NANINIWALA ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ang paghahain ng petisyon para makansela ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) ay bahagi ng pinaigting na mapanlinlang na batikos sa kanya para pigilan siyang manalo sa darating na halalan. Sa panayam ng GMA-DZBB kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, sinabi nito na pinayuhan siya ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas na paghandaan pa ang sunod-sunod na atake at maruming pulitika o “gutter politics” habang papalapit ang 2022 national elections. “Naiiling na…
Read MoreCategory: BBM
COMELEC SPOX SAYS ‘NO CLEAR CASE’ FOR THE DISQUALIFICATION BID AGAINST BONGBONG
COMELEC spokesperson James Jimenez on Wednesday said the disqualification case filed against Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. has no clear basis. Jimenez noted that in order to be disqualified, a candidate must have been convicted of a crime constituting “moral turpitude,” or an offense with at least an 18-month jail term. According to Jimenez, Bongbong does not fit the criteria, and that there is no clear basis for the disqualification case. “He doesn’t meet this criteria. Right now there is no clear case for disqualification,” Jimenez said in an…
Read MoreSa pilot face-to-face classes ESTUDYANTE, GURO TIYAKING LIGTAS – BBM
NANINIWALA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat nang simulan ang pagbubukas ng mga eskwelahan, subalit hiniling niya sa pamahalaan na siguruhing maayos ang paglatag ng programa gayundin ang pagpapatupad ng mahigpit na panuntunan sa ‘health and safety’ protocol para sa mga piling estudyante, guro at personnel na makikilahok sa gagawing ‘pilot test’ para sa face-to-face (F2F) classes. Iginiit ng pambato sa Panguluhan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na nararapat mabigyan ng sapat na pagpapahalaga ang sektor ng edukasyon na hindi malalagay sa panganib ang kalusugan ng…
Read MoreMEDICAL RESEARCH VS PANDEMYA PRAYORIDAD NI BBM
NANINIWALA ang nangungunang Presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat na mas malaking budget ang ilaan ng bansa sa pananaliksik o scientific research para sa higit na kahandaan ng bansa sa mga medical emergency katulad ngayong mayroong pandemyang nararanasan ang Pilipinas. Patunay nito ani Marcos, na siyang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ay ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na binuo o itinayo pa noong 1980s at magpahanggang ngayon ay kapansin-pansin ang kahalagahan nito dahil ito lamang ang tanging laboratoryo sa bansa na may kapasidad…
Read MoreKalye Survey: BBM ‘Best Bet’ sa Mindanao
PATULOY ang pag-usbong ng suporta ng mamamayan ng Mindanao kay Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., batay na rin sa mga datos na inilabas ng Kalye Survey na isinagawa ng grupo ng mga vloggers sa iba’t ibang lalawigan sa Southern region. Sa pinakabagong resulta ng Kalye Surveys na isinagawa ng Bugwak TV sa Butuan City, Gingoog, Misamis Oriental, at Surigao City, nakakuha ng mataas na puntos ng pagsang-ayon mula sa working class ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer bilang ibobotong Pangulo sa halalan sa Mayo 2022. Nilibot ng Bugwak…
Read MorePAGBUBUKAS NG GLOBAL ECONOMY PAGHANDAAN – BONGBONG
KAILANGAN ang masusing pagpaplano upang maging handa ang bansa ngayong nagsisimula nang bumangon ang global na ekonomiya mula sa krisis na dulot ng COVID-19, ayon kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Nakita ni Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ang pangangailangan matapos magdesisyon ang gobyerno ng Australia na alisin na ang ban sa canned pineapple products na galing sa Pilipinas. Aniya, isa itong magandang development hindi lang para sa sektor ng agrikultura kundi sa iba pang sektor ng Pilipinas dahil pinakita nito na maari na silang maghandang pumuwesto…
Read MoreCEBU CITY, URBAN HUBS SENTRO SA KAUNLARAN – BBM
NANINIWALA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang lungsod ng Cebu at iba pang sumusulong na ‘urban hubs’ sa bansa ay may malaking gagampanang papel sa pagbangon ng ekonomiya sa hinaharap na post-COVID-19 pandemic. “I think we can always count on Cebu na maging hub ng economic development,” pahayag ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Cebu City nitong weekend. Ayon sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, prayoridad sa kanyang adhikain na kaunlaran ang lalawigan bilang sentro ng kalakalan at industriyalisasyon sa Visayas region. Aniya, malaki ang potensiyal…
Read MoreSa latest presidential survey BBM MATATAG NA “BEST BET MO”
PATULOY ang pamamayagpag ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang ‘BEST BET MO’ sa Pampanguluhan sa isinasagawang non-commissioned survey sa halalan 2022 sa Mayo. Sa pinakabagong resulta sa isinagawang survey ng Issues and Advocacy Center o The CENTER, nakakuha ng malaking bilang ng pagsang-ayon at pipiliin ng mga botante bilang Pangulo sa gaganaping halalan sa susunod na taon ang dating Senador. Sa kabuuang 2,400 respondents na pinulsuhan sa isinagawang survey mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 9, nangunguna si Marcos sa pagka-Panguluhan sa nakuhang 23.5%, habang…
Read MorePANGINGIBABAW NI BONGBONG SA SURVEYS Resbak ng taumbayan sa dayaan noong 2016 – Transport group
NANINIWALA ang lider ng isang transport group na supporter ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ang pangingibabaw nito sa mga survey ay resbak ng taumbayan sa ginawang pandaraya kay Marcos na tumakbong bise presidente noong 2016 elections. “Karma itong nakikita nating resulta ng mga survey ngayon. Nakikita na natin ang mga senyales na ang eleksyon sa Mayo 2022 ay magiging araw ng pagtutuos para sa ilang mga kandidato. Kung talagang totoo ‘yung naging resulta nung 2016 vice-presidential race, nagrereflect na sana ‘yun sa mga…
Read More