGA LUMALABAN SA FLOOD CONTROL SCAM – CAYETANO
IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang nakaambang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta ay isang paraan ng pananakot sa mga bumabatikos sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Sa ambush interview noong Hunyo 30, sinabi ni Cayetano na “nonsense” ang kaso at bahagi umano ito ng panggigipit sa mga kritiko ng administrasyon. “Lutang na lutang na ito’y may kasamang chilling effect sa lahat ng tutuligsa sa gobyerno,” ani Cayetano. Si Marcoleta ay nakatakdang sampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at indirect bribery…
Read More2K LOOSE FIREARMS NAREKOBER NG PRO3
MALAKI ang naitulong ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa pagpapalakas ng kampanya laban sa loose firearms at nakapagtala ng mga operasyon na umabot sa 2,170 ang narekober na baril, nakapag-aresto, at naisampa ang mga kaso mula Pebrero 24 hanggang Hunyo 28, 2026, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nabatid na ang PRO3 ay nagsagawa ng 1,011 na operasyon laban sa loose firearms, isang 27.8 porsyentong pagtaas mula sa 791 na operasyon na isinagawa sa parehong panahon noong 2025. Ang pinaigting na pagsisikap na ito ay nagresulta sa pagkarekober…
Read MoreTRIGGER HAPPY SA CAVITE TINUTUGIS
PINAGHAHANAP ng pulisya ang isang hinihinalang trigger-happy na nagpaputok ng baril na tumagos ang bala sa bahay ng isang residente sa Maragondon, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa salaysay ni alyas “Myra”, may-ari ng isang bahay sa Brgy. Pantihan 4, Maragondon, Cavite, bandang alas-6:00 ng gabi nang makarinig siya ng tila isang bagay na bumagsak sa bubong ng kanilang bahay sa Brgy. Pantihan 4, Maragondon, Cavite. Inakala niyang ibon lamang ngunit nang kanyang inspeksiyunin ang pinanggalingan ng ingay ay nakita niya ang butas sa kanilang bubong at narekober ang…
Read MoreKOREANO SA ‘NO SHOW’ SCAM, TIMBOG SA PAMPANGA
ARESTADO ang isang Korean national na wanted sa South Korea dahil pagkakasangkot umano sa isang “no show” scam sa kanilang bansa. Sa isinagawang pulong-balitaan, sinabi ni CIDG-NCR chief, Col. John Guiagui, isang joint operation ang ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group, Bureau of Immigration, Department of Justice at Korean National Police Agency noong Hunyo 28. Hindi nakapalag sa mga awtoridad nang arestuhin sa Angeles, Pampanga ang suspek na kinilalang si Park Junhyeon, 44-anyos, may Interpol Red Notice at nasa watchlist order bilang isang undesirable alien. Modus umano nito ang…
Read More