TAAS-PASAHE SA LRT INAWAT NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang pagtaas ng pamasahe sa rail lines LRT-1 at LRT-2 “pending a thorough study on the economic impact” sa mga mananakay. Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa press briefing sa Malakanyang na susunod ang DOTr sa utos ng Pangulo at masusing pag-aaralan ang economic repercussions ng pagtaas ng pamasahe sa mga pasahero sa tatlong major rail lines. “In compliance with the President’s instruction, we will thoroughly study how a fare hike today will impact on passengers…

Read More

SECTORAL MEETING SUMENTRO SA RIGHTSIZING

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting kahapon ng umaga. Tumutok ang isinagawang cluster meeting sa rightsizing program ng pamahalaan. Kasama sa pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Press Secretary Cheloy Garafil, DBM Undersecretary Wilford Will Wong at DBM Director John Aries Macaspac. Kasama rin sina Secretary Mark Llandro Mendoza ng Presidential Adviser Legislative Affairs at head ng Presidential Legislative Liaison Office at Assistant Secretary Rose Virginie B. Iñigo ng Presidential Legislative Liaison Office. Sa meeting ay binigyan ng update…

Read More

300K EKTARYANG LUPAIN TARGET SA IRIGASYON

LAYON ng administrasyong Marcos Jr. na mabigyan ng irigasyon ang 300,000 ektaryang lupain. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 ektarya at ang kailangan lang ay partnership. Ani Guillen, dito na papasok ang Public Private Partnership (PPP) na aniya’y makapagpapabilis sa inaasam na lawak ng lupaing mabigyan ng irigasyon. Aniya, nasa 20,000 ektarya lamang kada taon ang nagagawang i-turn over at nais nilang lampasan ito sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Para kay Guillen, ang PPP…

Read More

Bigas malayo pang maging P20/K PBBM BUTATA KAY IMEE

MISTULANG nabutata si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng sariling kapatid na si Sen. Imee kaugnay sa pagbibida ng una kamakailan na malapit nang mangyari ang pangako niyang bababa sa P20 ang presyo kada kilo ng bigas sa bansa. Sa pagdalo sa Buntis Congress sa San Pablo City, Laguna noong Biyernes ni Sen. Marcos, sinabi nito na matagal pang panahon bago mangyari ang pangako ng kapatid. Marami aniyang factor ang magiging hadlang sa P20 na presyo ng kada kilo ng bigas. Kasama na rito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng…

Read More

‘Di pwede magtalaga ng gobernador MARCOS JR. SASABIT SA ‘BULONG BRIGADE’

(ANGEL F. JOSE) HINDI malayong sumabit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung patuloy na pakikinggan ang ‘bulong brigade’ sa Palasyo, ayon sa isang beteranong abogado. Pagbubunyag ni Atty. Manuel Luna na kilala bilang de-kampanilyang election lawyer, mayroon di umanong pilit na gumagapang sa Palasyo para kumbinsihin ang Pangulo na magtalaga ng bagong gobernador at bise gobernador sa nahating lalawigan ng Maguindanao. Sa isang pulong-balitaan, inamin ni Luna na mali sa ilalim ng umiiral na batas ang pagtatalaga ng bagong gobernador sa ilalim ng doktrina ng ‘assumption of regularity.’ Partikular na…

Read More

MARCOS-DUTERTE MABIBIYAK SA ICC

NAMUMURO ang paghihiwalay ng mga Marcos at Duterte kapag sineryoso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang banta na hindi na makipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC). Ito ang senaryong nakikita ni dating congressman at Bayan Muna chairman Neri Colmenares na isa sa mga abogado ng pamilya ng mga biktima ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “The threat of Pres. Marcos puts Duterte at a serious disadvantage that could lead to his eventual incarceration and could divide the Marcoses from the Duterte,” pahayag ni Duterte. Noong 2022…

Read More

KAKAPUSAN SA NARS PINATUTUGUNAN SA CHED

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Commission on Higher Education (CHED) na kaagad tugunan ang kakapusan sa nars dahil sa migrasyon o pagtatrabaho sa ibang bansa. Ito ang nakikita ng Pangulo na dahilan kung bakit labis na naapektuhan ang pagbibigay ng epektibong healthcare sa bansa. “We have to be clever about the healthcare manpower. Our nurses are the best, buong mundo na ang kalaban natin dito,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pakikipagpulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector group sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Miyerkoles.…

Read More

PAGLULUNSAD NG PROGRAMA LABAN SA MALNUTRISYON PINANGUNAHAN NI PBBM

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) na may temang “Better Bodies and Minds.” Sa naging talumpati sa nasabing event sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na committed ang kanyang administrasyon na mamuhunan sa 110-million strong population ng bansa, kinokonsiderang “main drivers” ng ekonomiya. Binigyang- diin ni Pangulong Marcos na kailangang hasain ng gobyerno ang mamamayan para maging “industrious, potent at productive Filipinos”, na malakas at matatag, matiisin sa kahirapan upang mabuhay nang matagal at i-enjoy ang buhay. “This is the…

Read More

Hangga’t dedma si Marcos Jr. KAHIRAPAN TITINDI PA

HANGGA’T dinededma o hindi pinakikinggan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang suhestiyon ng mga magsasaka at mangingisda, mamamatay na mahirap ang mga ito. Reaksyon ito ni dating congressman Rafael Mariano sa resulta ng survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mga mangingisda at magsasaka ang pinakaprobre sa bansa. “Palaging pinakamahirap pa rin ang mga magsasaka dahil walang tunay na reporma sa lupa at walang tunay na pag-unlad ng kanayunan at industriyalisasyon ng rural economy,” ani Mariano, chairman emeritus ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Sa datos na inilabas ng…

Read More