INIHAIN ni Sen. Risa Hontiveros ang resolusyon upang bigyang pagkilala ng Senado ang Senate Media na nag-cover sa shooting incident sa loob ng gusali noong May 13. Sa Resolution Number 400, nais ni Hontiveros na bigyan ng commendation ang Senate media sa kanilang bravery at professionalism sa pagco-cover ng shooting incident. Tinukoy rito na tinatayang tatlong minuto ang pagpapaputok ng baril, na nagdulot ng panic sa mga Senate staff maging sa mga miyembro ng media na nasa gusali dahil nagco-cover ng may tatlong araw nang standoff sa pagitan ng mga…
Read MoreCategory: BALITA
TOP PERFORMING MAYORS, REPS SA NCR INILABAS NG RPMD
ISINAPUBLIKO ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong resulta ng kanilang “Index of Governance” (IOG), na kumikilala sa ‘Top-Performing Mayors at Representatives” sa National Capital Region batay sa pinagsamang ‘trust’ at ‘performance’ ratings. Ayon kay Dr. Paul Martinez, ang IOG ay isang komprehensibong governance assessment tool na sumusukat sa mga lider hindi lamang sa popularidad kundi pati sa governance delivery, responsiveness, public service effectiveness, at kumpiyansa ng mamamayan. Sinabi niya na ang mga Mayors ay sinuri sa governance at public service indicators habang ang mga Representatives naman ay tinasa sa legislative…
Read MoreOSG PINABABASURA SA SC PETISYON PARA SA MEDICAL, DRUG TEST NI PBBM
HINILING ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) na ibasura ang petisyong nag-uutos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa physical at mental examination kabilang ang hair follicle drug test. Ayon sa OSG, dapat agad ibasura ang petisyon dahil umano sa “utter lack of merit” at kawalan ng legal na batayan. Sinabi rin ng OSG na walang legal standing ang mga petitioner at saklaw ng absolute immunity from suit ang Pangulo. Bukod dito, wala rin umanong sapat na batayan sa batas o Konstitusyon para obligahin…
Read MoreAFP NAKAKUHA NG 72% TRUST RATING — OCTA
MULING nagtala ng mataas na trust at performance ratings ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinakahuling survey ng OCTA Research para sa unang quarter ng 2026. Batay sa datos ng independent pollster, pito sa bawat sampung Pilipino ang nagtitiwala sa hukbong sandatahan. Sa ginanap na regular Tuesday forum sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, nagpasalamat ang pamunuan ng AFP sa patuloy na tiwalang ibinibigay ng publiko sa gitna ng umiinit na usaping pulitikal sa bansa. Ayon sa OCTA Research Tugon ng Masa survey, nakakuha ang AFP ng 72…
Read MoreBARMM EDUCATION MINISTER IQBAL, SIBAK
PINAGBITIW sa puwesto si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Education Minister Mohagher Iqbal matapos lumabas ang special audit report ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagbili ng P2.2 bilyong halaga ng education at training materials. Batay sa dalawang pahinang liham ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua noong Mayo 11, 2026, inatasan si Iqbal na agad magsumite ng irrevocable resignation, at kapag hindi ito sumunod ay ituturing umano itong kusang nagbitiw sa puwesto. Kabilang umano sa audit findings ng COA laban sa Ministry of Basic,…
Read MoreMGA KINAUSAP NG PGMN, MALALANTAD NA — NBI
MALALANTAD na umano ang mga personalidad na nakipag-ugnayan sa founder ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si Franco Mabanta matapos aprubahan ng korte ang cyber warrant na hiniling ng National Bureau of Investigation (NBI). Ito ang inihayag ni NBI Director Atty. Melvin Matibag matapos payagan ng Pasig Regional Trial Court ang pagbusisi sa mga gadgets na nakumpiska kay Mabanta at apat pang indibidwal na inaresto sa isinagawang entrapment operation. Sa ginanap na MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters Association sa Harbour View sa Ermita, Manila, kinumpirma ni Matibag…
Read MoreKAKALAS SA SENATE MAJORITY BLOC MASAHOL PA KAY HUDAS – MARCOLETA
NAGHUNTAHAN ang mga senador habang naka-break ang sesyon sa pagtalakay sa mga panukalang batas at iba pang nakabinbing pambansang usapin. Dahil sa manipis ang bilang ng majority block, nabanggit umano ni Senator Camille Villar kay Senator Rodante Marcoleta na masahol pa kay Hudas ang sinomang kakalas sa Majority bloc matapos ang naging sakripisyo ni Senador Ronald Bato dela Rosa. (DANNY BACOLOD) TINAWAG ni Senador Rodante Marcoleta na masahol pa kay Hudas ang sinomang kakalas sa 13 miyembro ngayon ng Senate Majority bloc matapos ang naging sakripisyo ni Senador Ronald Bato…
Read MoreMAGTIYUHIN NAGBARILAN SA BATANGAS,1 PATAY
PATAY ang 65-anyos na lalaki makaraang barilin ng pamangkin ng kanyang misis sa kanilang compound sa Batangas. Kinilala ang suspek na si “Emil”, 55-anyos na isang retiradong pulis. Makikita sa CCTV footage na unang bumunot ng kalibre 44 na baril ang tiyuhin na si alyas “Ruben” at pinaputukan ang kanyang pamangkin. Dito na bumunot ng kaliber 40 na baril ang pamangkin at gumanti ng putok hanggang sa maubos ang bala sa magazine. Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang tiyuhin subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa Acting Chief of Police…
Read MoreMAYOR AMPATUAN HUMARAP SA DOJ KAUGNAY NG AMBUSH CASE
DUMALO sa unang preliminary hearing sa Department of Justice si Shariff Aguak, Maguindanao del Sur Mayor Datu Akmad “Mitra” Ampatuan kaugnay ng tangkang pagpaslang sa kanya. Kasama ni Mayor Ampatuan ang kanyang abogado na si Atty. Cyrus E. Torreña. Ayon kay Atty. Torreña, ilan umano sa kanilang mga kamag-anak ang sinampahan din ng reklamong paglabag sa Anti-Terror Law. Sinabi rin ng abogado na babalik sila sa Mayo 26, 2026 para sa pagsusumite ng counter-affidavit ng mga akusado. Ayon kay Mayor Ampatuan, ikalima na umano ang ambush laban sa kanya at…
Read More