MGA PINOY NA NANALO SA ASEAN PARA GAMES BINATI NI PRES. MARCOS

NAGPAABOT ng pagbati at papuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga atletang Pinoy na nanalo sa 11th ASEAN Para Games na idinaos sa Indonesia. Para sa Pangulo, ang dedikasyon ng mga atleta ay “magandang halimbawa” sa mga kabataang Pinoy na nais subukan ang kanilang swerte sa Philippine sports. “Binabati natin ang ating mga kampeon sa katatapos lamang na 2022 ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia. Pinatunayan nila na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang makamit ang tagumpay,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post. “Ang kanilang katatagan…

Read More

Target ni PBBM sa agri products PRODUKSYON ITATAAS, PRESYO IBABABA

(CHRISTIAN DALE) NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agriculture group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at tinalakay ang posibilidad na itaas ang produksyon ng local agricultural goods at ibaba ang presyo. Nakipagkita si Pangulong Marcos sa SINAG sa idinaos na pang-apat na Cabinet meeting. “Dapat mag-produce ng mas marami sa local natin and affordable price sa ating mga consumer,” ayon kay Rosendo So ng SINAG. Idinagdag pa ang pagbaba ng presyo ng baboy at pinag-aaralan ang posibilidad ng pagpapalaki ng malalaking baboy. “They previously used to sell 95-kilo hogs.…

Read More

Masama man ang panahon PAG-UUSAP NINA PBBM AT BLINKEN NATULOY

SA kabila ng makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ulan ay natuloy ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, ngayong Sabado, Agosto 6, 2022. Makikita sa mga lumabas na larawan ang paglagda ni Blinken sa Malacañang guest book bago pa personal na makipagkita sa Chief Executive. “The visit signifies the United States’ commitment as an ally to the Philippines, ayon sa kalatas ng US Embassy. Nauna rito, sa pagdating sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken ay agad siyang sinalubong…

Read More

IBA’T IBANG POSISYON PATULOY NA PINUPUNAN NI PBBM

PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno. Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng mas maraming opisyal para pamunuan ang Philippine National Railways (PNR) at Light Rail Transit Authority (LRTA). Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista ang oath-taking noong Huwebes, nina Jeremy S. Regino bilang PNR Acting General Manager, kasama sina Henry L. Uri bilang Acting Member ng PNR Board of Directors. Nagsilbi si Regino bilang administrator ng LRTA sa ilalim ng Duterte administration, habang si Uri, isang seasoned broadcaster…

Read More

PBBM PERSONAL NA NAKIRAMAY SA PAMILYA NI FVR

PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa kanyang pagbisita sa burol ng huli sa Heritage Park sa Taguig City. Dumating si Pangulong Marcos sa lamay ng pasado alas-10:20 ng umaga ng Huwebes, Agosto 4, 2022. Hulyo 31 nang mapaulat na namayapa na ang dating Pangulo sa edad na 94. Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos habang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon sa COVID-19. Nagsilbing Pangulo ng bansa si FVR mula 1992 hanggang 1998.…

Read More

Ipasa sa private sector kung ayaw ng China RAILWAY PROJECTS IPAGPAPATULOY NI PBBM

TINITINGNAN ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na partnerships sa private sector para pondohan ang tatlong railway projects na dapat sana ay susuportahan ng China. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOTr Undersecretary for Planning Timothy John Batan, hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-renegotiate siya sa China at tingnan din ang posibilidad na makipag-partner sa private sector para sa mga proyektong ito. “Sabay nating pinag-aaralan iyang interes ng China at interes ng ating pribadong sektor para dito sa mga proyektong hindi napondohan ng China nitong nakaraang…

Read More

SAGANDOY NANUMPA BILANG DEPUTY LEGAL COUNSEL NI PBBM

PORMAL nang nanumpa si Atty. Joseph Sagandoy bilang deputy legal counsel ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “President Ferdinand R. Marcos Jr., together with Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile, administers the oath of office to Atty. Joseph Sagandoy as Deputy Presidential Legal Counsel in a ceremony at the Reception Hall in Malacañan Palace on August 2, 2022,” ayon sa Radio Television Malacañang (RTVM) Facebook page. Nakamit ni Sagandoy ang Bachelor of Laws degree mula sa University of the Philippines noong 1997 at Bachelor of Science degree in Business…

Read More

WIKANG FILIPINO PALAKASIN -PBBM

MALUGOD na binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kapatid sa Inang Bayan, sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Sinabi ng Pangulo na napapanahon na paalalahanan ang mga sarili na ang Pilipino ay hindi limitado sa mga salitang likas lamang sa Tagalog bagkus aniya ay isang kalipunan ng iba’t ibang wika sa buong kapuluan, na naglalayong magbuklod sa ating lahat tungo sa pagsulong ng mas maunlad at nagkakaisang Republika. “Ngayon, higit kailanman, panatilihin nating matatag ang ating lingwistikong pundasyon sa Filipino, dahil ang sarili nating wika ang ating…

Read More

PBBM: Gobyerno patuloy na nakatutok TF MONKEYPOX ‘DI NA KAILANGAN

HINDI na kailangan bumuo pa ng isang task force na tututok lamang sa monkeypox. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na hangga’t may guidelines na nakalatag o ilalatag ang Department of Health (DOH) ukol sa nasabing sakit ay hindi na kailangan pang bumuo pa ng task force. Aniya, ‘layer’ lang ang mangyayari kung ito ay gagawin pa at sapat na ang naging karanasan ng bansa sa COVID-19 para harapin ang sakit na monkeypox. Giit pa ni Solante na proper coordination lang ang kailangan…

Read More