KAHANDAAN SA KALAMIDAD PAIIGTINGIN NI BONGBONG

TINIYAK ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na higit pang palalakasin ang kagalingan, kapabilidad at mabilis na aksyon ng pamahalaan sa lahat ng uri ng kalamidad sakaling manalo sa darating na May 9 presidential elections. Ani Marcos, bahagi ito ng kanyang plano upang kahit papaano ay malabanan ang hindi mapigilang climate change o global warming. Ang pahayag na ito ni Marcos, standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ay isinagawa nang magkaroon ng virtual press conference sa local mediamen mula sa Bicol at Western Visayas Regions nitong nakalipas…

Read More

GEOTHERMAL PLANTS DADAGDAGAN NI BBM

BUKAS si presidential frontrunner dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa plano na kunin bilang ka-partner ang pribadong sektor upang dagdagan pa ang mga geothermal plants sa bansa. Sa isang pahayag, napansin niya ang mabagal na pag-usbong ng geothermal energy industry na dahilan kung bakit mataas ang singil ng kuryente na siya namang pumipigil sa mga foreign investors na maglagay ng negosyo sa bansa. “Accelerating the development of our geothermal resources needs the participation of the private sector.  As it stands, the risks and capital requirements in the early stages of…

Read More

GIMIK NI LENI ‘DI PAPATULAN NI BBM – SPOX

bbm

HINDI sagot sa problema ng lipunang nagkawatak-watak bunsod ng pulitika ang debateng hamon ni Vice President Leni Robredo sa leading presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, ayon sa tagapagsalita ng pambato ng tambalang BBM-Sara UniTeam. Sa isang kalatas, hayagang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na taliwas sa panawagang pagkakaisa ni Marcos ang pagpatol sa hamon para sa isang debate, lalo pa’t galing sa isang kandidatong aniya’y milya-milya ang hinahabol, siyam na araw bago sumapit ang takdang araw ng halalan. “Sa debateng hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay…

Read More

LANDSLIDE WIN NI BBM TINIYAK NG MGA GOBERNADOR

ILANG araw bago ang halalan, lalo pang tumibay ang tsansa ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na manalo matapos tiyakin ng mga gobernador ng mga pinaka vote- rich na lalawigan sa bansa ang kanyang tagumpay. Sa isang pulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong ay siniguro nina Gob. Jonvic Remulla ng Cavite at Ramil Hernandez ng Laguna, kasama ng iba pang mga gobernador na titiyakin nila ang kanyang panalo sa kanilang mga lalawigan. Kapwa nasa talaan ng may  pinakamaraming botante sa mga probinsya sa buong  bansa ang Laguna…

Read More

Para sa mas maikling oras ng biyahe BRIDGE AND ROAD PROJECTS SA BICOL ITUTULOY NI BBM

KASAMA sa plano ni presidential frontrunner at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng mga proyektong dagdag na tulay at kalsada sa Bicol Region na maaaring magpaikli sa oras ng biyahe mula sa rehiyon papuntang Maynila vice-versa. Sa isang press conference na ginanap kamakailan kasama ang mga local media mula sa Bicol at Panay, naitanong kay Marcos kung posible pang maipagpatuloy niya ang planong pagtatayo ng tulay mula sa malalayong lugar sa Bicol Region. Isa sa mga proyekto ay ang tulay mula Naga City papuntang Maynila na nasimulan…

Read More

Sa hamon ni Ginang Robredo na debate:

“Nauunawaan ko ang kabiguang naramdaman ni Ginang Robredo na makaharap sa isang pagtatalo at bangayan si presidential frontrunner na si Bongbong Marcos. Maaari po na silang dalawa, na parehong naghangad na maging pangulo ng republika, ay magkaiba ng paniniwala hinggil sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mamamayan. Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa. Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan. Sa panahon ng krisis sa ekonomiya na…

Read More

BBM bibigyang prayoridad ang digital infrastructure

MATAPOS maantala nang ilang ulit ang virtual press conference na dinaluhan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., nitong Miyerkules, agad niyang iginiit na ipa-prayoridad niya ang mga programa sa digital infrastructure para masolusyunan na ang mabagal at mahinang signal ng internet sa bansa. Ilang ulit na natigil ang press conference ni Marcos sa pamamagitan ng Zoom sa mga mamamahayag ng Bicol at Western Visayas regions dahil sa mabagal na koneksyon sa internet, kaya ginamit niya ang pagkakataon para ipaliwanag ang kanyang programa ukol sa digital infrastructure. “Pag-usapan na nga…

Read More

BONGBONG HINDI DADALO SA COMELEC PANEL INTERVIEW

IBUBUHOS na lamang ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga nakatakdang campaign activities ang mga nalalabing araw ng kampanya kaya hindi na ito dadalo sa presidential panel interview ng Commission on Elections (Comelec) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Sa kabila nito, sinabi ng tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez na nagpapasalamat si Marcos sa imbitasyon ng poll body. Aniya mas gusto ni Marcos na bisitahin ang kanyang mga tagasuporta at magsagawa ng campaign rallies at town hall dialogues. “With less than two weeks before the…

Read More

180K PLANTILLA POSITIONS SA GOV’T PUPUNAN NI BBM

MAGANDANG balita sa mga empleyado ng pamahalaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin permanente ang status. Sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na panahon na upang pag-ukulan naman ng atensyon ang mga manggagawa sa pamahalaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nari-regular sa trabaho kahit kwalipikado naman. Ayon kay Marcos, ramdam niya ang kahirapan ng lahat ng ating mga kababayan at maraming mga manggagawa na matagal nang naglilingkod sa pamahalaan ang hanggang ngayon ay nananatiling contract of service…

Read More