BUMABALIK lang sa kung ano ang nakaugalian. Ganito ang sentimyento ng publiko base sa mga komento na mababasa sa social media partikular sa Twitter kaugnay ng series of concert na ikinasa ng Marcos Jr. admin. Nagtataka ang marami kung bakit ngayong napakaraming problema ng mga Pilipino ay nauna pang maisip ng Malakanyang ang magpa-concert. Nariyan ang problema sa mataas na bilihin, mahal na presyo ng langis, bigas, mababang sahod at marami pang kalbaryo ng mga ordinaryong mamamayan na hindi pa nasosolusyunan. Isa pa ang dinaranas ngayong kawalan ng kuryente sa…
Read MoreCategory: BBM
WAGE HIKE DEDMA SA MARCOS ADMIN
SA gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa merkado, nananatiling bulag, pipi at bingi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mahugong na panawagan para sa dagdag-sahod na hirit ng mga manggagawang Pilipino. Para sa militanteng Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, inaamag na ang mga panukalang batas na inihain sa Kongreso para sa ‘across-the-board legislated wage hike. “Sa tindi ng kinakaharap na krisis ng ordinaryong mamamayan, hindi tamang manatiling bulag, pipi at bingi ang gobyerno sa kanilang panawagan para sa dagdag-sahod,” ani Brosas. Ayon sa mambabatas, lalo…
Read MorePBBM PINAMAMADALI NA PAMBANSANG PABAHAY
NAIS na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakita ng mga natapos ng housing units na itinatayo sa ilalim ng housing project ng kanyang administrasyon na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program o 4PH. Sinabi ng Chief Executive, kanya nang inaawitan si Department of Human Settlements and Urban Development secretary Jerry Acuzar hinggil dito. Winika ng Pangulo kay Acuzar na sana ay dalhin naman siya sa housing project ng pamahalaan na doon ay makikitang may naitayo nang mga unit ng 4PH pabahay. Sinabi pa ng Pangulo na sa…
Read MorePINOY WORKERS KAILANGAN NG CZECH COMPANIES
(CHRISTIAN DALE) MAS maraming job opportunities ang alok ng Czech Republic sa mga manggagawang Pinoy. “We also highly appreciate the Philippines’ system of recruiting workers for work in other countries. Czech companies are very satisfied with Philippine citizens. We are discussing the possibilities to expand migration for work,” ayon kay Prime Minister Petr Fiala sa joint press briefing noong Lunes matapos ang bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang. Si Fiala ay dumating sa bansa noong Linggo. Ito ang unang araw sa 10-day Asian tour…
Read MoreMARCOS, REMULLA ‘WORST CABINET MEMBERS’ – SURVEY
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUNG pagbabatayan ang sentimyento ng mga Pilipino, hindi kinagat ng publiko ang paandar ng tatlong prominenteng Kalihim na pirming laman ng balita sa dyaryo, radyo at telebisyon. Batay sa pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Publicus Asia, lagapak ang grado nina Secretary Crispin Remulla ng Department of Justice (DOJ) at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA). Pasok din sa Top Three Worst Cabinet Members ng administrasyong Marcos si Secretary Jaime Bautista ng Department of Transportation (DOTr). Ayon sa Publicus Asia, pinakamarami…
Read MoreBANTA NG CHINA DAPAT KONDENAHIN NI MARCOS JR. – SOLON
DAPAT kondenahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil malinaw na ito ay banta at hindi payo. Mungkahi ito ni House deputy minority leader France Catro matapos ang tinuran ni Huang na dapat tutulan ng Pilipinas ang Taiwan Independence kung may malasakit ito sa may 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan. “Hindi advise ang sinasabi ni Ambassador Huang kundi banta at pagdidikta sa Pilipinas. Marapat na kondenahin ito at ipatimo sa China na dapat nitong sundin ang 2016 arbitral…
Read MoreMARCOS JR. ADMIN KINASTIGO SA NAKAUMANG NA RICE IMPORTATION
(BERNARD TAGUINOD) BINANATAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang panukalang 330,000 MT rice importation ng administrasyong Marcos Jr. na patuloy na nagpapahirap sa mga magsasaka habang lalong pinayayaman ang kartel. Ayon sa grupo, “great disservice to farmers and Filipinos” ang panukala ng National Food Authority (NFA). Sa isang pahayag, sinabi ni dating congressman Rafael Mariano, chairman emeritus ng KMP, kung meron mang tuwang-tuwa sa planong ito ng NFA at Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., iyon ay ang mga rice cartel at hindi…
Read MoreSOLON: PINAS BINENTA NI BONGBONG SA US
(BERNARD TAGUINOD) NAIBENTA na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Pilipinas sa Estados Unidos. Ganito ang paglalarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa inilabas na joint statement ng pamahalaang Amerika at Pilipinas sa gitna ng ikatlong US-Philippines 2+2 Ministerial Dialogue. Base aniya sa joint statement ng dalawang bansa, magbibigay ang Amerika ng $100 million o P5.4 billion bago matapos ang taon para sa infrastructure investment sa limang dating Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites at para sa operasyon ng bagong apat na EDCA sites. Ang nasabing dialogue na…
Read MorePINOY NILILIGAW NI BBM SA EDCA
(BERNARD TAGUINOD) KUNG hindi binibigyan ng maling impormasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nililigaw nito ang mga Pilipino Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Ito ang pahayag ni House deputy minority leader France Castro matapos sabihin ni Marcos na ang karagdagang EDCA sites sa bansa ay hindi gagamitin ng Amerika sa kanilang offensive action. Mistulang nilektyuran ng kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list si Marcos hinggil sa nilalaman ng military agreement na ito sa pagitan ng Pilipinas at Amerika para magkaroon ng ideya ang Pangulo kung ano…
Read More