PAGBABA NG POVERTY RATE TARGET NG BBM ADMIN SA 2028

POSITIBO ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bababa ang poverty rate ng bansa sa siyam na porsyento pagsapit ng 2028. Kumpiyansa si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na maaabot ang naturang target sa kabila ng mga hamon kabilang ang mabilis na inflation rate. Magiging posible aniya ito sa pamamagitan ng paglikha ng maayos at de kalidad na trabaho at pagsasaayos sa social protection system at iba pa. “But associated with that would be the generation of not just more jobs but higher quality jobs. And those two, growths…

Read More

Hamon ng minorya sa Kamara PACKAGE BILL VS OPH IDEKLARANG URGENT

SA gitna ng nakaambang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, umapela ang minorya sa kamara kay Pangulong Ferdinand marcos Jr. na kagyat na sertipikahan bilang urgent bill ang apat na nakabinbing panukalang naglalayong maibsan ang epekto sa mga ordinaryong Pilipino. “Malacanang and the legislative leadership should concentrate more on measures that would alleviate the suffering of ordinary Filipinos especially in lowering oil prices so that other products will have decreasing prices as well,” pahayag ni House assistant minority leader France Castro. Giit ni Castro, kailangang sertipikahan bilang urgent bill ni…

Read More

PBBM: PILIPINAS HANDA SA MASAMANG EPEKTO NG RUSSIA-UKRAINE WAR

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) HANDA ang Pilipinas na pangasiwaan ang panganib na dulot ng Russia-Ukraine conflict at ang matinding epekto ng natural calamities. Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa Office of the Press Secretary (OPS). Gayundin, sinabi ng Pangulo na ang mga ito ang dahilan kung bakit nagtuloy-tuloy ang inflationary pressures sa pagkain, transportasyon at enerhiya. Sa kabilang dako, sinabi ng OPS na habang ang Pangulo ay nagsasagawa ng kanyang interbensyon sa Second ASEAN Global Dialogue, binigyang diin ng Pangulo na magagawa lamang ang risk management sa…

Read More

PBBM BIYAHENG SWITZERLAND AT CHINA SA 2023

NAKATAKDANG bumiyahe patungong Switzerland at China si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa unang buwan ng susunod na taon. Inimbitahan ang Pangulo sa World Economic Forum (WEF) na gaganapin sa Switzerland sa Enero 2023. Ang imbitasyon ay ipinarating kay Pangulong Marcos ni WEF founder at executive chairperson Klaus Schwab sa isinagawang breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia, noong Sabado, ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge of the Office of the Press Secretary (OPS). “World Economic Forum founder and executive chairman Klaus Schwab today invited President Ferdinand R. Marcos Jr. to…

Read More

PRES. MARCOS JR., CHINESE PREMIER LEE NAGKASUNDO NA LALIMAN PA UGNAYAN NG PH AT CHINA

NAGKASUNDO sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Premier Li Keqiang, nitong Sabado na mas laliman pa ang partnership ng Pilipinas at China. Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary na sina Pangulong Marcos at Li ay nagkaroon ng maikling pag-uusap sa sidelines ng  Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN)-Plus Three Summit sa Phnom Penh, Cambodia. Sinabi ng Malakanyang, nakatakdang bisitahin ni Pangulong Marcos ang China sa unang bahagi ng Enero 2023 dahil na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping para sa isang state…

Read More

PAKIKIPAGKAISA SA ASEAN PARTNERS PARA SA FOOD SECURITY TINIYAK NI PANGULONG MARCOS JR.

HANDA ang gobyerno ng Pilipinas na makatrabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang tiyakin ang food security sa bansa at sa rehiyon. Nakiisa si Pangulong Marcos sa kanyang mga kapwa lider sa idinaos na 25th ASEAN Plus Three (China, Japan, Korea) Summit sa Phnom Penh, Cambodia. “Attaining food self-sufficiency and security by seeking innovative solutions through adoption of new technologies and enhanced connectivity to national, regional, and global value supply chains … must be one of our utmost priorities in the region,” ayon kay Pangulong Marcos. “The Philippines…

Read More

INISYATIBA NI PBBM PINURI NG UN

PINURI ng United Nations (UN) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang inisyatiba para sa “youth empowerment, peace-building, at security.” Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na habang idinadaos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-UN Summit, tinukoy ni UN Secretary-General António Guterres si Pangulong Marcos “for taking the lead in youth involvement for the ASEAN.” Sa nasabing summit, ipinahayag ng Pangulo ang commitment ng Pilipinas sa “youth, peace at security agenda” kasabay ng paglulunsad ng National Action Plan (NAP) on youth, peace, and…

Read More

Solon sa paglago ng ekonomiya MARCOS JR. HARDWORKING PRESIDENT

(BERNARD TAGUINOD) NAGBUNGA na ang pagiging hardworking ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos maitala ang paglago sa 7.6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa ikatlong bahagi ng taon. Tinuran ito ni House Speaker Martin Romualdez, na isa sa mga kasama ni Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia, matapos kumpirmahin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ang GDP mula Hulyo hanggang Setyembre. Mataas ito ng 2.9% kumpara sa naitalang GDP noong Abril hanggang Hunyo o second quarter ng taong kasalukuyan na…

Read More

IMBESTIGASYON SA LAPID SLAY HAYAANG MAGPATULOY – PBBM

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magpatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa brodkaster at kolumnistang si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid. Ito’y sa kabila na nagawa naman nang maayos ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang trabaho. “By the way, I’d like to remind everybody this case… was practically solved in 17 days. Okay. So, I think we can say that the investigating bodies have done a good job,” ang winika ni Pangulong Marcos. “They’ll keep doing a good…

Read More