SUPORTA SA 2022 PRESIDENTIAL BID NI BONGBONG LUMALAWAK

MAY dalawampu’t limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022. Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta. Ang nasabing alyansa ay binubuo ng 25 organisasyon mula sa mga sektor ng OFW, Seafarers, Barangay Youth, Christian Churches, Loyalista, at mga Healthcare worker. Sa isang simpleng seremonya, isinumite nila ang isang dokumento na tinawag nilang ‘Manifesto of…

Read More

Sa pagiging matatag at matibay MGA WARAY DAPAT TULARAN NG COVID SURVIVORS – BONGBONG

PINAPURIHAN ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang mga Waray sa pagiging matatag at matibay ng mga ito sa kabila ng pinakamabigat na pagsubok na dinanas nila. Sinabi ito ni Marcos sa kanyang pagdalo sa paggunita ng ika-walong anibersaryo ng super typhoon Yolanda na nanalasa sa Eastern Visayas kasabay ng panawagan sa mga tinamaan at nakaligtas sa pandemya dulot ng COVID-19 na tularan ang pagiging matatag ng mga Waray. “Dahil sa ginawa ninyo pagkatapos ng Yolanda, ang mga Waray ang itinuturo ngayon. Sinasabi pag malungkot masyado dahil sa pandemya,…

Read More

Pinatunayan ng 68% rating sa Manila Times survey BONGBONG MALAPIT SA PUSO NG MGA BOTANTE

SA kabila ng garapalan at malisyosong pag-atake na ginagawa ng anti-Marcos forces, patuloy na napapamahal sa mga botanteng Pinoy si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Secretary General Thompson Lantion na isang malinaw na halimbawa rito ay ang walang humpay na pagsirit paitaas sa survey ni BBM. Sa nakalipas na survey ng Manila Times para sa presidential preference poll, si Marcos ay nakakuha ng napakalaking 68 percent share. Malayong nakasunod sa kanya si Vice-President Leni Robredo na may 10.8 percent; pangatlo si Manila…

Read More

MENTAL HEALTH NG MGA MAG-AARAL BIGYANG PANSIN – BBM

NANAWAGAN si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DoH) na bigyan ng masusing pansin ang mental health at kalusugang pisikal ng mga mag-aaral at guro sa isasagawang pilot testing ng face-to-face (F2F) classes na sisimulan sa November 15. Ayon sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, tama ang ginawang desisyon ng gobyerno na magkaroon ng istriktong pilot testing ng F2F classes lalo na sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na nakararanas ng…

Read More

BONGBONG: MORE JOBS SA PAGLULUWAG SA NCR

UMAASA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at lilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na alert level 2 status sa Metro Manila. Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga negosyo para makabawi at muling sumigla ang ekonomiya ng bansa. “Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa mas maluwag na alert level status, dahil nakasisiguro tayo na mas marami itong make-create na trabaho at muli nang makakabawi ang ating…

Read More

BBM sa BOC, DA: KUMPISKADONG PAGKAIN IBIGAY SA NAGUGUTOM

MATAPOS sirain ng Bureau of Customs (BOC) at ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit P300 million gulay at iba pang agricultural products sa Pampanga, nakiusap si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tingnan ang posibilidad na maipamigay ang mga smuggled na pagkain sa mga komunidad lalo kung ligtas naman itong kainin. Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, food security ang isa sa mga pinaka-malaking problema ngayong panahon ng krisis dahil marami ang nawalan ng trabaho sa mga lockdown at patuloy pa ring nagugutom kahit binaba na…

Read More

UST LAW DEAN: PETISYON KONTRA BBM MAARING MABIGO

MISMONG ang dekano ng prestihiyosong University of Santo Tomas College of Law na si Atty. Nilo Divina ay nagsabi ngayon na ang pagtatangka ng ilang puwersang anti-Marcos na maalis sa listahan ng mga tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 si Bongbong ay tila mabibigo dahil sa kawalan ng merito. “Sa nakikita ko, ang petisyon na kanselahin ang CoC ni BBM ay tiyak na guguho kapag nasuri ng Comelec dahil mukhang depektibo sa anyo at kulang ang legal na basehan para sa gusto nitong mangyari,” wika ni UST College of Law Dean…

Read More

MARCOS SUPORTADO NG PFP VS NUISANCE PETITION

TINAWAG na ‘nuisance’ o panggulo at walang legal na basehan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang petisyon na nagnanais na makansela o ma-deny ang Certificate of Candidacy (COC) ng kanilang standard-bearer, Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Para kay PFP General Counsel Atty. George Briones, ang petisyon na inihain ng ilang grupo ay isang desperadong hakbang upang madiskaril ang kandidatura ni Marcos bilang Presidente para sa susunod na halalan. Tinawag din ni Briones na isa lang “scrap of paper” ang petisyon dahil hindi isinama ng mga petitioner ang certified…

Read More

Ayon sa Ateneo law expert PETISYON KONTRA COC NI BONGBONG WALANG BASEHAN

IGINIIT ni Atty. Alberto Agra, dating Justice secretary at propesor ng Ateneo Law School na walang basehan at malabong umusad ang inihaing petisyon para kanselahin ang Certificate of Candidacy (CoC) ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Sa panayam sa DZRH, sinabi ni Agra na malinaw sa nakasaad sa batas o sa Omnibus Election Code na kwalipikado at walang pagkukulang si Marcos sa kanyang pagsusumite ng CoC. “Nakalagay dun sa Omnibus Election Code natin na kailangan hindi convicted. Ang nakalagay sa batas kailangan sentenced, may final judgement of imprisonment. Ang…

Read More